“Awww, kamukhang kamukha ng tatay si baby!” Ilan na sa inyo ang nakarinig nito tungkol sa inyong anak? Pagkapanganak palang ng baby, nagko-komento na ang mga kamag-anak at kaibigan kung sinong kamukha ng bata.
Sa paglaki ng baby, nadedevelop ang kanilang hitsura pari at nagbabago ang kanilang ugali.
Kahit pa kung sino ang kamukha ng isang bata ay dulot ng genetics, higit pa dito ang epekto nito. Maaari rin nitong ma-impluwensiyahan ang parenting, at higit sa lahat, mapabuti ang kalusugan ng baby, ayon sa bagong pag-aaral.
Kamukha ng tatay si baby? Masmauudyok ang tatay na alagaan siya!
Lahat ito ay nagmumula sa level ng parental investment ng mga magulang. Ano ang nagiging motibo nila para sa positibong effort sa pagiging magulang.
Ayon sa mga mananaliksik, ang mga ama na may anak na kamukha nila ay nakaka-impluwensya sa kung paano sila magiging magulang.
“Ang mga tatay na kamukha ang kanilang anak ay mas sigurado na anak nila ito, kaya mas ginagamit ang oras kasama ang baby,” paliwanag ni Professor Solomon Polachek sa Medical Daily.
Sigradong mahalaga ang papel ng mga ama sa pagbuo ng bata. Kung sila ay nandyan din sa pagpapalaki, naniniwala si Polachek na ay “makikita sa kalusugan ng bata.”
Ang papel ng ama sa pag-aalaga at pagbabantay ng bata ay nakakabuti sa kanilang kalusugan
Inobserbahan ng mga mananaliksik ang nasa 715 na pamilyang nakarehistro sa Fragile Families and Child Wellbeing (FFCW). Ang mga pamilyang ito ay may mga bata na nakatira sa kanilang mga ina lamang.
Kahit pa malayo ang kanilang mga ama, ang kanilang pagkakamukha ay nagsisilbing “paternity cue na ginagamit ng mga lalaki para sa paggawa ng time-investment na mga desisyon.”
“Napag-alaman namin na bumuti ang child health indicators kapag kamukha ang tatay,” paliwanag ng mananaliksik. “Ang pangunahing paliwanag ay ang madalas na pagbisita ng ama para magbigay ng oras sa pag-aalaga at pagbabantay, at pag-alam tungkol sa kalusugan at mga pangangailangan ng bata.”
Hindi sinasabi na hindi mahal ng mga ama ang mga baby na hindi nila kamukha. Ganunpaman, naniniwala ang pag-aaral na ang ilang mga ama ay kailangan ng motibasyon. Samantalang ang mga ina ay natural na mapag-alaga, kamukha man si baby o hindi.
“Dahil ang mga ina ay hindi nangangailangan na kamukha bago magbigay ng pag-aalaga, pinaniniwalaan namin namula sa kanilang mga ama lamang nakaka-apekto ang itsura ng baby sa child developmental outcomes,” ayon sa pag-aaral.
Bagaman ang presensya ng ama ay hindi ang tanging nakakapagsabi kung magkakaroon ng magandang childhood, nakakatulong ito.
Dagdag pa dito, hindi maaaring ipangsalahat ang parental investment, dahil nagbabago ito sa bawat bansa at kultura.
Para sa mga nagco-co-parenting, ang pag-aaaral na ito ay maaaring maging motibasyon sa pagiging involved sa buhay ng anak.
Ngunit, naniniwala man sa pag-aaaral o hindi, walang sapat na pagsasaliksik na talagang makakapagsabi sa impact ng pagkakaroon ng hands-on at mapagmahal na magulang.
Kaya dear readers, maskamukha ba ng baby niyo ang mommy o ang daddy? Ipa-alam sa amin sa aming poll!
sources: Medical Daily, Journal of Health Economics, theAsianparent Singapore
Basahin: Daddy Duties: Step-by-step guide sa pagpapalit ng diaper ni baby