7 Dahilan kung bakit ka madalas kagatin ng lamok!

lead image

Ating alamin ang pitong dahilan kung bakit ka kinakagat ng lamok, at kung paano makakaiwas maging biktima ng kagat ng lamok

Kahit sino siguro, ay ayaw na maging biktima ng kagat ng lamok. Bukod sa makati at nakakainis ito, nagdadala rin ng sakit ang kagat ng lamok.

Kaya’t kung madalas kang kagatin ng lamok, mahalagang malaman mo kung ano ang dahilan. Ito ay para maalagaan mo ang iyong sarili, at makaiwas sa pagkagat ng lamok!

Bakit ka madalas maging biktima ng kagat ng lamok?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/thinking.jpg 7 Dahilan kung bakit ka madalas kagatin ng lamok!

Bakit ka nga ba madalas kagatin ng lamok? Ating alamin!

1. Kakatapos mo lang mag work-out

Ang mga lamok ay hinahanap ang amoy ng carbon dioxide sa katawan. Dito nila nalalaman na mayroon silang pwedeng kagatin. Kapag hinihingal ka dahil sa pag-ehersisyo, ay mas mataas ang iyong inilalabas na carbon dioxide.

Bukod dito, umiinit rin ang iyong katawan pagkatapos mag-ehersisyo, na hinahanap rin ng mga lamok.

Dagdag na rin dito na lumalapit ang mga lamok dahil sa lactic acid na inilalabas ng iyong katawan kapag ikaw ay nag work-out. 

2. Mayroon kang sakit

Mas kinakagat ng mga lamok ang may sakit dahil mas marami kang inilalabas na carbon dioxide kapag masama ang iyong pakiramdam. Bukod dito, kung ikaw ay may lagnat, tumataas din ang temperatura ng iyong katawan, na hinahanap din ng mga lamok.

3. Matangkad ka

Ito ay isa sa mga sitwasyon na hindi nakabubuti ang pagiging matangkad. Dahil ang mga matatangkad na tao ay mas maraming inilalabas na carbon dioxide kumpara sa mas maliliit na tao.

Ito rin ang dahilan kung bakit mas kinakagat ng lamok ang mga nakatatanda kumpara sa mga bata.

4. Nakasuot ka ng madilim na kulay

Mas nakaka-himok din ng kagat ng lamok ang pagsuot ng maiitim na damit. Ito ay dahil habang malayo pa lamang, ginagamit ng mga lamok ang pang-amoy nila at hinahanap ang carbon dioxide. Ngunit kapag malapit na sila sa mga tao, ginagamit nila ang kanilang mga mata.

Makakatulong dito ang pagsusuot ng puting damit o mga damit na maliwanag ang kulay.

5. Kailangan mo nang magpalit ng damit

Kapag hindi ka madalas magpalit ng damit, ay mas kakagatin ka ng mga lamok. Ito ay dahil hinahanap nila ang mga kemikal na galing sa pawis ng tao.

Kaya’t ugaliing magpalit lagi ng presko at bagong labang damit, upang makaiwas sa kagat ng lamok.

6. Umiinom ka ng beer

Ang pag-inom din ng alak ay posibleng maging dahilan upang kagatin ka ng lamok. Ngunit hindi pa gaanong naaral ang aspeto na ito, at tingin ng maraming researcher na hindi naman ito malaking problema.

Pero mabuti na rin na huwag madalas uminom ng beer, para na rin sa iyong kalusugan.

7. Minsan gusto ka lang talaga nila

May mga tao rin naman na talagang lapitin lang ng lamok. Hindi pa rin maipaliwanag kung bakit ito nangyayari, pero talagang mayroong mga tao na mas kinakagat ng lamok kumpara sa ibang tao.

Kapag isa ka sa mga rito, mabuting gumamit ng mga insect repellant lotion, magsuot ng longsleeves kapag nasa labas, at matulog na may kulambo upang makaiwas sa kagat ng lamok.

 

Source: Live Strong

 

Basahin: Dengue: Mga kailangan mong malaman tungkol sa sakit na ito

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!