Gretchen Barretto: "Kung may kasalanan si Kier kay Dani—is hindi siya mayaman, hindi siya mayor..."

lead image

Ayon kay Gretchen, wala raw naging pagkukulang ang aktor na si Kier Legaspi pagdating sa kaniyang pamangkin na si Dani Barretto.

Matapos kumalat ang balita ng engagement ng anak ni Marjorie Barretto na si Dani, ay naging usap-usapan ang ama nito na si Kier Legaspi. Ito ay dahil ayon kay Dani, hindi raw gaanong naging bahagi ng kaniyang buhay ang ama na si Kier.

Ngunit sa isang video, sinabi ng tita ni Dani na si Gretchen Barretto na hindi raw ito kasalanan ni Kier. At bagama't mayroong nga siyang pagkukulang sa anak, hindi raw ito sa kaniyang pagiging isang ama.

Kier Legaspi, dinepensahan ni Gretchen Barretto 

Ayon kay Gretchen, hindi raw niya nagustuhan ang sinabi ng pamangkin na tila si Marjorie lang ang nagpalaki sa kaniya. Dahil dito, naglabas siya ng saloobin sa isang video sa social media.

Aniya, "Okay I’ll talk about Kier Legaspi naman, about Kier Legaspi is not just a wealthy father, siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani, is hindi siya mayaman, hindi siya mayor, ‘di ba nang Caloocan ‘yung ganun."

"Wala siyang limpak-limpak na pera, you know ‘yun lang ang kasalanan ng isang Kier."

Dagdag pa niya, "Minahal ko si Dani. I thought I was her second mother and when she called me mama, sineryoso ko iyon. So parang nung sinabi niya na, 'My mama was the only one there for me, who raised me,' ano ako? Multo? Ano si Claudine? Multo?"

Ito ay dahil noong ipinanganak raw si Dani ay silang magkakapatid ang nag-alaga sa pamangkin, at tumulong pa nga raw sa pagbabayad ng mga hospital bills nito.

Si Kier daw ay laging sinubukang maging bahagi ng buhay ni Dani

Bukod dito, nakwento rin ni Gretchen na sinubukan ni Kier na maging bahagi ng buhay ni Dani. 

"Kier Legaspi always tried to be a part of Dani’s life, but the mom of Dani did not allow it because in the beginning... (no I don’t won’t do that I’m giving too much information) that’s it! I cut there," aniya.

Gayunpaman, kahit may sama ng loob si Gretchen sa pamangkin, ay mahal pa rin daw niya ito. "I loved Dani, uminit ang dibdib ko honestly. As a somebody who took care of her, I really, really wish na she’ll have a little gratitude in her heart, yun lang!"

Nagpost ng video si Gretchen at si Claudine Barretto matapos magkaayos ng kapatid. Matatandaang hanggang ngayon ay mayroon pa ring hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa kapatid nilang si Marjorie Barretto.

 

Source: ABS-CBN News

Basahin: Dani Barretto, ni-reveal ang hinanakit sa amang si Kier Legaspi

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!