“All-Out Support”: How Lea Salonga Embraced Her Trans Son Nic—and Tips for Parents Too

lead image

Broadway star and proud mom Lea Salonga gets real about raising her trans son Nic with love, respect, and total acceptance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilala si Lea Salonga bilang isang global star—but behind the spotlight, she’s simply a mom who wants her child to feel safe and seen. Sa isang recent interview, ibinahagi niya ang kwento ng kanyang anak na si Nic Chien, at kung paanong buong puso niyang tinanggap at sinuportahan ang transition ng anak bilang isang trans man.

Lea Salonga to his son: “I Just Want Him to Feel Safe”

Sabi ni Lea, bilang magulang, hindi mo puwedeng i-impose kung ano ang tingin mong tama—kundi intindihin mo kung ano talaga ang kailangan ng anak mo.

“You have to raise your child the way they need to be raised,” ani Lea.
“I want my child to feel safe and strong and ready to conquer the world on their own terms.”

Hindi naging overnight ang process. Pero imbes na i-resist ang mga pagbabago, pinili ni Lea na maging safe space para kay Nic.

Nic’s Journey: “There Were a Lot of Tears”

Nagsimulang i-express ni Nic ang kanyang identity bilang transmasculine noong 14 years old siya. Mahaba at emosyonal ang journey niya, sabi niya—maraming iyakan, maraming self-reflection.

“It took a while. A lot of crying,” ani Nic.
“Pero she [Lea] just didn’t want life to be harder for me.”

Ang pinakaimportanteng part? Hindi siya pinabayaan. Laging open ang communication nila sa pamilya. Never niyang kinailangang itago ang nararamdaman niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sometimes I feel alone, but I’m not,” dagdag ni Nic.
“It really helps to have people in your corner.”

Theater Bonding: Into the Woods

Exciting news din para sa fans ng theater: magkakasama sa isang play sina Lea at Nic ngayong August! Gaganap si Lea bilang Witch at si Nic bilang Jack sa Philippine production ng Into the Woods

Para sa mga magulang: Tips on supporting your LGBTQ+ kids

Kung parent ka at may anak na dumadaan sa identity journey niya, eto ang ilang tips na puwedeng makatulong—mula sa pinakita ni Lea at mga experts:

1. Makinig, hindi husgahan.

Hindi mo kailangang agad maintindihan ang lahat. Pero ang pinakaimportante? Makinig ka. Hayaan mo silang magsalita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Use their chosen name and pronouns.

Ito ay isang simpleng act ng respeto na napakalaking bagay para sa kanila.

3. Educate yourself.

Magbasa, makinig sa stories ng iba, o makipag-usap sa experts para mas maintindihan ang pinagdaanan ng anak mo.

4. Be patient.

Transitions and identity exploration take time—for both the child and the parent. Okay lang malito, basta ‘wag mong isarado ang puso mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Let them know they are loved—unconditionally.

Ang pinakaimportanteng assurance na maibibigay mo ay ang pagmamahal mong walang kondisyon. Kahit anong mangyari, ikaw ang kakampi nila.

Final Thoughts

Ang kwento nina Lea at Nic ang paalala sa ating lahat na walang kapalit ang pagmamahal at suporta ng isang magulang. Hindi man madali ang daan, pero kung puno ito ng acceptance, tiyak na magiging mas magaan ang paglalakbay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Let love lead. 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Marhiel Garrote