X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sino sa mga magulang ang magiging kamukha ng baby?

4 min read
Sino sa mga magulang ang magiging kamukha ng baby?Sino sa mga magulang ang magiging kamukha ng baby?

Alamin ang ilang paraan para malaman kung sino ang magiging kamukha ng baby base sa pagsusuri sa mga dominant genes sa inyong pamilya.

Isa sa mga inaabangan bago ipanganak ang isang sanggol ay ang magiging itsura nito. Ngunit paano malalaman pag kamukha ng nanay ang anak? Marami ang mga pinagbabasehan pagdating dito. Mula sa mata, buhok, at iba pang pisikal na katangian hanggang sa ugali at iba pa. Ang mga magulang ay talagang excited malaman kung sino ang magiging kamukha ng baby.

Genes at chromosomes

Ang responsable sa mga katangian na namamana ay ang tinatawag na DNA. Ito ay binubuo ng mga genes na naghahalo sa pagbuo ng baby. Naaayos ang mga ito at bumubuo ng mga chromosomes.

pag kamukha ng nanay ang anak

Ang iyong baby ay makakakuha ng 46 na chromosomes, tig-23 mula sa mag magulang. Bukod sa kasarian ng baby, ito rin ay ang makakapagsabi ng ilan pang mga katangian tulad ng:

  • Mata
  • Buhok
  • Hubog ng katawan
  • Dimples
  • Boses pang kanta
  • Tangkad
  • Kulay ng balat

Ang nasa 30,000 na genes na nasa chromosomes na makukuha ng baby ay ang bubuo ng mga kombinasyon sa kung ano ang magiging katangian ng baby. Dahil sa dami ng mga posibilidad, hindi madaling hulaan ang eksaktong magiging kamukha ng baby. Ganunpaman, dahil sa kaalaman tungkol sa genes, maaaring mahulaan ang malapit na magiging itsura niya.

Genetics

Ang mga kulay ng balat, mata at buhok ay nakukuha mula sa genes na nagdidikta ng kombinasyon ng pigments. Dahil dito, ang kulay ng mga nabanggit ay maaaring maging mas maputi o mas maitim.

Mula sa mga larawan at kaalaman, maaaring malaman ang mga nangingibabaw na katangian. Maaari ring malaman ang mga katangian na maaaring lumaktaw ng henerasyon. Maaari ring makita ang mga katangian na minsang lumalabas sa ibang mga kamag-anak.

pag kamukha ng nanay ang anak

Imposible mang hulaan ang eksaktong kalalabasan, mayroon paring mga pagkakaintindi kung paano nakukuha ang ma katangian na ito. Ito ay dahil sa dalawang bersiyon ng genes - ang malakas (dominant) at mahina (recessive). Namamana ng mga baby ang mga ito mula sa parehong mga magulang, maging dominant man o recessive. Paano nito naaapektuhan ang mga katangian tulad ng mata?

Mata

Kung makita na halos lahat ng mga kamag-anak ay bilugan ang mata, masasabing ito ay ang dominant gene. Kung ang isa pang magulang ay singkit kahit pa bilugan din ang mata ng karamihan sa mga kamag-anak nito, malamang na maging bilugan ang mata ng iyong baby.

Ganunpaman, hindi ibig sabihin nito ay mawawala na ang genes ng singkit na mata. Maaari parin itong lumitaw sa iyong mga apo kung mangyari ang tamang halo ng genes.

Ganito rin ang susundin para malaman ang magiging buhok ng iyong baby.

Buhok

May dalawang uri din ng genes pagdating sa magiging buhok ng bata. Depende kung ano ang genes na masmalakas, makikita sa pagsusuri kung ano ang malamang na magiging buhok ng iyong baby.

Kung kulot ang iyong buhok, maaari parin na nagdadala ka ng genes para sa unat na buhok. Kung ganito rin ang sa iyong partner, may posibilidad parin na maging unat ang buhok ng inyong magiging anak. Ganunpaman, masasabi parin na ang dominant gene ay ang kulot na buhok kung ito ang makikita sa karamihan ng mag kamag-anak.

Sino ang magiging kamukha ni baby?

pag kamukha ng nanay ang anak

Kadalasan, mapapansin na ang mga bagong panganak ay mas kamukha ng mga tatay. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na ang tatay na ang magiging kamukha ng baby habang buhay. Ayon sa mga mananaliksik, ilang dekada nang nakalipas, ang pagkakamukha sa tatay ay bilang pampagana sa tatay na magtrabaho para sa anak.

Sa ngayon, tanggap na ng mga tao na maaaring maging kamukha ng parehong magulang ang baby. Ngunit, kadalasan ay ang nagiging itsura ng baby ay halo ng mga magulang na may ilang katangian mula sa mga kamag-anak. Pag kamukha ng nanay ang anak, dahil ito sa genes na maaaring makita rin na katangian mula sa mga lolo at lola.

Ano pa man ang inaasahang magiging itsura ng baby, sigurado na kababaliwan mo ito pagkapanganak niya. Ano pa man ang kanyang mata, buhok, kulay ng balat, iyong mamahalin ang kanyang pagiging natatangi.

 

Source: Healthline

Basahin: 7 bagay na namamana ng mga bata sa kanilang ama

Partner Stories
Smart Padala brings the SENDali experience to Filipinos with its widest and most accessible network of over 60,000 agent touchpoints nationwide!
Smart Padala brings the SENDali experience to Filipinos with its widest and most accessible network of over 60,000 agent touchpoints nationwide!
What is team parenting and what makes it effective?
What is team parenting and what makes it effective?
Common homeschooling myths debunked
Common homeschooling myths debunked
Make the most of lunch in the new normal through Usapang TANGhalian!
Make the most of lunch in the new normal through Usapang TANGhalian!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Sino sa mga magulang ang magiging kamukha ng baby?
Share:
  • Ayon sa pag-aaral, mas masigla ang bata kapag kamukha ng tatay

    Ayon sa pag-aaral, mas masigla ang bata kapag kamukha ng tatay

  • 2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

    2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Ayon sa pag-aaral, mas masigla ang bata kapag kamukha ng tatay

    Ayon sa pag-aaral, mas masigla ang bata kapag kamukha ng tatay

  • 2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

    2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.