Tanong ni mommy: Kung kaunti ang milk supply, anong gagawin?
Narito ang mga tips na makakatulong sa mga mommy na may low milk supply, ayon sa lactation counselor na si Abbie Yabot.
“Mayroon pa rin akong sariling problema,” paliwanag ng certified Lactation counselor at Le Leche League leader Abbie Yabot. Nakakatuwang marinig mula sa isang ina na nakapagbreastfeed ng limang anak sa mahigit 15 na taon at tumutulong na sa maraming breastfeeding moms. Tunay ngang marami siyang maibabahaging tips para sa mga mommy na nagkakaroon ng problema sa pagpapasuso.
“Ngayong, pakiramdam ko’y may low milk supply ako, kasi yung youngest ko mag-tu-two years old na. Natatakot ako na baka hindi umabot hanggang mag-two years old siya,” kuwento niya sa isang panayam sa theAsianparent. “Yung pang-apat kong anak, nag-breastfeed hanggang six years old siya. Yung pangatlo naman, hanggang four. Breastfeeding counselor ako, so dapat gampanan ko kung ano ang itinuturo ko.
Ang Mga Pangunahing Inaalala ng Mga Mommy Na Kulang ang Breastmilk
Ikinuwento din ni Abbie ang top three concerns ng mga mommies na may low milk supply: hindi tamang pag-latch ni baby, hindi nakakapag-pump ng madalas pagbalik sa trabaho, at pagkasanay ni baby na dumede sa bote na lamang. Lahat ng mga problemang ito ay bunga ng imbalance sa supply and demand.
Base sa mga natulungan na niyang mga ina noon, ikinuwento niya na ang low milk supply na concern ay “nangyayari sa unang linggo dahil ang breastmilk ay lumalabas sa tatlong stages.”
Ang unang stage, ayon kay Abbie, ay colostrum. Pangalawa naman ay transition milk. Sa second stage na ito hindi masyado nagpoproduce ng milk ang ina, nasa 1 teaspoon per feed lang.
“Madalas ito’y nasisipsip ni baby kaya yung ibang mommies kapag pinipisil nila ang nipples nila o sinusubukang mag-pump, walang lumalabas at feeling nila kulang ang breastmilk nila, pero ang totoo, if maayos ang latch ni baby hindi kulang ang breastmilk kasi nakukuha ito ni baby,” paliwanag niya.
May Koneksyon Ang Latch ni Baby sa Breastmilk Supply Ni Mommy
Ang latching ay ang kapasidad ni baby na kumabit sa breast ng kaniyang ina habang nagbi-breastfeed.
“May mga tumatawag sa akin na mommies, sinasabi nilang wala silang breastmilk tapos pupuntahan ko sila. Apparently, may milk naman sila pero kung makapag-latch lang nang mabut si baby. Ang problema sa latching, if hindi magawa during the first week ni baby, maaaring maghanap si mommy ng ibang way to give milk.”
Paliwanag ni Abbie na maaaring masanay dumede si baby sa bote kaya hindi na masyado e-effort ito maglatch sa breast ng mommy nila.
Magiging cycle ito, aniya, kung saan walang nararamdamang “demand” ang breast kaya hindi na ito magpoproduce ng milk.
“Hanggang sa pakaunti at kaunti ang breastmilk at tuluyan na itong matuyo,” dagdag ni Abbie.
“Kapag bumalik sa trabaho ang isang ina, ang advice ko ay mag-express o pump siya ng milk two weeks bago siya pumasok. bakit? Dahil kailangan may stock na siya ng milk. Hindi sapat ang one-day stock o stash dahil kapag nawalay si baby kay mommy mas tumatakaw sila sa milk, paraan nila to ng pag-cope,” sabi ni Abbie. Pinaliwanag din niya na mas mabilis mag-feed ang babies kapag pinadede sa bote o cup.
Kapag Nasanay Si Baby na Dumede sa Bote Nagiging Parang Pacifier Na Lang ang Breast
Kailangan ng utak natin ng 20 minuto para i-signal sa tiyan natin na busog na tayo. Ganoon din sa mga babies, ani Abbie.
“Kaya ang babies, kapag uminom sila ng 2 ounces sa loob ng limang minuto, gutom pa rin sila! Kaya kailangan nila dumede ng mga 20 minutes para malaman na busog na sila. Yung ibang mommies nahihirapang humabol sa pag-pa-pump kaya feeling nila low milk supply sila, pero sa totoo lang, minsan sobra na ang naiinom ni baby.
Binalikan naman niya nag naikwentong problema ng mommies o kapag bumalik na siya sa work at masasanay si baby na dumede sa bote.
“Iba ang pag-dede nila sa bote kaysa sa breastfeeding. Kaya kung masanay sila hindi na sila dumedede sa breast, parang pacifier na lang ito.”
Dahil dito, kulang na ang stimulation, kaya kulang na rin ang supply. Habang pakaunti ito nang pakaunti, nagiging iritable si baby kaya mas gusto na niyang dumede sa bote. Sa kalaunan, maaaring mag-dry out na ang gatas ni mommy.
Paano ang mga Mommies Na Hindi Naniniwala na Maaari Silang Kulangin ng Milk Supply?
May katotohonan sa low milk supply kasi less than 1% ay walang milk o kulang ang breastmilk, dahil sa medical reasons. Kung ang baby ay maayos na nakakpag-latch sa unang 6 na linggo, hindi posible ang low milk supply. Dahil ito sa kapasidad ng katawan ni mommy na mag-work based on supply and demand.
Sabi ni Abbie, parang computer ang katawan dahil sa “programmable” din daw ito.
“Kung ang isang ina ay mag-decide na mag-exclusive breastfeeding na lamang sa umaga tapos ibigay an bote sa gabi, hindi rumeresponde sa ‘demand’ ang kaniyang katawan sa gabi, kaya hindi siya masyadong nagpoproduce ng supply,” paliwanag niya. “Kada breastfeed niya, pakaunti nang pakaunti ang supply. Kaya tuwing magbi-breastfeed si baby, kulang na.”
May Mga Natural Remedies Ba Para Padamihin ang Milk Supply?
Ayon kay Abbie, ang milk production ay nagsisimula sa ika-20 na linggo. Ito ang rason kung bakit minsan wala pang milk na lumalabas agad, dahil mataas ang pregnancy hormones kaya pinipigilan nito ang milk-producing hormone, o ang tinatawag na prolactin.
“Di ba yung ibang moms they complain na nag-li-leak sila ng milk on the 7th month? Ibig sabihin nito bumaba ang pregnancy hormones nila.”
May mga mommy naman na nagbabago ng diet. Simple lamang daw, sabi ni Abbie, damihan ang prutas at gulay, lalo na ang mga leafy greens tulad ng lettuce, kang kong, at siyempre, malunggay.
Ang malunggay ay hindi lamang makakatulong sa supply, mainam din ito para sa iron, calcium, vitamin A at C.
Bawasan ang matamis, mataba, at maalat na pagkain, dahil nakakababa ito ng supply kapag nasobrahan. Pero nakakatulong daw ang dark chocolate, payo ni Abbie.
Iwasan din ang tsaa at kape dahil diuretics ito o nagpapaihi, kaya nakakabawas ng fluid sa katawan. Uminom din ng maraming tubig, mga 2 1/2 hanggang 3 litro kada araw. Pero mag-ingat din so overhydration.
Ang overhydration ay magreresulta sa low supply. Paano? Dahil sa sobrang tubig sa katawan, wala nang puwang para sa sustansiya, at nakakapagpaihi daw ito, kaya maaaring mabawasan ang milk production.
Ang ehersisyo ay makakapagpataas ng supply.
Kahit may sakit ang ina, maaaring mag-breastfeed. Sa katunayan, rekomendado daw ito dahil sa antibodies na nabibigay ng breastmilk, na proteksiyon laban sa mga sakit. Maaari namang mag-mask o kung may sore eyes, lagyan ng mittens si baby.
“Breastmilk talaga ang unang bakuna ni baby. Para sa dalawang youngest ko, kakaunti lang ang vaccines nila.”
So Paano Mapaparami and Demand at Supply ng Breastmilk?
Dalasan mo ang pagpapadede at latch time ni baby. Alisin din ang artificial methods tulad ng cup at bote, payo ni Abbie. If malayo naman si baby kay mommy, kung nasa work halimbawa, dapat regular pa din ang milk expression, puwedeng gamit ang kamay o pump. Karaniwang bumababa ang milk supply kapag nakakaligtaang mag-express ng isang ina.
Payo ni Abbie, walang problema kung paiba-iba ang oras ng feedings, pero ang importante ay every two hours nakakapag-labas ng milk si mommy. Maximum na daw ang four hours, dahil kapag lumalabas magkakaroon ng pamamaga o engorgement na tinatawag.
Babala ni Abbie na huwag masanay sa engorgement dahil if tumagal itong hindi pinapansin maaaring magkaroon ng pamumuo ng milk at pagbara o plugged ducts.
Paano Malulunasan Ang Barado o Plugged Ducts?
Natural latching ang solusyon para ma-unclog o matanggal ang bara. Dahil kapag kusang maayos ang latching, madaling matanggal ang bara. Puwede ring masahehin ang breast gamit ang 2 o 3 na daliri, paikot lang para mapalambot ang namuong gatas. Maaari ding dampian ng warm compress o gumamit ng Epsom salts.
May mga posisyon ding tinuturo si Abbie sa mga moms na natulungan niya. Itapat ang baba ni baby sa bandang bara habang nagbibreastfeed para banda dito dumaloy ang gatas. Pagpalit-palit ng position ay makakatulong. Tandaan: kung nasaan ang baba (chin) ni baby, doon sila pinakamaraming nakukuhang gatas.
Kung hindi ito maagapan, maaaring maging mastitis ito.
“Kapag ganun, dapat pumunta na agad sa doktor. Dito sa Pilipinas sanay tayong pumupunta sa mga hilot. Pero kung mastitis na siya, delikado, if mali ang pag-massage maaaring kumalat ang infection,” paliwanag niya.
If hindi naagapan ang mastitis maaari itong maging nana at kailangan na ng surgery. Kapag nangyari ito, kailangan mong tumigil sa pagpapasuso.
Anong Advice Ang Mabibigay ni Abbie Para sa Mga Bagong Ina na Gusto Nang Sumuko sa Breastfeeding?
“Para sa mga frustrated na mommies na nagbabasa nito, dapat alalahanin nilang maging masaya at kuntento. If may mga nararamdaman silang negatibo, maaaring bumagsak ang supply nila,” sabi ni Abbie.
Ang negatibong damdamin ay nakakaapekto din sa gatas ng ina.
“Ika nga ng matatanda, huwag magpapasuso nang galit, kasi maipapasa sa bata, pero hindi totoo yoon,” paliwanag niya. “Kaya umiiyak si baby kasi pag-glait si mommy, mababa ang supply at wala siyang makuhang gatas.”
Ayon sa kanya, ang pinakamatinding kalaban ng mga mommies ay ang postpartum depression. Hormonal yoon at ang pinakaepektibong lunas ay ang pagkuha ng suporta sa mga mahal sa buhay. Umiwas din sa social media, kasi maaari itong makapagpalala ng depression dahil naiinggit ang mga mommy sa kapwa mommy na tila walang problema.
“Kung ikaw ay na-dedepress, huwag kang mag-expect masyado sa sarili mo, juwag ka ma-pressure,” payo ni Abbie. “Mag-focus ka lang kung bakit mo ito ginagawa, para sa baby mo, isipin mo ang mga bagay na magpapasaya sayo. Kung aalagaan mo ang sarili mo, mas maaalagaan mo ang baby mo! Trabaho mo ang mahalin at alagaan ang sarili mo.”
Isinalin sa orihinal na Ingles na article ni Bianchi Mendoza.