LOOK: Kiray Celis surprises mom with a money cake for her birthday!

Kiray pinaghahandaan na rin ang 63rd birthday ng kaniyang ama sa darating na Hulyo.

Kiray Celis sinopresa ang kaniyang nanay ng P57,000 para sa kaarawan nito. Kiray mukhang gagawing taon-taon na ang gimik na ito sa birthday ng mga magulang niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kiray Celis birthday surprise to her mother.
  • Mensahe ni Kiray sa mga magulang niya.

Kiray Celis birthday surprise to her mother

kiray celis birthday suprise to her mother

Image from Kiray Celis Intagram account

Kahapon ay nag-diwang ng 57th birthday ang one and only mother ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis. Si Kiray hindi pinalampas na gawing espesyal at puno ng saya ang kaarawan ng ina niyang si Meriam Celis. Ito ay pinaghandaan niya at sinorpresa.

Sa kaniyang Instagram post kahapon ay nagbahagi si Kiray ng ilang larawan sa naganap na birthday celebration ng kaniyang ina. Mayroon ring maikling video na kung saan makikita kung paano na-prank ni Kiray ang ina.

 
View this post on Instagram

Sa video ay sinabi ni Kiray na hatakin ng ina ang nakalagay ng “Happy birthday” sign sa taas ng lechon cake. Pero ito ay simpleng cake topper lang na sinabi ni Kiray na prank lang siya.

Sunod na sabi ng komedyante sa ina ay hatakin paitaas ang lechon topper na nasa cake nito. Nag-alangan man noong una pero nung nahatak niya ito paitaas ay lumabas ang sorpresa ni Kiray.

Ito ay ang 1,000 peso bills na nagkakahalaga ng P57,000 na deserve lang daw ng kaniyang ina dahil sa 57-anyos na ito. Si Kiray mukhang balak gawing taon-taon na ang pagbibigay ng money cake sa mga magulang niya. Sunod niya daw na paghahandaan ay 63rd birthday ng kaniyang ama sa darating na Hulyo.

“Last year, 56 ka so 56k. Ngayon, 57 ka, 57 thousand pesos na. Ma, every year na ba to? Kasi sa July, 63 naman si Papa. So paano na ako? HAHAHAHAHAHAHA! Happy happy birthday, Mama!”

Ito ang caption ni Kiray sa naturang Instagram post na tampok ang birthday surprise niya sa ina.

Ang naging birthday surprise ni Kiray sa ina kahapon ay nasaksakihan ng kanilang mga pamilya, kaibigan at iba pang bisita. Sila ay masayang nag-cheer sa background habang hinahatak ng ina ni Kiray ang regalo niyang worth P57,000.

Matatandaang noong nakaraang taon ay sinorpresa rin ni Kiray ang ina sa 56th birthday nito. Noon ay P56,000 naman ang laman ng money pulling cake na inihanda niya para dito.

“Minsan narin akong naging pasaway na anak, pero dahil na rin sa pandemyang ito. Ang dami kong na-realize na kailangan ko pa lang bumawi sa mga magulang ko. At dahil gusto ko, masaya ka sa kaarawan mo. Eto ang ang para sayo mama.”

Ito ang mensahe niya noon sa ina na sinorpresa niya ng P6,000 na nakalagay sa isang balloon at P50,000 naman sa lechon money pulling cake na inihanda niya para dito.

kiray celis family

Image from Kiray Celis Intagram account

BASAHIN:

Kris Aquino ibinilin na sina Bimby at Josh sa kaniyang mga kapatid, ayon kay Cristy Fermin

Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: “Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan.”

Winwyn Marquez ikakasal na sa kaniyang childhood sweetheart!

Mensahe ni Kiray sa ina sa naging birthday celebration nito

Samantala, sa hiwalay na Instagram post ay may mensahe rin si Kiray na ibinigay sa kaniyang ina sa naging birthday celebration nito kahapon. Doon ay ipinaabot ni Kiray ang pagmamahal niya sa ina at pasasalamat sa lahat ng ginawa nito para sa kaniya.

“Happy happy birthday Mama Meriam! Taruuuy! Tatlong lechon kasama ko. Eme! Mahal na mahal kita sobra sobra! Gusto ko araw araw mong maramdaman na birthday mo, gusto ko lagi kang masaya. Gusto kong ibigay lahat ng gusto mo. At gusto kong gawin lahat ng sasabihin mo.”

“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa lahat. Okay tama na. Habang tina-type ko to, super iyak na akis!”

Ito ang mensahe pa ni Kiray sa ina sa naging kaarawan nito.

Ang mga netizens na-touch sa ginawang surprise na ito ni Kiray sa birthday celebration ng kaniyang ina. Ito ang ilan sa mga naging reaksyon nila.

“A child who loves his Mother and Father is a blessing and is being blessed!”

“Napakahuwarang anak.”

“I admire you Ms. Kiray sa pagmamahal mo sa magulang mo.”

“God bless you more Kiray para lagi mo napapasaya ang pamilya mo! Happy birthday to your mom!! Stay healthy!!”

kiray celis parents

Image from Kiray Celis Intagram account

Noong nakaraang taon, sa 62nd birthday ng kaniyang ama ay may pa P62,000 rin na money cake gift si Kiray para dito. Habang nitong bagong taon ay niregaluhan niya rin ito ng bagong smartphone na labis na ikinatuwa ng ama ni Kiray.

“Mapapagod ako pero magpapahinga. Pero never magsasawang mahalin, tulungan at pasiyahin kayo mama at papa. Salamat sainyo pareho. Kumpleto ang buhay ko kasi dahil sainyo.”

Ito ang mensahe ni Kiray sa mga magulang niya.

Si Kiray ay unang nakilala ng sumali ito sa Munting Miss U sa programang ‘MTB’ noong apat na taong gulang pa siya. Mula doon ay na-discover siya at nagsimulang magkaroon ng proyekto.

Isa nga sa malaking proyekto na napabilang siya at mas nakilala pa ay sa programang ‘Goin Bulilit’ ng ABS-CBN.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!