K-12: Isang gabay para sa mga magulang
Narito ang mga dapat malaman ng mga magulang tungkol sa K-12 program.
K-12 Philippines curriculum at ang iba pang mahalagang bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa bagong education system na ito.
Ano ang K-12 education system?
Ang K to 12 o K-12 ay ang pinakabagong education system na ipinatutupad sa Pilipinas. Ito ay nasa ilalim ng pangunguna ng Department of Education na naglalayong makapagbigay ng sapat na oras sa mga estudyante na mapahusay ang kanilang basic skills at maihanda sila sa tertiary education, middle-level skills development, employment at entrepreneurship.
Nagsisimula ang programa sa pagpasok ng mga batang mag-aaral sa Kindergarten ng isang taon, na susundan ng 12 na taon para makumpleto ang kanilang basic skills education requirement.
Ang 12 na taon na ito ay binubuo ng anim na taon ng primary education, apat na taon sa Junior High School at dalawang taon sa Senior High School. Kaya sa kabuuan ay kailangang mag-aral ng isang batang Pilipino ng 13 years para makumpleto ang basic education at maihanda siya sa mas malawak na mundo ng kolehiyo.
Ang Pilipinas ang pinakahuling bansa sa Asya at isa sa tatlong bansa sa buong mundo na nahuling gumamit ng education program na ito.
K-12 Philippines education system
Kindergarten
Ang K-12 Philippines program ay nagsisimula sa pamamagitan ng early access sa education gamit ang Universal Kindergarten curriculum.
Sa ilalim ng programa, sa edad na lima ay maari ng magsimula ang mga batang mag-aaral para unti-unti na silang maka-adjust sa formal education.
Dahil ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang dumaan sa Kindergarten ay mas maganda ang nakukuhang grades sa kanilang paglaki at mas nagiging handa para sa primary education.
Mahalaga rin na matutukan ang murang edad na ito ng mga bata na kung saan nabubuo ang pundasyon para sa kanilang lifelong learning at total development.
Sa Kindergarten ang ilang bagay na matutunan ng isang bata ay ang alphabet, numbers, shapes, colors, songs, dances, gamit ang kanilang mother tongue o pangunahing wika o dialect na ginagamit sa kanilang lugar.
Magmula noong SY 2012-2013 ay may 12 mother languages ang inintroduce sa K-12 program. Ito ay ang sumusunod: Bahasa Sug, Bikol, Cebuano, Chabacano, Hiligaynon, Iloko, Kapampangan, Maguindanaoan, Meranao, Pangasinense, Tagalog, at Waray. Habang ang English at Filipino naman ay mga subjects na kanilang mapag-aaralan kapag sila ay tumungtong sa Grade 1.
Samantala, maari parin namang pumasok sa Day Care ang mga batang may edad na apat pababa ngunit ito ay hindi kasama sa K-12 program ng DepEd. Dahil ito ay isang programa sa ilalim ng mga LGU’s o Local Government Units.
Grade 1 to 10
Matapos ang Kindergarten, ang mga batang mag-aaral ay tutuloy na sa Grade school. Dito mas matuto na sila ng kaalaman tungkol sa Biology, Geometry, Earth Science, Chemistry at Algebra.
Malaki ang kinaibahan nito sa naunang education system dahil ang mga subjects na ito noon ay tinuturo lang sa high school level.
Sa ilalim ng K-12 Philippines curriculum, ang mga subjects na pinag-aaralan sa Grade 1 to 6 o primary education ay may kaugnayan sa kanilang pag-aaralan sa Grade 7 to 10 o Junior High.
Binubuo naman ng mas malawak, context-based at spiral progression learning curriculum ang Grade 1 to 10 ng K-12 Philippines program. Itinuturo sa level na ito ang sumusunod na mga subjects:
- Mother Tongue
- Filipino
- English
- Mathematics
- Science
- Araling Panlipunan
- Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
- Music
- Arts
- Physical Education
- Health
- Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
- Technology and Livelihood Education (TLE)
Grade 11 to 12 (Senior High)
Sa naunang education system ang sinumang mag-aaral na nakakumpleto ng anim na taon sa elementary at apat na taon sa high school ay maari ng mag-kolehiyo. Ngunit sa K-12 Philippines curriculum ay kailangan pa nilang mag-aral ng dagdag na dalawang taon, ang Grade 11 to 12 bago tuluyang makapag-aral sa college.
Ang Senior High School o Grade 11 to 12 ay isang specialized upper secondary education. Dito ay maari ng mamili ang isang estudyante ng specialization na gusto niyang pag-aralan na nakadepende sa kaniyang aptitude, interest at capacity ng pinapasukang paaralan.
May tatlong career track na maaring pagpilian ang isang estudyante na papasok sa Senior High School. Ito ay ang sumusunod:
1. Academic
Binubuo ito ng tatlong strands, una ay ang BAM o Business, Accountancy and Management. Pangalawa ay ang HESS o Humanities, Education, Social Sciences at ang STEM o Science, Technology, Engineering at Mathematics.
2. Technical-Vocational-Livelihood
3. Sports and Arts
Mula sa bagong K-12 Philippines curriculum na ito, ang sinumang mag-aaral na makakatapos sa kaniyang Senior High School ay maari nang magtrabaho. Dahil ang mga itinuturo sa Grade 11 to 12 ay katumbas ang vocational courses na kung saan makakatanggap ang isang mag-aaal ng TESDA certificates at National Certificates. Ito ay maari niyang maipakita sa pag-aapply ng trabaho gamit ang specialization na natutunan.
Nasa kaniyang desisyon o kagustuhan na kung ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo para sa mas malawak na oportunidad.
Kabilang narin sa bagong K-12 Philippines curriculum ang subject na Entrepreneurship. Ito ay para naman sa mga mag-aaral na gustong magsimula ng negosyo pagkatapos na mag-aral imbis na magtrabaho.
Mas magastos nga ba ang K-12 Philippines curriculum para sa mga magulang?
Sa ibinibigay na kaalaman at kakayahan ng K-12 program mas nagiging madali para sa mga estudyante ang pagkakaroon ng trabaho. Hindi tulad noon na pahirapang makapasok ng trabaho ang mga job-seekers na high school lang ang natapusan. Ngunit sa tulong ng K-12 ay may mga oportunidad na agad ang nakaabang pagka-graduate palang nila ng Senior High School.
Hindi rin naman dapat alalahanin ng mga magulang ang dagdag na taon at gastos sa pagpapaaral. Dahil ang Senior High School ay libre para sa mga public school. At may voucher program rin na ibinibigay para naman sa mga mag-aaral sa private schools.
Magagamit din ito ng mga estudyanteng nauna ng grumaduate sa high school gamit ang 10-year education program at naabutan ng transition ng K-12 Philippines curriculum.
SHS Voucher Program
Ano ang voucher program na ito?
Sino ang makikinabang at kwalipikado sa voucher program?
Magkano ang halaga ng SHS voucher?
Paano mag-aapply sa voucher program?
Sino ang puwedeng mag-apply ng voucher?
Ano ang requirements sa pag-a-apply?
Source: Official Gazette of The Philippines
Basahin: Mga Mahahalagang Kaalaman Tungkol Sa K to 12 Program
- DepEd: Senior high school lang ang may graduation ceremony ngayong 2019
- Senior high school voucher: Steps para makapag-apply
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."
- Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”