TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

REAL STORIES: "Ginugulo ako ng kabit ng husband ko."

4 min read
REAL STORIES: "Ginugulo ako ng kabit ng husband ko."

Sa kabila ng pambababae ng kaniyang mister, hindi niya pa rin ito magawang hiwalayan.

Hindi madali na mahuli ang mister mo na may kabit, ngunit paano kung ang ‘other woman’ mismo ang umamin sa’yo ng kanilang pagkakasala? Heto ang nangyari sa isang mommy na nagbahagi ng kaniyang kwento

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Mommy ibinahagi ang pagkakaroon ng kabit ng kaniyang mister
  • Opinyon ng ibang mommies

Mommy ibinahagi ang pagkakaroon ng kabit ng kaniyang mister

cheating-husband-coronavirus

Isang mommy ang naglabas ng kaniyang sama ng loob tungkol sa ginagawang panloloko ng mister niya.

Sa theAsianparent community, isang anonymous sender ang ikinuwento ang kaniyang pinagdadaanan. Ito ay nang mismong kabit pa ng kaniyang husband ang nag-contact sa kaniya.

Ayon sa mommy, magkahiwalay sila ng kaniyang mister dahil stay-in ito sa pinagtatrabahuhan. Noong kaniyang birthday naman ay nagkasama sila dahil nag-leave ang kaniyang husband.

Ngunit ang masayang okasyon, agad na naputol kinagabihan dahil may kumontak umano sa kaniyang babae. Doon niya nalaman na may kabit pala ang kaniyang mister.

“Nag-leave siya nung mismong birthday ko at kinagabihan, bigla ng may nag-text sa’kin na babae. Tinatanong kung ako daw ba ‘yong asawa.”

Hindi makapaniwala ang mommy sender sa kaniyang natanggap na message. Ito ay dahil nagmistulan daw na parang siya pa ang may kasalanan. Ito ay kahit pa siya ang legal wife.

Ngunit ipinagsawalang bahala na lang ito ng anonymous sender. Hindi na niya pinansin ang babae na nagpadala sa kaniya ng message.

Nagpayo na lang siya sa ‘other woman’ ng kaniyang mister na huwag nang pumatok sa may asawa.

“Wala talaga akong pake noon, ‘di ko pinansin ‘yong girl. Pinayuhan ko lang siya na huwag papatol sa may asawa at lugi siya.”

kabit ng mister

Pero hindi umano nakinig ang kabit ng kaniyang mister. Nalaman niya ito dahil may nagpadala sa kaniya ng mga picture kung saan magkasama ang kaniyang husband at ang babae.

Doon makikita ang ilang sweet moment ng dalawa, may mga picture pa raw na magkahalikan at magkatabi ang kaniyang mister at kabit nito sa kama.

“Nanginginig ako kasi ‘di ko expected na papatol talaga asawa ko eh. Doon na nagsimula ‘yong trust issues ko.”

Ang nagpalala pa ng sitwasyon, may asawa rin umano ang kabit ng kaniyang mister. At madalas pa rin daw siya nitong guluhin.

Sa kabila nito ay hindi pa rin niya pinatulan ang ‘other woman’. Naisip na rin niyang hiwalayan ang kaniyang mister, ngunit hindi niya ito magawa.

“Ang sarap na patulan eh kaso sayang din naman ang lakas ko. I blocked her na lang sa FB para makausad na ako although mahirap.”

“Nandoon sa’kin ‘yong gusto ko na lang hiwalayan yung asawa ko pero ‘di nangyayari kasi anong punto non? Hayaan ko na lang siya mambabae talaga?”

Ayon naman sa mommy, nag-resign na sa trabaho ang kaniyang mister para hindi na makasama sa work ang kabit nito. Pero hindi pa rin daw talaga matigil sa panggugulo ang babae.

Sa kabila ng patuloy nilang pagsasama, aminado ang anonymous sender na lubhang naapektuhan na ang kanilang relasyon. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. At kinakaya na lang para sa kaniyang mga anak.

nangangaliwa sa pandemic

Larawan kuha mula sa Pexels

Opinyon ng ibang mommies

Samantala, marami naman ang sobrang nasaktan para sa sitwasyon ng nag-post sa theAsianparent community app. Ito ay dahil hindi sila makapaniwala na ang mga kabit na ang matapang ngayon.

Kaya naman nagpayo rin sila sa dapat gawin ng anonymous sender sa nagawang pagkakamali ng kaniyang mister.

Heto ang ilan sa mga comment mula sa ibang member ng theAsianparent community:

“Alam ko sobra hirap, been there. Pero hingi ka lang guidance kay God and tutulungan ka niya. Ako inilaban ko asawa ko at karapatan ko bilang legal na asawa. And nakita at nararamdaman ko din naman na gusto talaga ng asawa ko ayusin family namin.”

“Actually may benefit naman kahit paamp ang strategy mo na deadma kay kabit dahil may reason siguro ‘yong kabit kaya ka ginugulo. Imagine, siya pa may lakas ng loob na manggulo where in fact sya ang antagonist… .Habang pinaparamdam mo kay kabit na deadma ka, mas ok kasi ma-feel niya na loser siya kasi ang gusto niya ay maghiwalay kayo ni hubby permanently para mapunta sa kaniya.”

“Tama momsh! If iniwan mo si hubby binibigyan mo lang ng benefit si kabit na magsama sila ulit. Mamatay siya sa inggit.”

Partner Stories
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child

May mga ilan naman na sinasabing hindi nila kakayanin kapag sila ay niloko ng kanilang mister.

“Hiwalayan dapat yang ganyan. Kahit mawalan ng daddy ang anak, okay lang.”

“Nako hindi ko kaya ‘yan. Aware ba asawa mo na alam mo? Kasi baka kaya niya paulit-ulit na ginagawa kasi alam niyang kaya mo siya patawarin. Minsan din mga lalake abusado eh.”

“Momsh hindi ko ata kaya makisama ‘pag ganyan asawa ko. Oo sayang ang pera at kawawa mga kids. Pero ‘yong respeto at tiwala wala na talaga ‘pag ganiyan. Hays be strong lang talaga lagi.”

theAsianparent Community

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • REAL STORIES: "Ginugulo ako ng kabit ng husband ko."
Share:
  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko