Kris Aquino lumipad patungong Singapore upang magpatingin sa espesyalista

lead image

Sa latest na balita tungkol sa aktres, sinabi nito na kasalukuyan siyang nasa Singapore upang magpatingin sa mga espesyalista. | Photo from KrisAquino.ph

Nasa Singapore ngayon si Kris Aquino upang sumailalim sa ilang medical tests. Ayon sa latest news na lumabas, nagbigay ng update ang social media mogul tungkol sa naging resulta ng test na isinagawa para malaman kung may tumor siya.

Kris Aquino: latest news

Sa isang post kanina, nagpahayag ang aktres na nagdesisyon siyang ibahagi ang mga pinagdaraanan niya, kagaya ng mga nangyari sa iba't ibang yugto ng buhay niya. Dagdag pa nito na sadyang pinili niya na magpatingin sa Singapore dahil alam niyang maraming Pinoy ang nagtratrabaho doon bilang health care professionals. Para na rin daw maging "transparent" siya sa mga nangyayari sa kaniya.

Ayon sa aktres, una siyang nagpatingin noong 2015 at sumunod naman noong March 2018 sa San Francisco. Ngunit nang ulitin ang mga test na ito dito sa Pilipinas, hindi daw maganda ang naging resulta.

Bukod daw kasi sa "hypertension, severe allergies, and migraine," mayroon siyang karamdaman na kailangang ipatingin sa espesyalista sa madaling panahon upang mabigyan ito ng lunas at maging malusog siyang muli.

Pinabulaanan naman niya na mayroon siyang tumor: "Let me be categorical: all tests for any tumor markers were negative."

Sa mas emosyonal na parte na kaniyang pahayag, sinabi nitong hindi siya humihingi ng dasal para sa sarili niya dahil ipinapasa Diyos na niya ang kalagayan niya. Bagkus humihingi ito ng dasal para sa kaniyang dalawang anak na si Josh at Bimby.

"Kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb... kahit sinong magulang maiintindihan po ako, gagawin natin ang lahat wag lang masaktan, ma-agrabyado, o mahirapan ang mga pinakamamahal nating mga anak. Isasakripisyo natin ang lahat masiguradong okay sila. That’s what happens when you become a parent, you wholeheartedly surrender being number 1."

 

View this post on Instagram

 

I’ve shared my life by courageously sharing my trials without hiding the painful truths. And i decided that this chapter will be no different. Bimb & i read through several medical terms i googled so he’d understand what may lie ahead. These are from medical tests we’ve treated since September 2015 but unfortunately some tests done in the Philippines last week had results no longer as good as those from San Francisco in March 2018. My 11 year old needed the assurance that his mama would fight bravely because my tests start tomorrow. We flew to Singapore because i know how many Filipinos work in the medical field here & i wanted to lessen my family’s burden by choosing transparency. Let me be categorical: all tests for any tumor markers were negative. Because of my very evident weight loss i had tests done to specifically answer that fear. Atty Fortun’s statement about my treatment w/ prescription medication for hypertension, severe allergies, and migraine remains true. But we flew to Singapore to see one specialist for 3 areas of my health that needed to be immediately addressed with appropriate treatment for me to have the best chance to regain my health. The words our Mom said near the end of her life are vividly recalled in my mind “i fought for my life because i knew you weren’t ready.” Our mother braved the surgeries, treatments, and extreme physical pain of terminal cancer because she loved us so much that she wanted to give us what our dad’s assassination stole from us- enough time to prepare and accept God’s will. I am my mother’s daughter because i strive to be the mother i had growing up- someone who LOVED & fought for her children unconditionally. i don’t dare ask you to pray for me- i now completely surrender to God’s merciful care. Pero kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb...kahit sinong magulang maiintindihan po ako, gagawin natin ang lahat wag lang masaktan, ma-agrabyado, o mahirapan ang mga pinakamamahal nating mga anak. Isasakripisyo natin ang lahat masiguradong okay sila. That’s what happens when you become a parent, you wholeheartedly surrender being number 1.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Problemang pang-pinansyal

Noong nakaraang linggo, inamin ni Kris na natuklasan daw niya ang katotohanan tungkol sa "financial abuse" na ginawa sa kaniya ng isang tao. Hindi raw inalagaan ng taong ito ang kaniyang mga "existing endorsement contracts" at hindi siya nirespeto bilang isang "business partner."

Noong isang araw, bago siya umalis patungong Singapore, nag-post si Kris ng isang official statement mula sa kaniyang abugado na si Atty. Sig Fortun. Nakasaad dito ang pag-usad ng kanilang effort upang "maprotektahan" ang mga ari-arian ng aktres.

Ayon sa kaniyang post: "This is a period of my life testing my fortitude. Betrayal in any form is heartbreaking, but the attempt of this man & his brother- who never met nor even conversed with me in any form- to alter FACTS by deceitfully & maliciously attacking my family’s honor & credibility, strengthened my resolve to use all legal means for TRUTH TO WIN."

Dagdag pa niya: "Fortun Narvasa and Divina Law will uphold my firm belief that JUSTICE is a right every law abiding Filipino should protect, defend, and fight for. (To battle fairly & with no political agenda we chose 2 law firms that had no ties to my brother’s administration.) The comments section will be disabled upon the advice of Atty. Fortun so no names or entities shall be mentioned on my feed..."

Hindi pa rin pinapangalanan ng aktres ang taong nanloko diumano sa kaniya.

 

 

View this post on Instagram

 

To all who have prayed for us, sending messages of love, comfort, encouragement, loyalty, and unwavering support- i thank you w/ all my heart... This is a period of my life testing my fortitude. Betrayal in any form is heartbreaking, but the attempt of this man & his brother- who never met nor even conversed with me in any form- to alter FACTS by deceitfully & maliciously attacking my family’s honor & credibility, strengthened my resolve to use all legal means for TRUTH TO WIN. Fortun Narvasa and Divina Law will uphold my firm belief that JUSTICE is a right every law abiding Filipino should protect, defend, and fight for. (To battle fairly & with no political agenda we chose 2 law firms that had no ties to my brother’s administration.) The comments section will be disabled upon the advice of Atty. Fortun so no names or entities shall be mentioned on my feed... my sons & i leave tomorrow, please allow me this small privacy to not share details about my current state of health to shield my sons from more stress. They have cried more tears than children should ever have to. i have complete faith in my doctors and in our Creator’s healing mercy. I shall courageously give my ALL for kuya josh & bimb to be assured that the only parent present in their lives, can & will continue to love, care, and provide for them for many healthier & happier years to come. #laban

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!