Lalaki nahuli sa aktong niluluto ang paa ng kaniyang asawa

Nahuli umano ang suspek matapos mayroong nagreklamo ng kakaibang amoy na nanggagaling sa bahay ng mag-asawa.

Nahuli ng mga pulis ang Australian chef na si Marcus Volke sa aktong pinapakuluan ang paa ng kaniyang asawa.

May naamoy na kakaiba ang kanilang mga kapitbahay

Ayon sa mga ulat, nahuli ng mga pulis si Marcus Volke noong Oktubre 2014 na niluluto ang putol-putol na bahagi ng katawan ng kaniyang asawang si Mayang Prasetyo sa kanilang tahanan sa Brisbane, Australia.

Si Mayang ay isang Indonesian transgender woman na nakilala ni Volke sa Brisbane.

Sabi ng mga pulis na nakakita sa malagim na pangyayari, sila daw ay natimbrehan ng mga kapitbahay ng mag-asawa, dahil nakapansin sila ng mabahong amoy na parang nabubulok na karne mula sa bahay ng mag-asawa.

Pagdating ng mga pulis, hindi sila makapaniwala sa malagim na pangyayari.

Nagluluto lang daw siya ng baboy

Mula sa pahayag ng mga pulis, nakakita sila ng rubber gloves, bleach, at isang malaking kaldero kung saan nakita ang paa ng biktima.

Ayon sa isa pang ulat, tumawag pa daw umano ang suspek ng isang electrician, dahil nasira ang electric stove na di umano'y ginamit niya upang pakuluan ang kaniyang asawa. Aniya, umapaw daw ang kaniyang pinakukuluan at nasira ang electric stove. Sinabi pa niya sa electrician na huwag pansinin ang mabahong amoy, dahil nagluluto lang daw siya ng baboy.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek at pinatay ang kaniyang sarili.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang tunay na mga pangyayari na humantong sa pagkamatay ni Mayang.

May itinatagong buhay ang suspek

Dahil sa magulong lagay ng kaso, ngayong 2017 lang naisagawa ang inquest ukol sa kung ano ba talaga ang mga tunay na nangyari.

Napag-alaman ng mga pulisya na hindi lamang chef ang suspek ngunit isa rin daw siyang sex worker tulad ng kaniyang asawa. Di umano'y itinago ng suspek ang kasal nila ni Mayang sa kaniyang pamilya, at may itinatagong buhay ang suspek bilang isang escort.

Ayon pa sa imbestigasyon, mentally unstable daw ang suspek, at ito rin siguro ang nagdulot sa kaniya upang patayin ang kaniyang asawa, at sunod na patayin ang kaniyang sarili.

Source: channelnewsasia.comthesun.co.uk

READ: Man arrested for touching teenage girl inside jeepney

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!