Ano nga ba ang gamot sa mataas ng lagnat ng bata? Alamin ang ilang paraan rito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sanhi ng mataas na lagnat ng bata
- Dapat tandaan sa pagpapainom ng gamot sa lagnat ng bata
- Home remedies sa lagnat na pwede mong subukan
- Kailan mo dapat dalhin ang iyong anak sa doktor?
Mahirap para sa ina ang ang makita ang kanyang anak na may sakit at nahihirapan. Hangga’t maaari ay gusto natin na mayroon silang masiglang katawan at aktibo sa mga pisikal na gawain. Masakit sa damdamin ang pag-aalaga ng batang may sakit lalo na kung gising pa sila ng madaling araw dahil sa lagnat.
Isang bagay na labis na nagdudulot ng kaba at pag-aalala sa ating mga magulang ay kapag nilalagnat ang ating anak. Hindi tayo mapakali kapag nararamdaman natin na mainit ang kanilang pakiramdam at matamlay ang kanilang pangangatawan. Lalo tayong nababalisa kapag “inaapoy ng lagnat” ang bata.
Natural lang sa atin ang mag-alala, subalit sa halip na mabalisa, dapat ay maging handa tayo sa mga ganitong sitwasyon at alamin kung paano natin pabababain ang mataas na lagnat ng bata.
Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image source: iStock
Ano ang sanhi ng lagnat sa bata?
Ayon kay Dr. Nicole Perreras, isang pedia sa Makati Medical Center, may iba’t ibang sanhi kung bakit nagkakalagnat ang isang bata. Ito ay depende sa kanyang edad.
“Kailangan ‘pag three months and below na biglang nilagnat especially kapag nasa first 30 days or 29 days, kailangan talaga ma-assess ‘yon.
But kung mas matanda na ang baby, for example three months hanggang three years old, usually ang pinaka common na sanhi ng fever o lagnat ay viral infection. ‘Yan ang mga sinasabing tigdas hangin, pagtatae, ubo at sipon.
For older children, depende na rin yon sa iba’t ibang signs and symptoms. ‘yong iba tatanungin mo, ‘kakabakuna lang ba sa baby?’.
Baka naman kasi in the past 48 hours nakatanggap pala si baby ng bakuna. So there are many things that could cause fever so depende talaga yon.
In general, yan yung mga causes for age group na kailangang tutukan ng mga magulang.”
Bilang magulang, marami tayong isinasaalang-alang bago painumin ng gamot ang bata para bumaba ang temperature ng kanyang katawan lalo na kung hindi nirekomenda ng doctor. Isa ka ba sa mga magulang na hindi gustong gumamit ng gamot lalo na sa kanilang toddlers?
Lagnat ng bata home remedy
Buti na lamang ay may ilang maaaring gawin na natural para mapababa ang lagnat ng ating mga anak. Narito ang ilang paraan paraan para makatulong magbigay ginhawa sa mga batang may lagnat:
Subalit bago ang lahat, naniniwala kami na kapag may sakit ang bata, dapat ay makipag-ugnayan muna at humingi ng payo sa kaniyang pediatrician para malaman kung anong dapat gawin at ang tamang gamot sa lagnat ng bata.
1. Siguruhing presko ang kaniyang suot
Kung hindi naman siya nilalamig, hindi tama na kumutan ang bata na nilalagnat. Kapag ginagawa ito, mas lalong tumataas ang temperatura at mas lalong iinit ang katawan. Kailangang malamigan ang kanyang katawan kaya bawasan ang layer ng kanyang suot para bumaba ang temperatura.
2. Hikayatin siyang uminom ng inumin
Siguraduhing nakaka-inom ng walong basong tubig ang batang may lagnat. Makakatulong ito para mailabas ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
3. Pakainin siya ng marami
Mas mabilis gumaling ang bata kung siya ay kumakain ng sapat. Mas mapalalakas nito ang kanyang katawan para mas mabilis siyang gumaling. Kaya naman mas mainam kung mainit na sabaw ang pakakainin.
4. Maligamgam na panligo.
Iwasang paliguan ng malamig na tubig ang iyong toddler. Paliguan ang bata ng ilang minuto gamit ang maligamgam na panligo.
5. Sponge bath
Kung ayaw syang paliguan, subukan ang maligamgam na sponge bath para mapababa ang kanyang lagnat. Pagkatapos ay bihisan agad ang bata para hindi na siya lamigin.
6. Cold Compresses
Ang paglalagay ng malamig na washcloth sa kanyang noo, pulso, at mga bahagi ng katawan kung saan malapit ang mga ugat sa balat. Ito ay makakatulong para maging presko ang kaniyang pakiramdam.
Kung ayaw niya uminom, bigyan siya ng ice cubes o ice chips na maaaring sipsipin. Makakatulong ito na ma-hydrate siya at mapalamig din.
BASAHIN:
#AskDok: Paano malalaman kung may lagnat ang bata?
10 pagkain na pampalakas ng resistensya kapag may lagnat
Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian
Dapat tandaan sa pagpapa-inom ng gamot sa bata kapag may lagnat
Kung paiinumin ng gamot ang bata, siguraduhing sundin ang payo ng doktor. Isa sa mga bagay na dapat alamin ay ang klase ng gamot na mayroon kayo, o kung ano ang dapat bilhin. Ani Dr. Perreras,
“Before you give the medication, dapat you have to check the preparation. minsan sinasabi ng parents, ‘syrup po ‘yong meron ako’ but actually if you look at the box ay drops ‘yon.
So ‘pag drop hanggang 2 years old very concentrated ‘yong forrmulation ng gamot. So 1 ml of a drop will have 100 mg versus versus mga mas dilute ang syrup.
‘Yong iba 120 per 5 ml. ‘yong iba 250mg per 5 ml. So number 1, be very careful. Be very careful of what you actually have or what you actually bought.”
Dagdag pa ng doktora, dapat ding tignan ang tamang dosage para sa anak. Kadalasan umano itong nakabase sa bigat ng bata. Payo niya,
“But best if you really ask your pediatrician what’s the safe range because if you overdose on paracetamol, depending on the those, pwedeng magkaroon ng liver failure young bata.
That’s one cause din for bringing a child to go to the emergency room if masyadong madami yung nainom ng bata kasi that could have long-term effects.
One thing I can really recommend to parents is to before you give any medication, you should check the preparation and check the dose. Because it is not a drug that has no side effects if you overdose it.
If you’re giving the proper dose, the proper time but still the temperature is not going down, baka kailangan talaga mas ma-assess yung bata. Baka may iba palang infection kaya hindi nawawala and lagnat.”
Dapat bang pagsabay-sabayin ang gamot?
May mga pagkakataon na ang lagnat ng bata ay may kasamang ubo at sipon. Kung minsan ay marami tayong pinaiinom sa ating mga anak bukod sa gamot sa lagnat. Narito ang payo ni Dr. Perreras upang hindi ma-overdose ang bata sa gamot:
“Best is to consult your pediatrician kasi kung minsan ita-take into consideration nya kung yong colds medicines ay may halo ng paracetamol. Don’t give any medications that you haven’t heard from your pediatrician. Kasi minsan, parang na-max out mo na pala ‘yong dose ng paracetamol.”

Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image from Unsplash
Kailan mo nga ba dapat dalhin ang iyong anak sa doktor?
Kadalasan, kung ang temperatura ng iyong anak ay mas mababa kaysa sa 38°C, maaari mong gamitin ang anim na gabay na nasa itaas upang maibsan ang masamang pakiramdam ng iyong anak.
Kaya naman, importanteng magkaroon ng body thermometer lagi sa bahay para sa mga panahong ganito para ma monitor mo ang temperature ni baby.
Depende sa edad ng bata, maaari mong malaman kung kailan ka dapat maalarma pagdating sa kanyang temperatura. Kapag dumating sa puntong ito, mas mabuti kung kumausap na ng pediatrician upang mabigyan na siya ng tamang prescription.
- Mula pagkapanagnak hanggang edad na tatlong buwan – kung ang kanyang temperatura ay umabot na sa 38°C (100.4°F) or mas mataas pa dito.
- Edad mula tatlong buwan hanggang anim na buwan – kung ang kanyang temperatura ay umabot na sa 39°C (102°F). Pansinin rin kung siya ay iritable or palaging inaantok.
- Mula anim na buwan hanggang dalawang taong gulang – kapag ang temperatura niya na 39°C ay hindi naiibsan sa loob ng isang araw, kailangan mo na siyang madala sa doktor. Obserbahan rin kung mayroon siyang pinapakitang ibang sintomas kagaya na lamang ng rash, ubo, o diarrhea. Kapag mayroon siya sa kahit alin sa mga nabanggit na sintomas, siguraduhing makausap agad ang kanyang pedia o dalhin sa pinaka malapit na ospital.
Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image from Unsplash
Para sa mga batang edad dalawang taon pataas, obserbahan ang kanyang temperatura. Kapag ito ay pabalik balik sa 40°C, tumawag agad sa kanyang pediatrician o pumunta sa pinaka malapit na ospital upang siya ay mapa-examine.
Kung ang lagnat ng bata ay tumagal ng tatlong araw o higit pa, o kaya naman ay hindi bumababa sa tulong ng home remedies at gamot sa lagnat na nireseta ng doktor, pumunta na sa pinaka malapit na ospital upang siya ay mabigyan ng tamang diagnosis at prescription.
Dalhin rin ang bata sa ospital agad-agad kapag ang kaniyang lagnat ay sinasamahan ng mga sumusunod na sintomas:
- pamumutla o kulay blue na labi, dila o mga kuko
- pagiging balisa at patuloy na pag-iyak
- ayaw uminom ng tubig
- kinokombulsyon (seizures)
- may senyales ng dehydration (kaunting ihi, walang luha kapag umiiyak)
- pananakit ng tiyan
- nahihirapang lumakad
- stiff neck
- nahihirapang huminga o hinihingal
- rashes na kulay purple na parang pasa
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa lagnat ng bata, huwag mahiyang kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak.
Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at isinalin ng may pahintulot mula sa theAsianparent Singapore .
Source:
WebMD, NHS, Arnold Palmer Hospital
Dagdag ulat mula kay Kyla Zarate
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!