X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jessy Mendiola sinagot ang basher na nagsabing, "Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise"

4 min read

Jessy Mendiola may sagot sa mga bashers niyang nagsasabing hindi makakabuti ang pag-exercise niya kung gusto niyang magkaanak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pahayag ni Jessy Mendiola tungkol sa pagkakaroon ng anak.
  • Nakakasama ba talaga ang pag-exercise sa mga babaeng gustong magkaanak.

Jessy Mendiola reacts sa nagsabing hindi makakabuti ang pag-i-exercise niya kung gusto niyang magkaroon ng baby

jessy mendiola

Image from Instagram 

Sa isang pinakabagong Instagram post ng aktres na si Jessy Mendiola ay makikita itong nagbubuhat ng weights habang ibinibida ang toned abs niya.

Marami sa mga fans at followers ng aktres ang napa-wow sa fit niyang katawan. Pero may ilan ang nagsabing mukhang walang balak magka-baby si Jessy dahil masyado itong dedicated sa pag-i-exercise.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Jessy Mendiola- Manzano (@senorita_jessy)

“Nag papà abs wala balak magbuntis?”

Ito ang nasabi ng isa sa kaniyang followers. Habang ang isa naman ay tila nag-aalala at sinabing makakasama ang pag-iexercise ng aktres sa kagustuhan nitong magka-baby.

“Paano ka magkakababy niyan if you always exercise?”

Ito ang sabi ni netizen. Sinagot naman ito ni Jessy na hinihingan ng paliwanag ang netizen tungkol sa nasabi nito.

“So kung nag-e-exercise hindi magkakababy? Paki-explain.”

Ito ang sagot ni Jessy.

Jessy Mendiola sinagot ang basher na nagsabing, Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise

 

May ilang netizens naman ang nagmagandang-loob na paliwanagan si Jessy at sinabing kung gusto niyang magbuntis ay dapat light exercises lang ang ginagawa niya. Pero muling sagot ng aktres ay 5lbs lang ang weights na binubuhat niya at hindi mabigat ito.

Masama nga ba talaga ang pag-exercise sa pagbubuntis?

Ayon sa mga eksperto, ang mga physical activity na ginagawa on a moderate level ay safe at healthy at hindi napatunayang nakakaapekto sa infertility sa isang babae.

Pero para makasigurado ay mabuting magpakonsulta muna sa doktor. Ito ay dahil ang bawat babae ay iba-iba ang health condition at may mga ehersisyo na maaring makabawas sa tiyansa niyang magdalang-tao.

Pero madalas, para sa mga babaeng may healthy na pangangatawan ang regular na pagwo-work-out ay makakatulong para maihanda ang baby-making shape nila.

Ito rin ay nakakatulong para ma-improve ang kanilang posture at mabawasan ang common discomforts na mararanasan ng babae tuwing buntis tulad ng pananakit ng likod at fatigue.

BASAHIN:

8 Household chores that count as exercise to keep you fit and productive

“Pag-exercise” ng utak ng buntis, nakakatalino sa baby

Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?

Vilma Santos excited ng magkaapo kay Luis at Jessy

jessy mendiola and luis manzano with vilma santos

Image from Instagram 

Samantala sa mga nauna nilang vlog episode ay naikuwento na ng mag-asawang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang pagnanais nilang magkaanak.

Ito naman ay suportado ng star-for-all seasons at ina ni Luis na si Vilma Santos. Ready at excited na nga umano itong magkaapo na sa anak na si Luis Manzano. Pinagdadasal niya nga na sana ay mangyari na ito soon.

"Excited pero ayokong ma-pressure, ayaw ko ng tinatanong. Basta ready na ako, na-e-excite na ako magkaroon ng apo. I'm praying soon.”

Ito ang sabi ng dating aktres sa isang panayam.

Kung sakali nga raw maisakatuparan na ang hiling niyang ito, sigurado raw siyang magiging isang makulit at spoiler na lola siya. Pero hindi raw lola ang itatawag ng apo niya sa kaniya, kung hindi Momski na tulad din sa tawag sa kaniya ng anak na si Luis ngayon, ganoon din ng mga pamangkin niya.

"I am a spoiler. I will definitely be a nice lola, a makulit lola.”

"Papatawag akong Momski. Iyan ang tawag sa akin ng mga pamangkin ko, parang Lola din."

Pagbabahagi pa ni Vilma Santos, ay napag-usapan na nila ni Luis ang tungkol sa pagkakaroon niya ng apo. Sa katunayan, nag-alala na nga raw ito na baka masyadong matuwa ang dating aktres at hindi na pauwiin ang apo sa oras na nasa kaniya.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

"Sabi nga sa akin ni Lucky, 'Mom, baka' di mo na isauli sa amin 'yong bata kapag natuwa ka. 'Di puwede, Mom.'”

Ito ang natatawang kuwento pa ng dating aktres na excited ng maging lola.

Luis humihiling na sana si Jessy ang maging kamukha ng magiging anak nila

jessy mendiola and luis manzano

Image from Instagram 

Samantala, sa isa mga vlog episodes ni Luis Manzano ay sinabing niya sana si Jessy ang maging kamukha ng magiging anak nila. Dahil kung hindi, pabirong sabi ni Luis ito umano ang gagawin niya.

"Sana talaga 'pag baby girl, well kahit anong anak natin, sana kamukha mo. Kapag kamukha mo baby natin, for sure hindi ko papalabasin ng bahay. Kapag kamukha ko anak natin, by three years old papalayasin ko na 'yon, bahala siya,”

Ito ang pabirong sabi ni Luis kay Jessy sa isa mga vlog episodes nila.

Source:

PEP, WebMD, Tommys Org

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jessy Mendiola sinagot ang basher na nagsabing, "Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise"
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.