Jodi Sta.Maria sa mga kabit: “I do hope that you’ll see your worth.. worthy enough na hindi itago.. ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan.”

Mensahe naman ni Jodi sa mga babaeng niloko ng asawa, “forgive because you deserve peace.”

Jodi Sta.Maria may mensahe sa mga kabit pati na sa mga babaeng niloloko ng mga mister nila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe ni Jodi Sta.Maria sa mga kabit.
  • Payo ni Jodi sa mga babaeng niloko ng asawa at pinagpalit sa iba.

Mensahe ni Jodi Sta. Maria sa mga kabit

jodi sta.maria

Image from Instagram

May bagong telenobelang pagbibidahan ang aktres na si Jodi Sta.Maria sa ABS-CBN. Doon ay gaganap siyang isang doktor na lolokohin ng mister niya at ipagpapalit sa ibang babae.

Sapagkat sa kaniyang role ay may mensaheng nais iparating ang aktres sa mga kabit. Ito ay inihayag ni Jodi sa isa mga panayam na pinaunlakan niya kaugnay ng pinakabago niyang proyekto.

“I do hope that you’ll see your worth. That you are worthy enough na hindi itago, na hindi gawing kept woman. Pero ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan.”

Ito ang mensahe ni Jodi sa mga kabit na naiipit sa kasalukuyang sitwasyon nila.

Payo naman ni Jodi sa mga babaeng niloko ng asawa

jodi sta.maria with son thirdy lacson

Jodi with son Thirdy Lacson/ Image from Instagram

Samantala sa usaping infidelity ay may personal take rin si Jodi. Pahayag niya kung siya ang malalagay sa sitwasyon na kung saan siya ay niloko ng asawa ay maaari niyang patawarin ito kung ito ay resulta ng pagkakamali lang.

“It would really depend. If the infidelity is a result of a really bad decision o talaga sabihin mong honest mistake siguro puwede kong mabigyan ng another chance ‘yong asawa ko.”

Pero kung paulit-ulit na umano ito ay mamabutihin niyang mag-let go nalang. Isipin ang kaniyang sarili at ang anak niya.

“But if I see that this is a continuing toxic pattern and hindi na siya pagkakamali pero talagang deliberately ay ginagawa niya then I think I need to think of myself, I think I need to think of my child and walk away from the relationship.”

Masakit man, payo niya sa mga babaeng niloko ng asawa, mas mainam pa rin ang pagpapatawad. Sapagkat ito ang nakikita niyang paraan para kahit paano ay maibsan ang sakit na nararamdaman.

Pagbabahagi pa ni Jodi,

“If somebody has betrayed you, if somebody has hurt you or they lied to you or did something not good to you, the antidote is always forgiveness. Para maibsan yung pain, you really have to forgive.”

“Magpapatawad ka para sa ‘yo, because you deserve peace.”

Dagdag niya pang payo para sa mga naloko at iniwan ng asawa, may pag-asa pa. Hindi ito ang katapusan ng lahat at hinihiling niya na sana ay agad na mag-heal ang sugat na idinulot ng masakit na sitwasyon na kinalalagyan niya.

Pahayag pa ng aktres na si Jodi Sta. Maria,

“There is hope for you. Just because nag-end ‘yong marriage mo it doesn’t mean that your life has to end to. I hope that you healed from whatever pain or brokenness that your situation has brought you and your family.”

BASAHIN:

Iwa Moto and Jodi Sta. Maria show that blended families do work!

Iwa Moto on her kasambahays: “Kung anong kinakain namin, ‘yon din ang kinakain nila”

LOOK: Jodi Sta. Maria and Jolo Revilla bond with Iwa Moto, Pampi Lacson and kids in Singapore

Jodi Sta.Maria’s marriage experience

Jodi Sta.Maria sa mga kabit: I do hope that youll see your worth.. worthy enough na hindi itago.. ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan.

photo: Jodi Sta. Maria instagram

Pagdating sa modern at unconventional family set-up ang pamilya ni Jodi Sta.Maria at dating mister na si Pampi Lacson ang hinahangaan ng karamihan.

Si Pampi ay may dalawa ng anak ngayon sa kinakasamang aktres na si Iwa Moto. Sa kanilang bahay ay doon din nakatira ang anak nina Pampi at Jodi na si Thirdy na 16-anyos na sa ngayon.

Taong 2011 ng tuluyang maghiwalay sina Pampi at Jodi. Makalipas ang dalawang taon ay sinimulang i-proseso ang annulment ng kanilang kasal.

Sa ngayon, matapos ang ilang taon ay nagkapatawaran na sina Iwa, Jodi at Pampi. Maayos na ang relasyon nila sa isa’t isa. Makikita ito sa mga biruan nila sa social media. Ganoon din sa mga larawan online na makikita silang magkasama at masaya kasama ang si Thirdy na binata na ngayon.

Source:

ABS-CBN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!