Kris aquino, sinabihan ang isang netizen na huwag tawaging "kabit" si Gretchen Barretto

lead image

Kris Aquino nagrequest sa isang netizen na huwag tawaging mistress si Gretchen Barretto dahil sa pagmamahal at respeto niya sa pinsan niyang si Tony Boy Cojuangco.

Kris Aquino nakiusap sa isang netizen na huwag tawaging kabit o mistress si Gretchen Barretto.

Ang pakiusap na ito ni Kris Aquino ay idinaan niya sa Instagram.

Kris Aquino at Gretchen Barretto issue

Image screenshot from Instagram

Kris Aquino at Falcis brothers issue

Masayang ibinalita ni Kris Aquino sa isa niyang Instagram post na nadismiss ang kaso ng Falcis brothers na sina Nicko Falcis at Atty. Jesus Nicardo Falcis III laban sa kaniya.

Ito ay ang kasong grave threats matapos umano ang pagbabanta ni Kris Aquino sa buhay ng dating business partner na si Nicko Falcis.

LINK: www.instagram.com/p/BwtPgHWll-u/

Sa isang leaked recorded phone conversation ni Kris Aquino at Nicko Falcis ay maririnig na sinabi ni Kris kay Nicko na, “Dare to step in this country and you will be dead!”

Paliwanag ni Kris sa naturang recorded conversation, alam naman daw ni Nicko Falcis na binubluff o binubwisit niya lang ito noong kausap at masabi niya ang pagbabanta.

Matatandaang nag-ugat ang legal battle na ito at palitan ng maanghang na salita matapos pagnakawan daw ni Falcis si Kris Aquino. Ito ay sa pamamagitan ng maling paggamit ng pondo ng isa sa mga negosyo niya. Ginamit daw umano ni Falcis ang corporate credit card ni Kris Aquino para sa personal use nito na umabot sa P1 million.

Kaya naman sinampahan ni Kris ang dating business partner ng qualified theft charges at estafa. Nagsabi rin ang aktres na gagamitin niya ang lahat ng natitira niyang pera para panagutin si Falcis sa ginawa nito.

Gretchen Barretto on Kris Aquino and Falcis issue

Samantala, hindi naman napigilan ng aktres na si Gretchen Barretto na hindi magkomento sa isyu sa pagitan nina Kris at Falcis.

Sa isang Instagram post ay tinawag ni Getchen si Kris Aquino na isang power tripper.

Link: www.instagram.com/p/BwtqRi0JClD/

Nang interviewhin naman sa isang programa sa DZMM Teleradyo ng showbiz reporters na sina Ogie Diaz at MJ Felipe pinaliwanag ni Gretchen kung bakit niya sinusuportahan si Falcis sa isyu na ito.

“I’m not saying that I’m the most pure person on earth, but ang tama ay tama. Nandoon ako sa tama. Kahit kaibigan kita, kapag mali ka, mali ka. Kapag inaapi ka, nandoon ako kahit hindi kita kaibigan,” paliwanag ni Gretchen na hindi sinabi kung anong ugnayan nila ni Falcis.

“You do something to me today, hindi ako magre-react ngayon. I may react many years later. Kris [today] is powerless. This is the time I feel like I can react because for the longest time, she had the power and she did everything that she wanted,” dagdag pa ni Gretchen Barretto.

Kaya naman ng maglabas si Kris ng update sa Instagram tungkol sa Falcis brother case ay hindi rin napigilan ng isa niyang follower na magkomento sa isyu na kung saan sinabi nito na..

thenamesnelson

May that mistress finally stay off your legal issues and mind her own personal business! She’s annoying and should not make comments at all!

Sinagot naman ni Kris ang komento ng kaniyang follower na may kasamang pakiusap at “lecture”.

krisaquino

@thenamesnelsonpwedeng mag lecture ng konti? Granted she may hate me- but don’t you think the 2 facing criminal charges are amplifying her in order to distract people’s anger from them? Why do you think hindi ako pumapatol sa kanya? Kasi hindi nya ninakawan ang mga anak ko. And please stop calling her a mistress- at the end of the day, her daughter’s father is still my second cousin. His dad & my mom are 1st cousins. His lolo & my lolo are brothers. So dedma na lang sa rants because i love my mom & mom always had a soft spot for Tonyboy. So please follow my example? Para na lang sa memory ng mom ko. 💛

Kris Aquino at Gretchen Barretto issue

Image screenshot from Instagram

Ang request na ito ni Kris sa kaniyang follower na huwag tawaging kabit si Gretchen ay umani naman ng positive feedbacks mula sa iba pa niyang followers.

itsmegretz29

@krisaquino❤️❤️ just love no hate.. I love you for this.. this is what a true family is.. be strong God is with you and your family too most are your children be humble n be grateful God bless 💋

garie73

@thenamesnelsonspoken like a true Queen @krisaquino

rimandomerle

@krisaquino Wow what a beautiful heart of you Kris.. Your bashers and other people should learn from you.👏👏👏

bel0827

@krisaquino u are such a genuine human being with the heart is full of love may our good lord bless u good health …. I admire you for being so kind love love.

Sa ngayon ay hindi parin inaamin ni Gretchen kung anong ugnayan sa pagitan nila ni Nicko Falcis. Ngunit inakusahan pa uli nito si Kris na ginamit ang kaniyang impluwesiya para pakialaman ang kaso ng isa niyang kaibigan sa BIR. Ito naman ay itinanggi ni Kris Aquino.

Sources: ABS CBN, Rappler

Basahin: “I am happily his mistress”—Gretchen Barretto on longtime partner Tonyboy Cojuangco

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!