Kirat na mata, posibleng sintomas ng nakamamatay na sakit

lead image

Ang pagkakaroon ng kirat na mata ay madalas pinanggagalingan ng tukso. Ito ay nakukuha sa pagka-panganak. May klase ng kirat na mata na hindi na gumagaling at mayroon din na umaayos kasabay ng pagtanda.

Ngunit paano kung hindi pala kirat na mata ang prublema? Maaaring isa pala itong sintomas ng masmalalang sakit.

Ang kwento ni Charlie Stephenson

Si Charlie ay isang 9 na taong gulang na bata na ipinanganak na kirat ang kaliwang mata. Bukod sa kanyang mata, normal ang lahat sakanya at wala siyang ibang sintomas. Ngunit nalaman nila nuong Pebrero 2019 na mayroon siyang hindi pangkaraniwang sakit na diffuse intrinsic pontine glioma (DIPG).

Tinataya ng mga duktor na sa loob ng anim na buwan, mawawala na ang paningin ni Charlie, ang kanyang kakayahan makipag-usap at kakayahang kumain mag-isa. Ito ay dahil sa patuloy na paglaki ng tumor dahil sa DIPG at pagtulak nito sa mga maseselang ugat sa utak.

Ano ang DIPG?

Ang DIPG ay tumor na tumutubo mula sa tangkay ng utak sa may bandang batok. Ang tangkay na ito ang nagko-kontrol sa paghinga, tibok ng puso, at mga ugat na tumutulong sa tao na makakita, makarinig, makapagsalita at makakain. Ang dahilan ng pagtubo ng tumor na ito ay hindi parin malinaw.

Karamihan sa nagkakaroon ng DIPG ay nasa edad 5 hanggang 10 taong gulang. Halos 90% ng mga nagkakaroon nito ay namamatay sa loob ng 18 na buwan. Kada-taon, natatayang nasa 100 hanggang 150 na bata ang nasusuring mayroon nito.

Mga sintomas ng DIPG

Madaling lumabas ang mga sintomas ng DIPG dahil sa bilis ng paglaki ng tumor nito. Ang mga karaniwang sintomas ay:

  • Prublema sa pag-balanse at paglalakad
  • Prublema sa mata – pagiging duling, pagkakaroon ng kirat na mata, hindi makontrol na paggalaw ng mata at malabong paningin
  • Prublema sa pagnguya at paglunok
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pagsakit ng ulo
  • Panghihina ng mga muscle sa mukha

Paggamot sa DIPG

  • Radiation therapy - Ang pagpatay sa cancer cells gamit ang x-ray o iba pa. Ito ang kadalasang ginagawa sa mga bagong nasusuri na may DIPG. Nagbibigay ito ng panandaliang lunas ngunit hindi nagagamot ang nasabing sakit.
  • Chemotherapy – Kasabay na isinasagawa sa radiation therapy. Ito ang pagpatay sa mga cancer cells gamit ang gamot.
  • Siruhiya – Madalang na isinasagawa dahil sa panganib na dulot ng pagsiruhiya sa bahaging ito ng utak.

Sa kasamaang palad, kakaunti lang ang nakakaligtas matapos masuri na may DIPG. Sa panahon ngayon, wala pang kilalang gamot ang DIPG. Ito ang ikinalulungkot ng mga magulang ng mga batang may DIPG. Katulad ng sa kalagayan ni Charlie, ang nais nalang ng kanyang mga magulang ay mapasaya si Charlie hanggang nakaka-usap pa nila ito. Lahat ito dahil sa sakit niyang unang nagparamdam sa kirat na mata.

 

Source: DailyMail, St. Jude Children's Research Hospital

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!