Kulay ng ihi ng buntis, ano nga ba ang normal? At kailan ito nagiging palatandaan ng kondisyon na nangangailangan ng agad na maagapan.
Kulay ng ihi ng buntis
Ayon kay Dr. Bilal Kaaki isang urologist, ang kulay ng ihi ng isang babae ay lumalabnaw kapag nagbubuntis. Ito ay dahil mas dumadami ang blood volume ng kaniyang katawan. Dahilan upang mas maraming tubig ang ipina-process ng kaniyang kidney papunta sa bladder na nagiging ihi.
“Urine looks paler during pregnancy because there’s a 50 percent increase in blood volume, so the urine tends to be clearer and more diluted during pregnancy.”
Ito ang pahayag ni Dr. Kaaki. Ngunit dagdag pa niya ang kulay ng ihi ng isang buntis ay maari ring mag-iba. At isa sa nagiging dahilan nito ay ang hydration level ng katawan o dami ng tubig na iniinom niya.
“A healthy urine color range is from pale yellow to amber-colored urine. It all depends on your hydration level. Pale yellow urine means you are more hydrated and dark amber urine is at the other end of the spectrum. It’s more concentrated, which means you’re more dehydrated.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Kaaki.
Pero maliban sa hydration level ng katawan, marami pang maaring maging dahilan ng pag-iiba ng kulay ng ihi ng isang buntis. Ito ay maaring dahil sa pagkain o gamot na iniinom niya. O kaya naman, maaring ito pala ay palatandaan ng isang sakit na nararanasan niya na pala.
Upang maliwanagan ang isang buntis ay narito ang iba’t-ibang kulay ng ihi. At ang mga dahilan o ipinahihiwatig nitong palatandaan.
Mga kulay ng ihi at ang ibig sabihin nito
Walang kulay o transparent
Kung ang ihi ng isang buntis ay walang kulay o transparent, ito ay nangangahulugan na masyadong maraming tubig ang kaniyang naiinom. Bagamat ipinapayo na mainam ang madalas na pag-inom ng tubig, hindi dapat lalagpas sa 8-10 baso ng tubig sa isang araw ang naiinum ng isang buntis. Dahil ang sobrang tubig sa katawan ay maaring mauwi sa hyponatremia o water intoxication. Ang kondisyon na kung saan ang sodium concentration ng dugo ay masyadong bumababa na maaring maging life-threatening o mauwi sa pagkasawi.
Kulay dilaw na ihi
Ang kulay dilaw na ihi ay normal at palatandaan na tama ang dami ng tubig na naiinom ng isang buntis. Maliban nalang kung ito ay dark yellow o matapang na dilaw. Dahil sa ito ay palatandaan ng dehydration sa buntis. Sa pagkakataong ito, dapat ay agad na uminom ng dagdag na tubig ang buntis. Dahil kung hindi ang dehydration ay maaring mauwi sa pregnancy complications. Tulad ng neutral tube defects, low amniotic fluid, inadequate breastmilk production o kaya naman ay premature labor.
Ang dark yellow urine ay maaring palatandaan rin ng urinary tract infection o UTI. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan o hapdi o pananakit sa ari sa tuwing umiihi.
Maliban sa dark yellow na ihi, ang pagkakaroon ng dugo sa ihi ay palatandaan rin ng pagkakaroon ng urinary tract infection.
Kulay orange na ihi
Ang kulay orange na ihi ay maaring dulot ng increase bilirubin production ng katawan. Ito ay isa sa pangunahing palatandaan ng pagkakaroon ng liver problem.
Ang kulay orange na ihi ay maaring dulot rin ng pagkain o bitaminang iniinom ng buntis tulad ng vitamin C. Ngunit ito dapat ay bumabalik sa normal na kulay matapos ang ilang oras. Dahil kung hindi at magpatuloy ang pagiging kulay orange ng ihi ng buntis kahit wala namang kinaing pagkain na maaring magdulot nito, dapat ay magpunta na sa doktor at magpakonsulta. Maaring ito ay dulot ng isang karamdaman na dapat ay agad ng maagapan.
Light brown o tea-colored na ihi
Ang pagkakaroon ng light brown na ihi ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kidney disease o kidney failure. Ito ay dahil hindi na maayos na na-fifilter ng kidney ang mga dumi sa katawan. Bagamat ito ay maaring dulot rin ng pagkain o inumin, mas mabuting magpakonsulta agad sa isang doktor ang buntis kung ito ay nagpatuloy pa ng ilang araw.
Mapula o pink na ihi
Ang mapulang ihi ay maaring dulot rin ng pagkain o inumin. Ngunit palatandaan rin ito ng pagkakaroon ng sakit sa bato o urinary tract infection. Mahalaga na hindi ito isawalang bahala ng buntis dahil sa maari itong makakapekto sa development ng dinadala niyang sanggol. Ito ay maaring mauwi sa seryosong komplikasyon dulot ng premature labor o underweight baby.
Ang pink o mapulang ihi ay maaring senyales rin na nakakaranas ng light implantation bleeding ang isang buntis. Ito ay maaring palatandaan rin ng pagkakaroon ng impeksyon sa vagina o cervix ng isang babae. Lalo na kung ang ihi ay nagtataglay rin ng mabahong amoy.
Kulay blue-green na ihi
Ang kulay blue-green na ihi ay maari ring maranasan ng isang buntis. Lalo na kung siya ay nakakain ng pagkain ng nagtataglay ng kulay na ito.
Maaring ito ay dulot rin ng mga gamot na nagtataglay ng compouds na kung tawagin ay phenol. Tulad ng gamot na promethazine para sa allergy at nausea. At propofol, ang gamot na ginagamit sa anesthetics.
Sa kabuuan ang kulay ng ihi ng isang buntis ay maaring magiba-iba. Maaring ito ay dahil sa kinakain niya. O kaya naman ay dahil sa isang kondisyon na kapag hindi agad na nabigyan ng pansin ay maaring maglagay peligro sa sanggol na dinadala niya.
Source:
Everyday Health, Unity Point, Healthline
Basahin:
Ano ang magandang gatas para sa buntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!