Katrina Halili sa biglaang pagkasawi ng kaniyang non-showbiz boyfriend: “Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie? bakit iniwan mo kami?”

Non-showbiz partner ni Katrina inatake sa puso sa edad na 53-anyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Katrina Halili malungkot sa biglaang pagkasawi ng kaniyang non-showbiz partner.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Katrina Halili non-showbiz partner.
  • Buhay pag-ibig ni Katrina Halili.

Katrina Halili non-showbiz partner

Nagluluksa ang aktres na si Katrina Halili sa biglaang pagkasawi ng kaniyang non-showbiz partner. Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang nararamdaman.

“Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie? bakit iniwan mo kami?”

Ito ang caption ng post ni Katrina kalakip ang isang larawan ng lalaking nakatalikod na nasa madilim na lugar at may bahagyang sinag ng liwanag.

Base sa mga reports, ang non-showbiz partner ni Katrina ay si Jeremy Guiab. Ito ay dating Vice-Mayor ng Wao, Lanao del Sur at malapit na kaibigan ng aktor na si John Lloyd Cruz. Enero 28 ng bandang alas-singko ng hapon ng atakihin daw sa puso si Jeremy sa bahay ni Katrina sa Quezon City. Sinugod pa ito sa ospital ng aktres ngunit ito ay inanunsyong dead on arrival.

Sa Instagram account ni Katrina ay makikitang very private ang kanilang pagsasama dahil iilan lang ang makikitang picture nilang dalawa. Pero nitong nakaraang taon sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na siya ay may boyfriend bagamat hindi niya ito pinangalanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Katrina Halili

Buhay pag-ibig ni Katrina Halili

Ayon pa kay Katrina, pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak niyang si Katie, si Jeremy ang gumagabay at umaalalay sa kaniya.

“Yung boyfriend ko ‘yung mas nag-ga-guide sa akin para alagaan yung anak ko. Siya ‘yung mas nagtuturo sa akin kasi stubborn ako, ‘di ba?”

Ito ang sabi pa ni Katrina sa panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Katie ay ang anak ni Katrina at dating ka-relasyon na singer na si Kris Lawrence. Sila ay naghiwalay noong 2014 dalawang taon matapos maipanganak ni Katrina ang anak na si Katie. Ngayon si Katrina at Kris ay nanatiling magkaibigan at may maayos na co-parenting relationship para sa kanilang anak. Nito lang nakaraang taon ay ibinahagi ni Katrina na na-diagnosed na nakakaranas ng mild autism spectrum disorder si Katie.

Larawan mula sa Instagram account ni Katrina Halili

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement