X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jolina, nagbigay ng tips sa pag-iwas sa depression at bullying sa mga kabataan

4 min read

Kung dati ay kilala si Jolina Magdangal bilang isa sa mga inaabangang aktres sa mga teen romantic films, ngayon naman, ay iniidolo na siya ng marami sa kanyang pagiging butihing ina sa kanyang dalawang anak na si Pele at Vika. 

Naimbitahan ang the Asian Parent sa exclusive media launch ng Tiger Energy Biscuits na may temang #InnerStrength. Ayon sa Brand Manager ng Tiger, ang advocacy raw na ito ay tumutulong hindi lamang sa pampisikal na pangangailangan ng mga kabataan kung hindi pati narin sa kanilang pang emosyonal na pangangailangan. 

inner-strength-introduction

Ms. Kristine Enriquez sa pagbahagi ng bagong campaign ng Tiger Biscuit na #InnerStrength

Kasama sa pagtaguyod ng campaign na ito ay si Jolina Magdangal na nagsalita rin tungkol sa kanyang paraan ng pagpapalaki kina Pele at Vika. Isa sa mga napagusapan ay ang paghulma ng inner strength pagdating sa bullying. 

Pambubully at pagiging bully

“Ang sabi ko sa kanya ‘pag may nanakit sayo and hindi niya sinasadya, it’s okay … ’Pag lagi paring ginagawa kahit alam na niyang mali … go to your teacher right away.“ Ibinahagi ni Jolens na pagdating sa bullying, ayaw niyang matutunan ni Pele ang pag-ganti. Ang hiling lamang ng aktres ay sana tulungan sila ng mga teachers at i-report agad sa kanila kung sakaling mangyare mang ganitong insidente.

Sa kabilang banda, iniiwasan rin naman niyang maging bully si Pele. Ikinuwento niyang hindi talaga maiiwasan ang pagiging makulit ng kanyang panganay. Kahit sa murang edad, hindi pinalalampas ni Jolens na turuan ng mabuting leksyon ang kanyang panganay. 

 
View this post on Instagram
  Pinakamasarap na feeling…. ang umuwi at makipagsiksikan sa family. Sarap maging nanay.😊 #PeleSerye #TeleVika #TeamEscueta

A post shared by 🍀 Jolina Magdangal Escueta 🍀 (@mariajolina_ig) on Aug 3, 2019 at 3:49am PDT

Nagbigay pa ng halimbawa ang dating child star na kapag nagiging masyadong maharot kay Vika si kuya Pele, igaganti nalang niya ng magaan si Vika upang ma-realize ni Pele na nakakasakit na siya. “Minsan natutusok dito [sa mukha] ng kaunti, ‘pag pangatlong beses na hindi pa nya tinitigil, gagawin ko po sa kanya ‘’di ba masakit?’ Pero syempre hindi ko naman po masyadong ididiin,” sabi pa niya.

Dumagdag rin ng pahayag si Dra. Marnie Prudencio, isang Neurodevelopmental Pediatrician, na may malaking responsibilidad rin ang mga guro pagdating sa mga bullying incidents. “If the child, repeatedly [bullies], siguro dapat tingnan rin yung isang bata if may condition. Some of the parents don’t know when they bring their children to school, meron palang autism or ADHD, kailangan palang ma-evaluate. o dapat at tune din yung mga teachers on looking at those kinds of behaviors.” 

Laban sa child depression

Nagiging usap-usapan narin ngayon ang mga paraan upang makontra ang lumalaganap na depression sa mga kabataan. Naibahagi ni Jolens na sinisigurado niyang lagi silang may time ni Mark para kila Vika at Pele. “Ako, busy sa work, pero ‘pag may tinanong si Pele kahit ano pa ‘yon, ibababa ko yan.”

jolina-on-childs-inner-strength

Mula kaliwa hanggang kanan, Suzie Abrera, Jolina Magadangal, Dra. Marnie Prudencio, at Kristine Enriquez na nagpapahayag ng kani-kanilang opinyon kung paano mailalabas ang inner strength sa mga kabataan

Namulat raw siya nang nagkaroon ang kanyang morning show na Magandang Buhay na isang episode tungkol sa depression. Simula raw noon, ay mas naging conscious siya sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak. Nakaugalian na raw niyang kamustahin ang kanyang panganay at tanungin ito tungkol sa kanyang nararamdaman.

Na-ikwento rin niya ang mga painting ni Pele na kulay itim, na talagang kumuha ng kanyang atensyon. Laking ginhawa naman sa aktres nang ito’y ipaliwanag ng kanyang panganay. “Kasi mama that’s a magic falls. It’s black, pero when you scratch it, may color,” sabi raw ni Pele. “Infairness nga naman, ‘pag iniscratch, colored pala yun loob!” pa-birong sabi ni Jolens.

Nagbahagi rin ng payo si Dra. Marnie ukol dito. Isang mabisang teknik raw na pwedeng gawin ng mga magulang ay ang ipa-rate mula 0 hanggang 10 ang kanilang nararamdaman. Sa ganitong paraan, maaari rin nilang tanungin ang bata kung bakit 6 lamang ang kanilang sagot o kung ano ang maaaring gawin upang maging perfect 10 ang kanilang mood.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Also read: “Bully daw ang anak ko!” Mga dapat malaman tungkol sa bullying

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Audrey Torres

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Jolina, nagbigay ng tips sa pag-iwas sa depression at bullying sa mga kabataan
Share:
  • 19 pisikal at emosyonal na sintomas na mayroon ka na pa lang depresyon at anxiety

    19 pisikal at emosyonal na sintomas na mayroon ka na pa lang depresyon at anxiety

  • Here's why every pregnant woman must get screened for depression

    Here's why every pregnant woman must get screened for depression

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 19 pisikal at emosyonal na sintomas na mayroon ka na pa lang depresyon at anxiety

    19 pisikal at emosyonal na sintomas na mayroon ka na pa lang depresyon at anxiety

  • Here's why every pregnant woman must get screened for depression

    Here's why every pregnant woman must get screened for depression

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.