Ayon sa astrolohiya, may kinalaman ang birth month sa sex life

lead image

Nagtataka ba kayo kung mbakit mas experimental sa sex ang mga taong 'pinanganak sa Nobyembre, o kung bakit mas maarte sa kama ang mga 'pinanganak sa Mayo? Ayon sa astrolohiya, magkaugnay ang kaarawan at sex life.

Kaarawan at sex life

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/08/annie spratt 493162 unsplash.jpg Ayon sa astrolohiya, may kinalaman ang birth month sa sex life

Enero

Ang mga pinanganak sa Enero ay napaka-experimental pagdating sa sex, tulad ng mga 'pinanganak sa Nobyembre. Matiyaga silang mangingibig lalo na kung interesadong-interesado sila sa isang tao.

Pebrero

Mahilig sa adventure ang mga 'pinanganak sa Pebrero—at kasama na dito ang mga adventure sa kama. Lubos ang focus nila sa kanilang mga layunin, kaya kailangang magpursigi ang kanilang mga partner para pukawin ang kanilang koneksyon.

Marso

Ang mga taong 'pinanganak sa Marso naman ay napakahilig sa sex—kung pwede lang sila manatili sa kama buong araw, masaya na sila. Napaka-tindi ng kanilang pagtatalik dahil 'binibigay nila ang lahat ng kaya nilang ibigay sa kanilang partner. Minsan, nagiging spiritwal din ang kanilang pagse-sex.

Abril

Napaka-independent ng mga 'pinanganak sa Abril, kaya tuwing may kasama sila, 'binibigay nila ang lahat ng kaya nilang ibigay. Dahil pinamumunuan sila ng Mars, ang pagtatalik nila ay napakasidhi at marubdob. Masilakbo ang kanilang damdamin, ngunit mabilis din silang magsawa sa mga tao.

Mayo

Ang gusto ng mga 'pinanganak sa Mayo ay pagtatalik na kumportable, senswal, at maapoy. Medyo maselan sila sa kama at kuwarto—kung magulo ang kuwarto at kama mo, siguradong magrereklamo sila.

Hunyo

Dahil likas na katangian nila ang pagiging mausisa, gustong subukan ng mga 'pinanganak sa Hunyo ang lahat ng posisyong sekswal. Di sila kasing ragasa ng mga 'pinanganak ng Pebrero, pero matindi din ang kanilang pagse-sex. Mahilig din sila sa "dirty talk".

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/08/emiliano vittoriosi 720653 unsplash.jpg Ayon sa astrolohiya, may kinalaman ang birth month sa sex life

Hulyo

Maingat ang mga 'pinanganak sa Hulyo pagdating sa sex. Gusto nila ang pagtatalik na emosyonal, at kailangang naramdaman nila na ligtas sila sa piling ng kanilang kasintahan. Pag sigurado na sila, gagawin nila ang lahat para masiyahan ang kanilang partner. Maalaga sila at sisiguraduhin na masaya ang kanilang partner.

Agosto

Ang mga 'pinanganak sa Agosto ay puwedeng napaka-makasarili o napaka-mapagbigay. Sisiguraduhin nila na nasisiyahan ang kanilang partner o kung hindi naman, aalis sila agad. Napaka-sensitibo nila kaya ayaw nila pag sinasabihan sila kung ano ang dapat nilang gawin.

Setyembre

Madamdamin ang mga 'pinanganak sa Setyembre pero kaya nilang i-kontrol ang kanilang mga emosyon. Pagdating sa sex, kailangan nila ng mabusisi na partner para mapakawalan ang kanilang kontrol at magkaroon ng matinding orgasm. Di sila basta-bastang nakikipagtalik, pero kung may emosyonal na bahagi ito, gagawin nila ang lahat para pasiyahin ang partner nila.

Oktubre

Napaka-romantiko at madamdamin ang mga 'pinanganak sa Oktubre. Mahilig sila sa "dirty talk" at marahan ang kanilang pagtatalik dahil nais nilang ipatagal ang bawat saglit. Maaaring kulang sila sa passion, ngunit magaling silang manligaw at magpukaw ng damdamin.

Nobyembre

Mapusok na 'pagtatalik ang gusto ng mga 'pinanganak sa Nobyemre; kailangan nilang angkinin ang kanilang partner, at gusto din nila pag inaangkin sila. Gagawin nila ang kahit anong sex act para masabi lang na ginawa nila ito.

Disyembre

Experimental sa pagtatalik ang mga 'pinanganak sa Disyembre. Gusto nilang gumawa ng kuwento at mag-roleplay. Laging nakakaaliw ang kanilang pagtatalik, ngunit maaaring mahirapan ang kanilang mga partner gumawa ng mas malalim na koneksyon.

 

Source: Cosmopolitan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!