X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kylie Padilla, inihahanda na ang lilipatang bahay kasama ang mga anak

6 min read

Kylie Padilla lilipat ng bahay, ito ay matapos ang kumpirmasyon ng amang si Robin Padilla na hiwalay na sila ng mister na si Aljur Abrenica.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kylie Padilla lilipat ng bahay.
  • Relasyon ni Aljur Abrenica kay Kylie at sa mga anak nila.

Kylie Padilla, inihahanda na ang lilipatang bahay kasama ang mga anak

Image screenshot from Kylie Padilla's Instagram account

Kylie Padilla lilipat ng bahay

Nitong nakaraang linggo ay kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla na hiwalay na ang anak na si Kylie Padilla at ang mister nitong si Aljur Abrenica.

Ito ay kaniyang ginawa sa interview sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz na itinampok ng huli sa vlog nito. Kuwento ni Robin, ayon mismo kay Kylie ay siya ang nag-desisyong makipag-hiwalay kay Aljur.

“Una, walang sinasabi 'yong anak ko. Kasi 'yon naman, noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, “agrabyado ka ba?” Hindi naman daw, “okay lang ako Pa”. Tinanong ko rin siya ulit, “anak, agrabyado ka ba?”, “Hindi Pa, ako nakipaghiwalay.”

Ito ang pagkukuwento ni Robin sa hiwalayan ni Kylie at Aljur. Dagdag pa niya, bilang ama masakit para sa kaniya ang nangyari sa anak lalo na sa kaniyang mga apo.

Pero ang desisyon ay nasa mag-asawang sina Kylie at Aljur. Pasalamat lang siya dahil sa kaniya unang pumunta si Kylie na magsimula ang kanilang problema at tuluyan ng maghiwalay.

"Wala naman papel ang tatay dun. Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa yun e, may mga anak pa. Masakit syempre, sa akin. Saka sa akin ang remembrance e, iyong mga apo nasa nanay.”

Ito ang dagdag pa ni Robin.

Samantala, sa pinakabagong post ni Kylie sa kaniyang Instagram account ay mukhang tuloy-tuloy na ang pagmomove-on niya. Dahil base sa post ng aktres ay malapit ng matapos ang bagong bahay na lilipatan nila ng dalawang anak.

“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited.”

Ito ang pahayag ni Kylie sa kaniyang Instagram. Base pa sa post ng aktres ay sinisimulan ng linisin ang bago nilang bahay para puwede na silang makalipat ng kaniyang mga anak anytime soon.

 
View this post on Instagram
  A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Kylie nagbabalik training ng Muay Thai at pagpipinta

Maliban sa paglilipat-bahay ay mukhang nagbabalik ulit si Kylie sa isa sa kaniyang first love. Ito ay ang pagtratraining muli ng Muay Thai.

Dahil base sa reply ng aktres sa comment ni Erwin John Tagle sa kaniyang paglilipat-bahay post ay may nilaan siyang space dito para sa kaniyang training area. Si Tagle ay kilalang Mixed Martial Arts instructor.

Kylie Padilla lilipat ng bahay

Sa part 2 ng interview naman ni Robin ay sinabi niyang ang pagbabalik sa martial arts training ay ang ipinayo niyang gawin ng anak. Ito ay para kahit papaano ay makapaglibang ito at maibalik ang dati sa sarili matapos ang naging paghihiwalay nila ni Aljur.

“Sabi ko mahirap yung ganyan ang sitwasyon ng puso mo at tapos wala kang gagawin. Dapat mag-ensayo ka, ibalik mo yung fighting ano mo. Kasi yan ang nakalimutan mo. Lumaban ka ulit. Ibalik mo yung dati mo,"payo ni Robin kay Kylie.

Isa pa ngang passion na binabalikan ni Kylie sa ngayon ay ang pag-pepainting na ayon pa rin sa isa niyang Instagram post ay na-miss niyang gawin.

 
View this post on Instagram
  A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Sa isa sa mga panayam ng aktres noon sa Inquirer ay ibinahagi niyang ito ang mga gusto niyang gawin. Kabilang na ang pagmemake-up na makikita rin sa beauty vlogs at tutorial niya online.

“I’m an artist who enjoys drawing and painting. Makeup is an expression for me, like Muay Thai.”

Ito ang sabi noon ng aktres.

BASAHIN:

Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”

Kylie Padilla: “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”

Kylie Padilla shares, “Motherhood is just an ongoing array of life lessons.”

Relasyon ni Aljur kay Kylie at sa mga anak nila

Samantala, sa mga post naman ni Aljur ay makikitang maayos ang relasyon nila ni Kylie kahit sila ay hiwalay na. Sa kaniya ngang vlog entry nitong June 24 sa kaniyang YouTube channel ay ginawan niya ng sandbox ang dalawa niyang anak na sina Alas at Axl. Dahil ang mga ito daw ay mahilig maglaro sa buhangin. Sa video ay makikita ngang si Kylie ang unang sumubok sa ginawa niyang sandbox habang hinihintay ang pagdating ng mga anak. Maririnig ngang tinanong ni Aljur si Kylie na tinawag niyang “Mahal” sa kung ano ang masasabi niya rito na nakangiting sinagot ng aktres. Aljur: Ano masasabi mo Mahal? Kylie: Laro na tayo! Kylie Padilla lilipat ng bahay Image screenshot from Aljur Abrenica's YouTube account

Saka sinundo ni Aljur sa baba ng kanilang bahay ang mga anak na sina Alas at Axl na masayang naglaro sa sandbox na ginawa ng kanilang ama. Sa mga Instagram post ni Aljur ay makikitang lagi siyang nakikipag-bonding sa mga anak. Bagamat karamihan sa mga post at litrato nilang magkakasama ay kuha sa resort na pag-mamayari ng pamilya ni Aljur sa Batangas. Kylie Padilla, inihahanda na ang lilipatang bahay kasama ang mga anak Image screenshot from Aljur Abrenica's Instagram account

Official statement ni Kylie sa paghihiwalay nila ni Aljur

Hanggang sa ngayon ay walang pahayag si Aljur sa hiwalayan nila ni Kylie. Habang si Kylie ay naglabas na ng kaniyang official statement. Inamin niyang dumaan sa pagsubok nitong mga nakaraang buwan ang kaniyang pamilya. Ngunit sa ngayon ay nakapag-moveon na sila at umaapela ng respeto sa naging desisyon nila ng mister na si Aljur na kasalukuyan umanong bumubuo ng healthy parenting set-up para sa dalawa nilang anak.

"In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on. All we need right now is respect--first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family--to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way. Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys' sake.”

Ito ang bahagi ng official statement ni Kylie tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Source:

Bandera, Inquirer Lifestyle, Ogie Diaz Vlog

Photo:

Kylie Padilla's Instagram account

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kylie Padilla, inihahanda na ang lilipatang bahay kasama ang mga anak
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.