Alamin: Problemang pangkalusugan ng mga Nagbubuntis

Share this article with other moms

Ano nga ba ang mga sakit o karamdamdaman na mararananasan kapag nagbubuntis? Narito ang ilang pinaka-karaniwang sakit at payo kung paano maiibsan ang mga ito.

May mga karadamang lumalabas o nararamdaman kapag ikaw ay nagbubuntis. Karamihan dito ay kusang nawawala pagkapanganak, kaya’t walang dapat na ikabahala. Kailangan lang alamin kung paano maiibsan ang sakit upang maiwasan ang stress, lalo’t may dinadala sa sinapupunan.

May mga pagbubuntis na tinatawag na high-risk, dahil may mga sakit ang ina na nasa mas delikadong lebel. Kadalasan, dala ito ng edad, at minsan ay dahil mayroon na talagang sakit bago pa magbuntis.

Mayroon namang nakakaranas lamang ng karaniwang pregnancy conditions. Hindi dapat ikabahala ang mga ito. Kailangan lamang ikunsulta sa doktor at patuloy na makituwang sa kaniya upang mapayuhan kaagad ng mga dapat gawin, o mabigyan ng reseta para sa mga gamot na maaari mong inumin.

Ang mga sakit o kondisyon na nakaka-komplika sa pagbubuntis ay ang mga sumusunod:

  • Sakit sa puso (Heart disease)
  • High blood pressure
  • Problema sa Kidney
  • Autoimmune disorders
  • Sexually transmitted diseases
  • Diabetes
  • Kanser
  • Mga Impeksiyon

Hangga’t may mabuting pag-aaruga ang iyong OB-Gynecologist at ang mismong nagbubuntis na ina sa sarili, ay maiiwasan ang paglala o anumang komplikasyon.

Para naman sa mga karaniwang karamdaman o kondisyon sa 40 linggo ng pagbubuntis, narito ang listahan, at ang mga maaaring gawin para makatulong na gumaan ang pakiramdam.

Pagkahilo at Pagsusuka

Ito ang pinaka-karaniwang karamdaman ng mga nagbubuntis. Umaabot ng hanggang 60-80% ng babaeng buntis ang nakakaranas nito. Bagamat mahirap at hindi komportable para sa nagbubuntis, hindi naman ito delikado sa kalusugan ng sanggol na dinadala at ng inang nagdadala.

Hindi alam ang sanhi ng pagkahilo at pagsusuka. Sinasabing ang pagtaas ng hormone levels habang buntis ay isang dahilan nito. Pinapabagal kasi nito ang pagtunaw ng pagkain na sanhi ng heartburn, indigestion, at acid reflux.

Ang isang importanteng dapat alamin ng nagdadalan-tao ay kung simpleng morning sickness lamang ang nararamdama, o sintomas na ng hyperemesis gravidarum. Ang hyperemesis gravidarum ay ang malalang kondisyon ng pagsusuka at pagkahilo na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa pagbubuntis, tulad ng pagbaba ng timbang at low blood pressure. Ito ang kailangang ikunsulta sa iyong OB-Gynecologist sa lalong madaling panahon.

photo: dreamstime

Paano maiibsan?

May mga nasusuka sa amoy pa lamang ng ilang bagay, tulad ng pabango at pagkain. Iwasan na agad ito para hindi lumala ang pakiramdam. Kumain ng paunti-unti, ng mas madalas. Iwasan ang pagkain ng sobrang dami. Maghanda ng malilit na portion ng meryenda at tubig para sa tuwing makakaramdam ng gutom ay may maisusubo ka at makakainom din. Kung magsuka man, may laman ang iyong tiyan at hindi ma-dedehydrate.

Pagiging Emosiyonal

Dahil na nga din sa pagtaas ng hormone levels (progesterone at estrogen), nakakaramdam ng iba’t ibang emosiyon, at mabilis na pagpapalit nito, ang isang nagbubuntis. Normal lang ang ganito, kaya’t huwag mabahala. Ang iyong katawan ay maraming pagbabagong pinagdadaanan, kaya’t nakakaranas ng paiba-ibang emosiyon, o pagiging moody, ayons sa aklat na Mayo Clinic Complete Book of Pregnancy & Baby’s First Year.

Nariyan ang stress, takot para sa sarili at sa anak, pagbabago sa katawan at timbang, at marami pang iba. Nariyan din ang pagod dahil na nga sa mga pisikal na nararamdaman, pagbigat ng tiyan, at hirap sa pagkilos. Sino nga ba ang hindi magiging emosiyonal? Kaya’t huwag masyadong mag-alala.

Paano maiibsan?

Aliwin ang sarili. Magpaganda, mag-ayos ng sarili at ng iyong bahay, manood ng paboritong palabas sa TV o sinehan, makinig sa masayang tugtugin, maglakad-lakas sa park o sa mall, magbasa-basa ng mga libro o magasin.

coffee while pregnant

photo: dreamstime

Matulog din ng kumpletong 8 oras at uminom ng tubig palagi. Napakaraming positibong dulot ng pagtulog at pag-inom ng tubig, lalo sa nagdadalan-tao. Kumain ng paboritong pagkain ngunit huwag kalimutan ang mayaman sa nutrisyon.

Makipag-usap sa kapwa buntis, kapamilya at mga kaibigan. Mahirap man minsan, subuking maging masaya ang disposisyon palagi, kahit may takot na nararamdaman. Huwag magpatalo sa lungkot. Isipin mong lahat ng ito ay para sa iyo at sa iyong anak.

Linea Negra

Ito ang isa sa mga ikinagulat ko nuong una kong pagbubuntis. Bakit ako may maitim na linya sa tiyan? Ito rin ay tinatawag na Pregnancy Line, o Linea Negra. Mula ito sa pusod papuntang pubic bone. Habang lumalaki ang tiyan ay umiitim ito. Hindi alam kung bakit mayroon nito. Ang isang hinuha ay dala din ito ng hormones, lalo na ng melanocyte-stimulating hormone na likha ng placenta.

Paano maiibsan?

Walang gamot o cream para dito. Kusa itong nawawala o nagiging mas maputi pagkapanganak.

Diarrhea o labis na pagdudumi

Natural lang din ang LBM o loose bowel movement kapag buntis. Ang mahalaga lang ay huwag ma-dehydrate. Dahil daw ito sa mga kinakain o pag-iiba ng karaniwan mong kinakain, dahil na nga sa pagbubuntis. Kadalasan din, mas nagiging sensitibo sa kinakain ang iyong tiyan o panunaw. Karaniwan, sanhi din ito ng hormones. isa pang maaaring sanhi ay bacterial o viral infection.

May mga nakakaranas ng diarrhea sa ikatlong trimester na lang. Sinasabing hudyat na ito ng nalalapit na panganganak..

Paano maiibsan?

Uminom ng maramin tubig at iba pang fluids tulad ng sabaw at coconut juice upang ma-rehydrate at mapalitan ang nawalang electrolytes sa iyong katawan. Iwasan ang pag-inom ng tap water o tubig na dirketang galing sa gripo, o tubig na hindi mo alam kung saan kinuha.

Pagudurugo ng ilong

Ayon sa aklat na What to Expect When You’re Expecting nina Heidi Murkoff at Sharon Mazel, dumadami ang dugo na ginagawa ng iyong katawan dahil sa pagbubuntis. Nagiging sanhi ito ng ibang kondisyon, tulad ng nosebleeding. Ang maliliit na blood vessels sa ilong ay pumuputok dahil sa pagdami ng dugo sa iyong sistema. Iwasan ang pagsinga ng malakas.

Paano maiibsan?

Kapag nakaranas ng pagdurugo ng ilong, tumayo o umupo ng diretso at huwag titingala, at baka malulon ang dugo. Diinan ang butas ng ilong at ang gitna nito, hanggang sa tumigil ang pagdurugo.

Hindi dapat ikabahala ang nosebleed, maliban na lamang kung dumugo ang ilong dahil nauntog o nabagok ang ulo, dalhin agad sa ospital at ipaalam sa iyong doktor. Sintomas din ito ng high blood pressure. Kung sadyang napakarami na ng dugo at hindi tumitigil, kailangan din ipatingin sa doktor.

Pagdurugo o Spotting

Karaniwang nagiging problema din ang pagdurugo o spotting. Sinasabing halos 20% ng babaing buntis ay nakakaranas nito sa unang 12 linggo ng pagdadalantao. Normal lang ito at hindi dapat ikabahala, kung ito ay isa o dalawang beses lamang nangyari, o kakaunti lamang—kaya spotting ang tawag. Kung parang regla ang lakas at may buo-buong dugo, ipaalam kaagad sa OB-Gyne upang matulungan kang tiyakin na hindi ito delikado.

Paano maiibsan?

Matulog o umidlip, at magpahinga, kung nakaranas ng spotting. Huwag masyadong pagurin ang sarili, o gumawa ng anumang pisikal na gawain. Itaas ang paa paminsan-minsan. Huwag na huwag magbubuhat ng mabigat na gamit.

Alamin ang mga iba pang problemang pangkalusugan ng buntis sa susunod na pahina

Sign up for the

Your weekly Pregnancy guide

Receive weekly personalized updates on your pregnancy! More details on the Plus One here

Pregnancy Health Pregnancy