X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

7 min read
Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunasLamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

Narito ang paliwanag ng doktor tungkol sa lamig sa katawan, ang sanhi nito, epekto, at kung ano ang posibleng maging lunas dito.

Lamig sa likod at katawan, narito ang paliwanag ng doktor tungkol sa “sakit” na ito at ilang lunas para dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang lamig sa katawan?
  • Sintomas ng pagkakaroon ng tinatawag na “Lamig o muscles spasms”
  • Paano matatanggal ang lamig sa katawan?

Pagod ako at nananakit ang katawan, naghahanap ako ng masahe. Karaniwang sasabihin ng kasama ko ay, “masahe lang ang katapat niyan.” Ang dami ko raw “lamig” sa likod, kaya ganon na lang ang sakit na nararamdaman ko. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lamig?

Totoo nga bang may kinalaman dito ang sobrang pagod na susundan kaagad ng paliligo. Nakukuha nga ba sa masahe at hilot ito?

lamig-sa-likod

Image from Freepik

Ano ang lamig sa katawan? 

Paliwanag ni Dr. Randy Dellosa, M.D., Psy.D., DO-MTP, psychologist at osteopath, ang tinatawag na “lamig” ay paninigas ng kasu-kasuan o muscular spasm. “Knots” at “nodules” ang pinakamalapit na Ingles nito.

Ito kasi ay ang parang bukol-bukol na karaniwang makakapa sa likod ng balikat at paligid ng spine. Sa kabuuan, ito ay ang masakit at pamamanhid ng ilang bahagi ng katawan, na sanhi ng hirap sa paggalaw. Bawat kibot kasi ay masakit. Tinatawag din itong ngalay ng iba.

Nakasanayan nang tawaging “lamig” ito kasi kapag hinawakan o kinapa, malamig ang pakiramdam ng bahaging masakit. Sintomas ito na hirap dumaloy ang dugo, oxygen, nerve impulses, pati na nutrisyon papunta sa mga bahaging apektado, dahil naninigas o naninikip ang mga muscles dito, paliwanag ni Dr. Dellosa. Kaya din masakit ito, dahil sa paninigas na ito ng mga muscles.

Nakasanayan nang tawaging lamig ito dahil ayon sa mga hilot dahil naninigas ang muscles sa ilang bahagi ng katawan dahil sa na-expose sa malamig na panahon, o buga ng malamig na hangin.

Maaari rin daw na nawalang ng init ang muscle kaya hindi dumaloy ang dugo, na nagbibigay ng init. Ang muscle spasm na resulta nito ay tinatawag ding myofascitis o trigger point ng mga mediko. Tinutukoy naman itong heat and cold energy imbalance ng ilang espesyalista. 

Hindi ito tinatawag na “lamig” ng mga doktor, bagkus ay pinapaliwanag na ito ay muscle spasm. Ang katawagang “lamig” ay ginagamit ng mga hilot, at mga naniniwala sa matandang kaugalian.

Sintomas ng pagkakaroon ng tinatawag na “Lamig o muscles spasms”

Nakasanayan nang tawaging “lamig” ito kasi kapag hinawakan o kinapa, malamig ang pakiramdam ng bahaging masakit.

Sintomas ito na hirap dumaloy ang dugo, oxygen, nerve impulses, pati na nutrisyon papunta sa mga bahaging apektado.

Sapagkat naninigas o naninikip ang mga muscles dito, paliwanag ni Dr. Dellosa. Kaya din masakit ito, dahil sa paninigas na ito ng mga muscles.

 Ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng lamig ay dahil sa mga sumusunod na gawi:

  • Mali ang iyong postura

Paano ka ba matulog? o umupo? Ang pagkuba o maling postura ay nagdudulot ng pagkaipit ng ating muscles at nagkakaroon ng “muscle contraction” o spasm ang  ating katawan.

  • Pagod

Minsan naman, ang sobrang pagtatrabaho o pag-eehersisyo na sinundan agad ng pagligo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng lamig. Dagdag pa riyan, ang pagbubuhat ng mabibigat.

  • Stress

Ang labis na pag-iisip ay nakakadulot ng stress kaya tuwing tayo ay nakakaramdam nito, nagiging aktibo ang stress response sa ating katawan kaya nagiging tense o naiipit ang muscles. Isa sa mga mararamdaman mo ay ang pananakit ng iyong likod, balikat o batok.

  • May iba pang muscular problem

Ang lamig sa likod ay maaaring magmula sa sakit sa spinal cord, nerves, o metabolic diseases (mataas na blood pressure, blood sugar, at abnormal cholesterol).

Paano matatanggal ang lamig sa katawan?

Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

Image from Freepik

May ilang rekumendasyon si Dr. Dellosa para dito.

1. Clinical Massage o pagmamasahe.

Unang solusyon para dito ay ang pagmamasahe, pero hindi ang karaniwang masahe lang. Pwede namang simulan muna ng iyong asawa o kasama sa bahay na marunong ng simpleng paghimas sa masakit na bahagi.

Halimbawa ng likod, pero dapat ay ituloy ng isang espesyalista. Gumagamit ng mga topical agents tulad ng Eucalyptus oil o luya at langis, dahil ang mga ito ay nagbibigay ng init sa katawan.

Partner Stories
More fun and yum with Belle and Maya in the kitchen
More fun and yum with Belle and Maya in the kitchen
Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna  healthy and happy!
Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna healthy and happy!
Have You Heard of the 4 Pillars of Healthy Development? Here’s What You Need to Know...
Have You Heard of the 4 Pillars of Healthy Development? Here’s What You Need to Know...
So Sure Bladder Leakage Pad and Birthing Beginnings Empower Parents with a Child Birth  Preparation Workshop
So Sure Bladder Leakage Pad and Birthing Beginnings Empower Parents with a Child Birth Preparation Workshop

Kapag nga naman malamig, dapat painitin, hindi ba?Ang pagkakaiba ng spa massage sa clinical massage ay pinaliwanag din ni Dr. Dellosa.

Sa spa, ang masahe ay para pampa-relax ng mga muscles, na karaniwang dahilan ay stress. Ang clinical massage ay paggamot sa mga musculo-skeletal at postural problems.

Sa clinical massage therapy, inaalam muna ang mga problematic area, saka sinusuri ng doktor ang buong katawan, saka mabibigyan ng angkop na lunasm tulad ng deep tissue massage,postural release therapy, trigger point therapy, myofascial release, lymphatic drainage, at iba pa.

Mabisa din ang medicated patches para mapainit ng panandalian man lang ang malamig na bahagi.Clinical man o spa, makakatulong ang regular na masahe para madurog ang mga namumuong lamig sa likod.

Paalala lang ni Dr. Dellosa, ang masahe ay hindi kailanman dapat na masakit. Hindi dapat “dinudurog” ang mga “lamig” o bukol sa katawan, at hindi dapat na “nabubugbog” dahil mas makakasama ito imbis magpagaling.

Mas mabuting kilalanin ang magmamasahe, at mas maiging scientific ang pamamaraan, at espesyalista ang gagawa. Kapag nakakaramdam na ng mas maigting na pananakit habang minamasahe, ipatigil agad ito.

2. Acupuncture at ventosa (Chinese cupping Method).

Ang dalawang ito ay kilalang Eastern o Chinese Medical treatments, na mga espesyalista at lisensyadong Chinese doctors lang ang pwedeng magsagawa.

May mga nakapag-aral na rin ng Ventosa cupping method, o ang paggamit ng mga cup o baso para masipsip ang lamig at toxins ng katawan na namuo, pero bago ang lahat ay alamin muna kung subok ngang espesyalista ang gagawa nito dahil ito ay hindi ordinaryong pamamaraan ng paggamot.

3. Pinakuluang dahon ng kamias.

Sabi ng mga matatanda at ng mga hilot, makakatulong daw ang paliligo ng tubig ng pinakuluang dahon ng kamias. Wala namang masama kung gagawin ito.

May herbal healing properties din kasi ang dahon na ito. Nilalaga lang ang ilang dahon ng kamias ng hanggang 20 minuto, saka ipinanliligo sa katawan.

lamig-sa-likod

Image from Freepik

Kasama ng anumang paggamot, mahalaga ang may sapat na ehersisyo para maging malakas ang katawan at mabanat ang mga muscles natin. Kapag hindi rin kasi nababanat at nagagalaw, nagiging sanhi ng pangangalay at pamamanhid.

Kung ito ay “lamig” lamang, na isang pansamantalang muscle spasm, walang dapat ikabahala, at may mga lunas na maaaring gawin para maibsan ito. Basta’t maibalik ang maayos na sirkulasyon ng dugo, babalik ang init at mawawala ang lamig.

Kapag ang lamig o pananakit nito ay palaging bumabalik, lalo na sa iisa o parehong bahagi ng katawan, posibleng sintomas ito ng “joint instability” o “misalignment” ng buto. Isang chiropractor o doktor sa buto ang maaaring makatulong sa iyo.

Tandan kapag nakakaranas ng anumang pananakit ng katawan ay huwag mahiyang tumawag o magpakonsulta sa inyong doktor. Upang malaman ang inyong dapat gawin.

Source: 

Randy Dellosa, M.D., Psy.D., DO-MTP, psychologist at osteopath; Michel Yves Tetrault, MD, chiropractor, Chiropractor Journals;

Mayo Clinic, Healthline, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas
Share:
  • Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

    Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

  • May pasa ang bata? 12 sintomas na dapat bantayan kapag nangyari ito

    May pasa ang bata? 12 sintomas na dapat bantayan kapag nangyari ito

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

    Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

  • May pasa ang bata? 12 sintomas na dapat bantayan kapag nangyari ito

    May pasa ang bata? 12 sintomas na dapat bantayan kapag nangyari ito

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.