Jolina Magdangal patungkol sa pahayag ni Pele: "Natulala ako ng konti at sumikip dibdib ko..."

lead image

Karamihan sa mga magulang ngayon na mayroong dalawa o higit pang anak ay nagkakaroon ng problema patungkol sa pagseselos ng isa sa mga anak nila. Sa kaso ng Kapamilya actress, host, at singer na si Jolina Magdangal na mayroong dalawang anak—si Pele na limang taong gulang na at si Vika naman na labing-isang buwan na nagkakaroon na di-umano ng kaunting selos ang kanyang panganay na si Pele sa kanilang anak na si Vika.

Nakwento nga ni Jolina na minsan nga daw ay napapaisip siya kung baka nagkukulang siya minsan kay Pele lalo na kapag ang inaasikaso niya ay kanilang bunso na si Vika, "Sa totoo lang, kahit na alam ko naasikaso ko si Pele, napaisip ako baka mamaya nagkukulang ako sa kanya. Gusto ko humagulgol pero nasa dinner kasi kami sa labas kaya talagang pigil na pigil ako."

Syempre masakit sa isang magulang na isipin na nagkukulang siya sa isa sa mga anak niya at lahat ng magulang ay nararamdaman ito sa isang banda ng kanilang buhay at hindi exempted dito ang aktres.

#PeleSerye

Marahil open book nga ang kwento ng pagiging magulang ni Jolina Magdangal sa kanyang dalawang anak kay Mark Escueta. Kapag nagpo-post din siya ay may hashtags pa ang bawat isa—#PeleSerye at #TeleVika.

Nai-share nga ni Jolina ang naturang post patungkol sa isang kwento tungkol sa anak niya si Pele at nakurot na naman nga di-umano ang puso niya ni Pele nang may sabihin ito sa kanya habang sila'y kumakain.

Aniya, "Lately kasi lagi sya (Pele) nasasabihan dahil medyo mabagal sya (Pele) kumain. So habang nagdidinner kami, nakita nya sinubuan ko si Vika at ngumingiti-ngiti ako. Sabi ni Pele: 'Mama, bakit kay Vika lagi ka nag smile, sa akin hindi, e bata sya tapos ako bata din.'"

Pagpapatuloy ng singer-host-actress, "Natulala ako ng konti at sumikip dibdib ko. Inexplain ko nalang sa kanya na si Vika kailangan pa subuan, at kaya sya (Pele) nasasabihan kasi gusto lang namin sya (Pele) maging healthy."

Dagdag pa niya, "Minsan may mga bigla sya (Pele) sasabihin sakin na 'Mama, do you love me ba?' At minsan, 'Mama, diba even if you get mad at me sometimes, you still love me naman diba?' At syempre todo explain ako na we love him so much but we need to also take care of Vika."

Basahin: Check out Jolina’s amazing nature-themed maternity shoot!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!