LINEA NIGRA: Mga mahalagang kaalaman tungkol sa linya sa tiyan ng buntis

Share this article with other moms

Naranasan niyo bang magkaroon ng linya sa tiyan habang nagbubuntis? Alamin kung ano ang sanhi at ibig sabihin nito...

Ang pagbubuntis ay maraming naidudulot na pagbago sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang babae. Maliban sa mga emosyonal na aspeto, marami ring pisikal na pagbabago. Importanteng malaman ang mga bagay na ito para iwasan ang pag-aalala at para rin maagapan ang mga maituturing na hindi "normal" na pagbabago.

Isa sa mga ito, na pag-aaralan natin ngayon, ay ang tinatawag na Linea Nigra. Ito ay isang maitim na linyang pahaba na karaniwang nakikita sa tiyan, pusod at puson.

Ayon sa WhatToExpect.com, hindi naman daw nawawala ang linya na ito, mas nahahalata lang ito kapag buntis dahil sa natural na pag-itim nito pagdating ng 23 na linggo ng pagbubuntis.

photo: dreamstime

Dahil daw ito sa mga "pregnancy hormones," na nagpapaitim din sa "areola ng nipples." Kapag daw hindi maitim ang linea nigra, tinatawag itong Linea Alba o "white line."

Dahil sa hyperpigmentation na dulot ng mga hormones pagbuntis ka, maaaring umitim din ang mga bahagi ng mukha mo. Ang tawag dito ay chloasma, o "mask of pregnancy."

Hindi dapat ikabahala ang pag-iba ng kulay ng balat o mukha dahil normal ito sa buntis. Mawawala din ito makaraan ang ilang buwan matapos kang manganak.

Paano mababawasan ang pag-itim ng balat?

Puwede mong bawasan ang pag-itim sa pamamagitan ng pagsuot ng long sleeves at mahabang palda o pantalon. Gumamit ng sunblock na at least SPF 15. Puwede mo ring subukan lagyan ang tiyan mo ng cocoa butter o Vitamin E gel.

Kumain ng maayos. Ayon sa mga eksperto, maaaring lumala ang pag-itim ng balat dahil sa kakulangan sa folic acid. Makakatulong ang folic acid supplements pero makakatulong lalo ang healthy diet. Ugaliing kumain ng gulay, prutas tulad ng orange, at cereals o whole wheat bread, para rin sa pangkalahatang kalusugan mo at ng magiging baby mo.

READ: 10 Strange pregnancy changes you might not have known about

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Sign up for the

Your weekly Pregnancy guide

Receive weekly personalized updates on your pregnancy! More details on the Plus One here

Pregnancy Pregnancy Concerns