10 Long weekends na dapat abangan sa 2020

Check out this calendar to know the 2020 calendar holidays and long weekends to look forward to and of course plan your trip with your family.

Nagpla-plano na ba ng mga bakasyon sa parating na taong 2020? Kung oo, tutulungan naming dumali ang pagplano mo. Ngayon palang, ibabahafi na namin ang mga holidays ay long weekends sa 2020 sa Pilipinas.

Bagaman hindi pa opisyal ang listahan ng 2020 holidays sa Pilipinas, mabibigyan ka parin nito ng clue kung kailan magfa-file ng leave sa trabaho para ma-enjoy ang bakasyon mag-isa man o kasama ang pamilya.

Maaaring magbago ang mga petsang ito depende sa anunsyo ng mga opisyal ng Malacañang Palace. Mangayaring regular na tignan kung magkakaroon ng updates.

Sa ngayon, tignan ang listahan ng 2020 holidats sa Pilipinas. Simulan na ang pagpili ng mga petsa para sa iyong bakasyon.

Long weekends sa 2020

Disyembre 30, 2019 – Enero 1, 2020

Ito ang siguradong pinakamahabang long weekend para sa bagong taon. Ang ika-28 at 29 ng Disyembre ng 2019 ay pumatak sa Sabado at Linggo.

Ang ika-30 ng Disyembre ng 2019 ay Rizal Day. Bisperas naman ng bagong taon ang ika-31 ng Disyembre 2019 sa Martes. Panghuli, ang ika-1 ng Enero 2020, araw ng bagong taon, ay Miyerkules.

Ito ay siguradong magandang New Year’s long weekend para magbakasyon kasama ang pamilya.

Abril 9, 2020 – Abril 12, 2020

Isa pang long weekend na dapat antayin para sa taong 2020!

Ang ika-9 ng Abril 2020 ay parehong Araw ng Kagitingan at Huwebes Santo. Mula ika-10 hanggang ika-12 ng Abril ay Biyernes Santo, Sabado de Gloria, at Linggo ng Pagkabuhay. Siguradong isang mahabang holy weekend na dapat abangan!

Maaaring magplano ng soul-searching o meditation trip para sa sarili. Maaari rin kasama ang pamilya sa mga probinsya at magpunta sa mga simbahan tulad ng nakasanayan.

Mayo 1, 2020 – Mayo 3, 2020

Halos lahat ay gusto ang nagbabakasyon mula sa busu na trabaho. Dahil dito, marami ang natutuwa sa ika-1 ng Mayo para sa Araw ng mga Manggagawa.

Ang ika-1 ng Mayo ay papatak sa Biyernes. Dahil dito, Sabado at Linggo naman ang ika-2 at ika-3 ng Mayo.

Masmahabang Labor Day Getaway para sa barkada o pamilya!

Hunyo 12, 2020 – Hunyo 14, 2020

Ang ika-12 ng Hunyo na Araw ng Kalayaan ay papatak sa Biyernes. Sa gayon, ang ika-13 at ika-14 ng Hunyo ay papatak sa weekend.

Isa pang long weekend para sa getaway o baka para sa staycation, lalo na kung tinatamad magmaneho o lumipad.

Hulyo 31, 2020 – Agusto 2, 2020

Hindi pa opisyal na Eid Al-Adha ang ika-31 ng Hulyo lalo na’t maaari itong ma-reschedule depende sa Muslim calendar.

Ganunpaman, ang ika-31 ng Hulyo ay papatak sa Biyernes kaya isa nanamang long weekend sa ika-1 at ika-2 ng Agusto. Road trip para sa long weekend na ito?

Agusto 21, 2020 – Agusto 23, 2020

Ang Ninoy Aquino Day ay papatak sa Biyernes sa susunod na taon. Dahil dito, ang ika-22 at 23 ng Agusto ay Sabado at Linggo.

Isa nanamang long weekend para gawin ang adventure na matagal mo nang gustong gawin!

Agusto 29, 2020 – Agusto 31, 2020

Dahil ang Araw ng mga Bayani, ika-31 ng Agusto, ay Lunes, ang ika-29 at 30 ng Agusto ay papatak sa weekend.

Ang staycation o pagpapahinga sa trabaho ay maganda sa mga petsang ito.

Nobyembre 28, 2020 – Nobyembre 30, 2020

Tulad ng alam natin, ang ika-30 ng Nobyembre ay Bonifacio Day, at ito ay papatak sa Lunes. Ibig sabihin, ang ika-28 at 29 ng Nobyembre ay weekend.

Isang staycation ulit kasama ang pamilya o roadtrip pauwi ng probinsya para bisitahin ang mga kamag-anak!

Disyembre 24, 2020 – Disyembre 27, 2020

Gusto bang mag out-of-town kasama ang pamilya sa sunod na pasko? Ito na ang iong pagkakataon dahil ang pasko 2020 ay papatak sa napakahabang long weekend.

Ito na ang pagkakataon para gawin ang out-of-the-country kasama ang pamilya na matagal mo nang gustong gawin!

Disyembre 30, 2020 – Enero 3, 2021

Tulad ng weekend sa pasko, ang weekend ng bagong taon ay mahaba din para magbakasyon!

Ang ika-30 ng Disyembre na Rizal Day ay magiging Miyerkules. Huwebes naman ang bisperas ng bagong taon na ika-31 ng Disyembre, habang Biyernes ang ika-1 ng Enero. Dahil dito, ang mga susunod na araw ay weekend.

Isa ulit trip para sa iyo at sa iyong pamilya sa labas ng bansa o sa mga probinsya para bisitahin ang mga kamag-anak!

Ito ang magandang infographic ng mga long weekends sa 2020!

Source: Public Holidays Global, Office Holidays

Basahin: Why it’s important for moms to have a guilt-free ‘vacation’ from their kids