Ano nga ba ang larawan ng masustansyang pagkain para sa mga bata?
Sa isang bahagi noong summer ang aking 2-anyos na anak ay nagsimula na sa paghingi ng snack araw-araw mula 9:00am ng umaga. Kahit hindi ko lubos maisip na ito ang kaniyang ire-request sa akin dahil kakatapos lamang naming kumain ng agahan ng 8:35 ng umaga. Ano nga ba ang larawan ng masustansiyang pagkain para sa mga bata?
Tuwing 9:00am, gusto ko sanang maging occupied ang isip ng aking mga anak sa pagbabasa ng libro o paglalaro. Habang nagliligpit ako ng kanilang pinagkainan, at pag-unload ng dishwasher, o kahit sana mabuksan lamang ang aking laptop upang makapagtrabaho saglit. Pero nang aking batang anak na babae, si Beatrix, nang napansin niyang wala na ang full-attention ko sa kaniya ay lagi nang nanghihingi sa akin ng cookie bar. Kaya naman binigyan ko siya. Pagkatapos sinubukan kong bumalik sa mga ginagawa ko. Makalipas ang 20 minuto, nanghihingi naman siya ng piraso ng keso, at panibagong piraso ng keso, at blueberries.
Ano nga ba ang larawan ng masustansyang pagkain para sa mga bata?
Pagsapit ng 10:30am, kung saan tingin ko ang tamang oras para sa snack, naubos na ng anako ko ang tatlo o apat na courses at handa na siya para sa limang piraso ng cookie. Pagdating naman ng 11:45, nag-tantrum siya para sa lunch hanggang sa hinagisan ko siya ng applesauce pouch. Nang sumapit na ang tangahalian sa aming lamesa ng 11:58. Tumanggi na siya at sinabing busog na siya sa kaniyang kinain. Naging ganito na ang aming daily pattern sa loob ng dalawang buwan.
Mga nangyari sa nakalipas na dalawang buwan
Lagi akong nagsusulat para tungkol sa relasyon ng mga bata sa pagkain at partikular na sa pagkain nila ng kanilang mga snack. Pagsapit ng Agosto, inaamin kong Nawala na ang plot ko para pagpapakain ng snack para sa kaniya. Bago kasi mangyari ang pandemic, pumapasok ang mga bata sa eskuwelahan, at ako’y pumapasok sa trabaho.
Nakakatulong ito upang ma-determine natin kung kailan kakain at gagawin ang iba pang mga bagay. Ngayon kasi wala na tayong structure.
“My 6-year-old has eaten so many Cheez-Its, I guess I’m sending the owner’s children to college,” ayon ito kay Emily Gardner, 43-anyos, isang nanay sa dalawang anak sa Nitro. Sinabi niya ito sa akin nang tinanong ko sa akin sa Instagram account na ibahagi ang kanilang snacking stories.
“There’s no sitting at the table for lunch anymore,” kuwento pa ni Camie Manning, 34-anyos, isang nanay sa dalawang anak sa Alcoa, Tenn. “There are just kids running around with pizza rolls.”
Kung tutuusin hindi na ito isang larawan ng masustansyang pagkain para mga bata. Kaya paano ba natin maibabalik ang mas mainam na eating habits nila. Habang wala pang malinaw kung kailan matatapos ang pandemic sa buong daigdig?
Pagkain ng snacks ng mga bata: Alisin ang snacks at palitan ito ng isang meal
Una, dapat alam natin na normal lamang na kumain ng mas maraming snacks ang mga bata sa bahay. Maaaring nagse-self soothing lamang sila sa pagkain, na hindi naman, hindi ito healthy. Para sa 7-anyos kong anak na gusting kumain lagi ng M&Ms habang nanunuod siya o nagbabasa ng graphic novels tuwing hapon sa kaniyang “quiet time.” Gusto ko ang nararamdaman niyang comfort sa ganitong routine.
“Maaari ring laging gutom ang inyong mga anak kapag siya’y nasa bahay dahil wala ang ilan mga distraction at short meal breaks katulad sa isang typical school day.” Ayon ito kay Elizabeth Davenport, isang dietitian sa Alexandiria, Va., co-awtor ng blog na Sunnyside Up Nutrition patungkol sa feeding families.
Ini-intervene mo lamang ang pagkain ng snacks na iyong anak kung naging pattern na ito. At napapalitan nan nito ang regular meals sa lamesa. “We want kids feeling some gentle hunger before eating because this helps them self-regulate,” sinabi ito ni Megan McNamee isang dietitian sa Scottsdale, Ariz., at co-founder ng Feeding Littles. Isa itong kumpanya na nag-o-offer ng mga online courses para sa pagpapakain ng mga baby at toddlers.
“With grazing, they have this baseline level of not really hungry but not really full all day long, and can lose their hunger to eat with the family and try new foods. Plus food just tastes better when you’re hungry.”
Para sa season na ito si Davenport at McNamee parehas na naniniwala na mahalaga kung saan at kailan kumakain ng snacks ang isang bata. Hindi mo dapat i-expect sa iyong anak na hindi kumakain ng 3-4 oras. Tandaan ang isang toddler ay kinakailangang kumain kada dalawang oras. Kaya naman planuhin kung kailan papakain ng meal o snacks ang isang bata. “Think of this as a flexible routine, rather than a rigid schedule,” wika ni McNamee.
Para naman umano sa mga medyo may edad na bata
Ang pagpapakain sa mga medyo may edad na bata mas mainam umano na magkaroon ng isang schedule. Makakatulong ito para sa isang larawan ng masustansyang pagkain ng isang bata. Mas maganda rin na ipakita ito sa kanila at sabihin ang oras kung kailan sila kakain.
Para sa mga toddler pwedeng kausapin sila sa pamamagitan ng mga activitiy. Kumain ng agahan, maglaro sa labas, kumain ng snack, magbasa, at kumain ng tanghalian.
Siyempre, maaaring tumanggi at magprotesta ang iyong anak sa transition na ito. Kaya minumungkahi na huwag i-shift ang kanilang eating schedule at food choices ng sabay. “Remember that structure doesn’t mean restriction,” sabi pa ni Davenport.
Hayaan niyong malaman ng mga bata na puwede silang kumain kung gusto nila kapag kumakain sila ng snack o meal. Kumakain ng snack kadalasan ang mga bata sa bahay kung saan madalas restrictive ang magulang tungkolr rito. Ayon ito sa analysis ng 47 na studies patungkol sa food parenting practices; na nailathala sa pagitan ng 1980 at 2017. Mag-offer ng kanilang paboritong pagkain kasabay ng mga pagkaing nais mong ipakain sa kanila. Pero huwag kang maiinis o magagalit kung hindi agad nila kakainin o mauubos ang prutas halimbawa na iyong binigay kaysa sa isang cookie.
“Kids are just like adults; they want what they can’t have,”
Pinaliwanag ito ni Jill Castle, isang dietitian at co-author ng “Fearless Feeding.” Dagdag pa niya, “Your goal is to raise kids who can walk past the M&M jar and sometimes say, ‘nah, not into it today.’ And sometimes say, ‘yup, today I want some!’ And not be triggered by either response.”
Kapag nasanay na ang mga bata sa eating schedule nila, maaari kang nang mag-offer ng iba pang choices sabi ito ni Davenport. Halimbawa, “would you like peanut butter and apples or cookies and milk?” Huwag mong i-stress ang sarili mo kung pinipili nila ang katulad na snack araw-araw. Normal lamang sa mga bata na dumaan sa ganitong phase kung saan may intense silang gusting pagkain. Kinalaunan matutunan din nilang kumain ng mga bagong pagkain.
“Parents put so much pressure on themselves to serve something different for every single meal, and you just don’t have to do that,” dagdag pa ni Davenport.
Gawing sit-down affair ang pagkain ng snacks
Ang pinakamadaling paraan upang mag-stick ang iyong mga anak sa kaniyang eating schedule. Dapat klaro ang rules mo patungkol rito. Ito ang naging pagkakamali ko nang binigyan ko ng cookie bar ang aking anak na si Beatrix ng 9:00am. Habang sumasayaw siya sa loob ng aming bahay habang tumutugtog ang soundtrack ng “Moana.”
Maaari ring magkaroon ng problema para sa mga bata kung palagi silang kumakain sa harap ng screens dahil sa distraction na nalilika nito. Hindi kasi napapansin ng isang bata o nasasabi na sila pala ay busog na o nabubusog na.
Upang maitama ang aming morning snack-athon, inimungkahi ni McNamee na i-move muna ng dalawang araw ang snacks nito, pero gawin itong sit-down affairs. “You can change up the location; have one at the table, and one on a blanket on the floor of the living room,” sabi niya. “But if she’s sitting and having a substantial mini-meal, she’ll feel more satisfied.” Dagdag pa niya.
Kapag siya’y handa na umalis at hindi kumain sa table, maaari ko nang i-emphasize na tapos na kaming kumain at hanggang sa susunod namin ulit na pagkain o meal.
Ni-note din ni McNamee na mas nagiging pokus sa pagkain ang mga bata kung may kasabay silang matatanda. Isa itong unwelcome advice kung ikaw ay nagtatrabaho sa bahay at kulang sa tamang balanse ng child care ngayon. Pero kung ise-set mo ang small breaks sa iyong mga Zoom schedule at kumain ng snacks o meal kasama ang iyong anak. Mababawasan ang iyong stress at mai-improve nito ang mood ng bawat isa. Kung alam mong hindi ito ang isa sa puwede mong option.
Puwede mong i-consider ang pag-pack ng lunches at snacks ahead of time. Para maging responsable rin ang iyong anak at maging independent. Para naman sa mas matatandang bata, mag-designate ng fridge o shelft sa pantry. Kung saan pwede silang kumuha ng kanilang snack. Sa pamamagitan nito magkakaroon ka ngayon ng isang larawan ng masustansyang pagkain ng iyong mga anak habang nasa ganito pa tayong sitwasyon.
“Then you can say, ‘grab yourself a yoghurt and some Cheez-its and find a place to sit and have your snack,”
Dagdag pa niya, “This way, you’re still providing structure but giving them more responsibility. We’re all juggling so many roles right now — it makes sense to give kids a little more autonomy around food than you might otherwise.”
“How to Tame Your Snack Monster” ni Virginia Sole-Smith © 2020 The New York Times Company
Virginia Sole-Smith ay awtor ng “The Eating Instinct: Food Culture, Body Image and Guilt in America,” at co-host ng Comfort Food Podcast.
Ang istoryang ito ay orihinal na nailathala noong 15 Setyembre 2020 sa NYT Parenting.
Isinalin sa wikang Filipino ni Marhiel Garrote
BASAHIN:
Is your kid a picky eater? Boost her appetite with these 10 foods!
Anak na pihikan sa pagkain, narito ang dapat mong gawin!
Paano mapakain ng gulay ang batang pihikan sa pagkain?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!