Kris Aquino, P40 million daw ang pinapa-account na pera sa dating manager

lead image

Ibinunyag ng aktres na nasa 40 million pesos ang halaga ng kaniyang mga investments na nadamay sa kasong inihain niya kay Nicko Falcis.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay ibinunyag ng "Queen of All Media" na si Kris Aquino na nakaranas raw siya ng financial betrayal mula sa isang malapit na kaibigan. Di nagtagal ay sinabi niyang ito raw ay ginawa ni Nicko Falcis, na dati niyang business partner.

Ayon kay Kris, nagnakaw raw si Nicko ng 1.2 million pesos mula sa kaniyang credit card. Kinasuhan ni Kris ng 44 na bilang ng qualified theft si Nicko Falcis, at humingi ng 32 million pesos na danyos.

Naapektuhan raw ang 40 million pesos na mga investments ni Kris

Kamakailan lang ay nagpost sa Instagram ang aktres, at ibinunyag na 40 million pesos raw ang sangkot sa 'financial issue' niya.

Aniya, "Allow me to clarify the financial issue, i asked for an accounting of ₱40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner+Nacho Bimby branches and my lawyers & i were ignored."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

 

Dagdag pa ni Kris, nilapitan raw ng dating mentor ni Nicko Falcis ang abogado ni Kris na si Dean Nilo Divina, at humingi ng settlement ukol sa kaso. Dagdag pa niya, maswerte raw si Nicko at may taong kinikilala siyang 'anak' ng kaniyang mentor.

Nag-aalala rin si Kris na baka raw mawala ang inilaan niyang mga investments para sa mga anak niyang si Bimby at Josh.

Itinatanggi ni Nicko Falcis ang mga akusasyon

Mariin namang itinanggi ni Nicko Falcis ang mga naging akusasyon ni Kris. Aniya, wala raw siyang nilabag na batas, at tinulungan pa nga raw niyang manumbalik ang career ng aktres.

Dagdag pa niya na noong Setyembre 2018 ay kinausap siya ni Kris tungkol diumano sa mga charges sa kaniyang credit card account na nasa 400,000 pesos. Nagbigay raw siya ng tseke sa aktres para sa mga nasabing gastos, para daw matigil na ang usapin. Ang 400,000 pesos na charges raw ay para lahat sa mga gastusin ng kumpanya ni Kris na siya ang namamahala.

Ngunit nagsampa raw ng kaso si Kris, at sinabing mahigit 1.2 million pesos ang ninakaw sa kaniya. Bukod dito, sinabi pa ni Nicko na pinagbantaan raw ni Kris ang kaniyang buhay.

Nasa abroad si Nicko, at sinabi sa kaniya ni Kris na tawagan raw niya ito. Nang makausap ni Nicko si Kris, pinagbantaan raw nito ang kaniyang buhay at sinabing, "HWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, hwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!"

"That’s why… GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD," dagdag pa raw ng aktres.

Ayon kay Nicko, wala raw basehan ang mga naging reklamo ni Kris, at posible raw na dahil ito sa kaniyang paranoia sa pagkakaroon ng sakit na lupus.

 

Sources: InquirerPEP

Basahin: Kris Aquino, ibinahagi ang kaniyang karamdaman

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!