Krista Ranillo, ipinanganak ang kaniyang pang-limang anak

lead image

Ang 37 taong gulang na dating aktres na si Krista Ranillo ay siyam na taon nang kasal sa asawa nitong si Niño at mayroon ng limang anak.

Ang dating aktres na si Krista Ranillo ay nanganak muli noong ika-30 ng Abril sa California, U. S. A.

Ang baby ay pang-limang anak na ni Krista sa asawang businessman na si Niño Lim, may-ari ng isa Filipino supermarket chain na Island Pacific Seafood Market sa States.

Sa isa nga sa kaniyang mga Instagram posts, sambit niya, "My BFFs and I used to joke that in our group, I’d be a mom of five. Today I’m living that dream..."

Pinasalamatan ni Krista ang lahat ng nagdasal para sa kanyang ligtas na panganganak sa kanilang bunso.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Fresh off the womb. Hardest labor I’ve seen my wife go through. Brings me to tears. Another April birthday.

A post shared by Nino Jeff Lim (@ninojeff) on

Krista Ranillo, request sa asawa

Mayroon nga lamang isang request si Krista sa asawa nitong si Niño. Aniya nga sa kanyang mensahe na post para sa asawa na nagdiwang ng kaarawan nito noong isang linggo, “Stop asking me for more kids."

Dagdag pa ng dating aktres, “You are my life, my love, my strength and my weakness. I can’t imagine going through life without you. The words 'happiness' and 'true love' only made perfect sense to me because of you. Funny because I’ve always told myself I’d never marry anyone who is a Taurus (I’d hate to butt heads all the time) but here we are, nearly married for 9 years and expecting our fifth child together."

Sabi pa niya sa kanyang post, "Thank you for always giving it your best for the kids and I. We love and appreciate you more than you know!! Happy birthday to my Mr. Lim."

Pahabol pa niya, "PS. Please think of a different gift that you want for next year because you have to stop asking me for more kids!!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

First visitors.

A post shared by Nino Jeff Lim (@ninojeff) on

Ang panganay nila Krista at Niño ay ang walong taong gulang na si Nate, sinundan ni Nolan na anim na taong gulang, sumunod ang kanilang nag-iisang babae na si Natalie na limang taong gulang, at ang dalawang taong gulang nila na si Nash.

Pinangalanan naman nilang Nyles ang kanilang bunso.

Congratulations, Nino and Krista!

 

Source: Krista Ranillo, Nino Lim Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!