X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LIST: Top 8 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Gusto mo ba ng pregnancy glow habang nagdadalang-tao? Basahin at alamin kung ano ang dapat na gamiting lotion para sa buntis.

Handa ka na ba summer body kahit na preggy mommy ka na? Gusto mo ba ng glowing skin habang nagbubuntis? Narito ang list ng mga lotion para sa buntis na suitable sa iyong skin. Basahin ang alamin ang ilan naming tips para sa healthy skin ng isang buntis.

 

Table of Contents

  • Tips para sa healthy skin
  • Mga benepisyo ng lotion
  • Top 8 lotion para sa buntis
  • Mama’s Choice Stretch Mark Cream
  • Buds & Blooms Review
  • Morrison Review
  • Mustela Review
  • Cetaphil Review

Tips para sa healthy skin ng pregnant mommy

1. Pag-inom ng walong basong tubig o higit pa sa isang araw

Nirerekomenda ang pag-inom ng hindi bababa sa walong basong tubig kada araw para maging hydrated ang isang buntis lalo na kapag mainit ang panahon.

Malaki ang naitutulong nito hindi lamang sa mga body organ sa loob ng katawan pati na rin sa balat. Ang taong well hydrated ay nagkakaroon ng sapat na noisture sa balat.

lotion para sa buntis

Lotion para sa buntis | Image from iStock

2. Paggamit ng mild soap na may natural ingredient at moisturizer

Alam niyo ba na isa sa nakakadamage ng balat ng isang buntis ay ang paggamit ng sabon na may matapang na chemical. Humanap ng produktong mild at gently na suitable sa inyong skin type para maiwasan ang dryness at skin damage na dulot ng harsh chemical sa balat.

3. Kumpletong tulog at sapat na pahinga

Maraming benepisyo ang makukuha kapag kumpleto ang tulog ng isang tao. Bukod sa maayos na pag-iisip kapag kumpleto ng tulog ang isang tao, gumaganda rin ang kaniyang aura o inner glow.

Nagre-reflect ito sa kanyang skin. Kaya naman nagkakaroon ng kakaibang glow ang isang taong kumpleto ng tulog at pahinga.

4. Pagkain ng masustansya na mayaman sa Vitamin E

Ang vitamin ay isa sa nutrients na nagpapatibay ng ating immune system at nagbibigay proteksyon sa ating balat para labanan ang free radical cells na dahilan ng skin cancer.

Kumain ng green leafy veggies tulad ng spinach at broccoli. Kumain din ng avocado, mga nuts gaya ng peanuts, almond, hazelnut at iba pa. mayaman rin sa Vitamin E ang sunflower seed, soybean product tulad ng tokwa at taho, manga, singkamas, at kiwi.

BASAHIN:

5 best feminine wash in the Philippines you can use while pregnant

LIST: Top 7 stretch mark creams for every budget

LIST: Top 6 best nipple cream for breastfeeding in the Philippines

5. Pag-iwas sa stress

Number 1 na nakakasira ng ating balat ang stress. Kapag stress ang isang tao, bumabagsak ang kaniyang immune system at nagiging dahilan ito ng dehydration na naglelead sa dry skin. Mas mainam kapag buntis ang pag-iisip ng mga bagay na nakakaiwas ng stress.

Humanap ng magandang libangan upang kalimutan ang sanhi ng stress at mag-isip ng mga magagandang bagay habang nagbubuntis.

6. Iwasan ang paliligo ng mainit na tubig o hot bath

Kung nais maligo ng hot bath, ipagpaliban muna ito hangga’t maaari. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig. Huwag ding tagalan ang paliligo upang hindi maalis ang natural moisture ng balat.

7. Gumamit ng Sunblock

Ang paggamit ng sunblock kung summer time ay may magandang benepisyo sa balat. Maglagay ng sunblock na may tamang SPF na safe sa buntis upang maiwasan ang skin damage lalo na kung may family outing na pupuntahan o may outdoors activity na gagawin.

8. Moiturize your skin

Gumamit ng moisturizing lotion na safe sa inyo ni baby. May mga produkto na angkop sa skin type at skin needs. Mas magandang gumamit nito sa araw-araw pagkatapos maligo upang malock-in ang moisture sa katawan.

May mga rekomendadong lotion para sa buntis ang maaaring gamitin magkaroon ng sapat na moisture sa balat.

Lotion para sa buntis

Lotion para sa buntis | Image from Shutterstock

Mga benepisyo ng lotion para sa buntis

Ang lotion ang isa sa mga skin care product na kailangan ng isang tao. Hindi lamang para magbigay ito ng moisture sa katawan, kundi para maiwasan ang ilang skin disease na sanhi ng dry skin at infection sa balat.

Lotion din ang isa sa top product na madalas binibili natin bilang mommy bukod sa sabon, shampoo, at toothpaste.  Ito ang mga dahilan kung bakit kailangang gumamit ng lotion ang isang tao lalo na kung siya ay nagbubuntis:

1. Para maiwasan ang dry skin

Isa sa kalimitang dahilan ng skin disease ay nagsisimula sa dry skin. Protektahan ang balat, at ugaliing gumamit ng lotion upang magkaroon ng moisture sa balat at maging hydrated ito.

2. Para malimitahan ang pagkakaroon ng stretchmarks

Ang stretchmarks ay parte na ng pagbubuntis at  base ito sa skin type. Pito sa sampung buntis ang nagkakaroon nito. Kaya naman nirerekomenda ng mga OB ang paggamit ng lotion. Hindi lang nagbibigay ng moisture sa balat, maiibsan din ang  stretchmarks habang nagbubuntis.

3. Nagpapakinis ng balat

Gusto natin bilang mommy na mayroon din tayong makinis na balat.  Para naman maisuot natin ang paborito nating dress kapag tayo ay lumalabas o namamasyal. May mga lotion na may formula na nagbibigay ng makinis na balat at inaayos ang rough skin sa katawan.

4. Nakaka-relax

Ang ilan sa lotion para sa buntis ay may mild scent na nakaka-relax sa sinumang gagamit nito. Hindi lang balat ang kinukundisyon nito, maging ang isip at pakiramdam. Kaya masarap itong gamitin pangmasahe habang nagpapahinga pagkatapos maligo.

5. Nakakaglow ng skin

Nagiging glowing ang siin ng isang bunyis kapag alaga ang balat. Sa paglalagay ng lotion, pinapakinis at nirerestore nito ang damaged skin kaya naman nanunumbalik ang sigla at glow ng skin.

6. Anti-Aging

Ang well hydrated na skin isa sa mga factor para maiwasan ang maagang pagkulubot o wrinkles sa balat. Sa tulad nating palaging mainit ang klima, mas madali masira ang cells ng balat.

Kaya naman mabilis itong madehydrate at kumulubot.  Maiiiwasan ito kung gagamit ng lotion na may moisturizer. Pumili ng brand na may tamang SPF.  Ang SPF ay nagpoprotekta sa skin laban sa harmful na dala ng uv-rays na galing sa araw.

7. Nilalabanan ang skin diseases at skin cancer

Ang malusog na balat ay nangangailangan ng tamang lotion sa katawan. May mga lotion na ginawa para sa iba’t ibang uri ng skin type at kung para saan ito gagamitin.

Karaniwang ginagamit ang lotion na may tamang SPF upang maiwasan ang sunburn at skin cancer.

 

Top 8 lotion para sa buntis

Top 8 lotion para sa buntis
product image
Stretch Mark Cream
Best Lotion
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee
product image
Buds & Blooms Belly's Collection Care Set
more info icon
View Details
Bumili sa Edamama
product image
Morrison Stretch Mark Cream
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Mustela Clearance Hydra Bebe Body Lotion
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Mustela Soothing Moisturizing Body Lotion
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Morrison Stretch Mark Cream + Collagen Whitening Body Lotion
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Cetaphil Brightening Lotion
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada
product image
Cetaphil Daily Advance Ultra Hydrating Lotion
more info icon
View Details
Bumili sa Lazada

Mama’s Choice Stretch Mark Cream

LIST: Top 8 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Ang pagbubuntis ay isa sa pinaka-nakakasabik na pangyayari sa isang pamilya. Kaya naman, ugaliing magsaliksik ng mga produktong siguradong ligtas gamitin hindi lamang para sa ina, kundi para rin sa sanggol. Ang Mama’s Choice Stretch Mark Cream ay gawa sa mga natural na produkto upang maiwasan ang anumang negative side effect. 

 
Ingredients

Ang cream na ito ay sagana sa shea butter, olive oil, at jojoba oil na nakakatulong sa produksyon ng collagen. Mayaman din ito sa lipobelle soyaglycone at aloe vera na nakakatulong sa skin elasticity at napapanatiling malambot at hydrated ang balat. 

Paano ito gamitin?

Isa sa mga kaabikat ng pagbubuntis ay ang pagkakaroon ng stretch marks. Hindi ito kumpletong maiiwasan at walang tiyak na lunas para dito. Ngunit maaring mabawasan ang epekto nito kung gagamit ng mga produktong makakatulong sa pag-lighten nito. Ugaliing gamitin ang Mama’s Choice Stretch Mark Cream para mapanatiling malusog ang balat.

Simple lamang ang paggamit nito. I-massage sa tyan at iba pang apektadong parte sa umaga at sa gabi. Siguraduhing circular ang pag-masahe upang mapanatili ang magandang sirkulasyon ng dugo.

Maari nang gumamit ng Stretch Mark Cream na ito mula sa second trimester ng pagbubuntis.

Stretch Mark Cream - PHP 499

product recommendedEditor's Choice

by Mama's Choice

product imageBumili sa Shopee

Buds & Blooms Belly’s Collection Care Set

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Gawa ito sa mga natural na sangkap na tumutulong para maging smooth at elastic ang skin habang nagbubuntis. Pinipigilan din nito ang pagkakaroon ng maraming stretchmarks na dala ng pagbubuntis.

Ito ay nag-iiwan ng non-sticky feel sa balat. No harsh chemical rin ito at fragrance free. Safe na safe kay mommy hangggang after niya manganak.

Sa bawat pagbili mo ng mga produktong ito, may libre itong Post Natal Whitening Cream. Sulit na sulit para sa mga preggy mommy.

Ingredients

Ang Elasticity Oil ay gawa sa Avocado extract, Geranium, Jojoba oil, Coconut oil, Rice Bran at Vitamin E. Hindi lamang ito nagbibigay ng moisture sa skin, nagpapalusog din ito para sa glowing na pregnant skin.

Ang Belly Smooth naman ay formulated na stretchmarks restoration cream. Mayroon itong pinaghalong mga sangkap na galing pa sa wild forest ng Korea katulad ng Astralagus plant at Bonnet belleflower na nakakatulong sa collagen production ng balat. Kaya naman inaayos nito ang mga parte ng skin na nagkaroon ng stretchmarks at pinanunumbalik ang sigla.

Ang Belly Calm naman ay special product na nagbibigay ng relief sa itchy skin na dala ng pagbubuntis. May iniiwan ding itong cooling sensation na nagpapakalma sa buntis. Gawa ito sa natural na mga sangkap at walang halong steroids na madalas nakikita sa mga anti-itch na mga produkto.

Paano ito gamitin?

Belly Elasticity Oil: Gamitin ito sa pasimula ng pagbubuntis o  1st Trimester para maiwasan ang pagkakaroon ng maraming stretchmarks sa katawan. . Maglagay ng 2-3 times kada araw.

Belly Smooth: Gamitin sa 2nd Trimester ng pagbubuntis upang maibalik ang kinis at ganda ng balat. Maglagay ng sapat na amount sa balat 2-3 times kada araw.

Belly Calm: Kapag nakakaramdam ng pangangati ng balat, lalo na sa may bandang tyan, maglagay lamang nito para sa instant relief at ginhawa.

Buds & Blooms Belly's Collection Care Set - ₱739

by Buds & Bloom

product imageBumili sa Edamama
product imageBumili sa Shopee

Morrison Stretch Mark Cream

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Pinagkakatiwalaan ang Morrison Stretch Mark Cream dahil ito ay safe, FDA-approved, Paraben-free, Hypoallergenic at Dermatologist-tested. Malaki ang naitutulong ng produktong ito sa mga “unwanted marks" ng balat.

Don’t worry dahil safe rin itong gamitin ni preggy mommy!

Paano ito gamitin?

Gamitin ito araw-araw para maibsan ang stretch marks sa balat habang lumalaki ang tiyan habang nagbubuntis.

Morrison Stretch Mark Cream - ₱325.00

by Morrison

product imageBumili sa Lazada

Mustela Clearance Hydra Bebe Body Lotion

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Ang Mustela ay kilala at trusted brand ng baby products sa buong mundo. Bukod sa baby products, suitable rin ito sa mga adult na may sensitive na skin.

Dahil specialized nito ang baby na may sensitive skin, nirerekomenda rin ito sa mga taong may eczema, dry skin, at super sensitive skin. Nagbibigay ito ng skin barrier para manatili ang moisture sa katawan. Ito rin formulated para maiwasan ang allergic reaction sa balat.

Ingredients

Naglalaman ito ng avocado extract na nabibigay ng natural na moisture sa balat. Mayroon din itong sunflower oil na rich sa fatty acid na nagbibigay rin ng moisture at nagpapakinis ng balat, Vitamin E para sa healthy skin, at plant based na glycerin para gentle sa skin.

Mildly fragrant din ito na nag-iiwan ng unique scent na nagbibigay ng calmness sa sinumang gagamit.

Paano ito gamitin?

Mag-apply sa umaga after maligo at sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan bago matulog. Safe itong gamitin araw-araw.

Mustela Clearance Hydra Bebe Body Lotion - ₱170.00

by Mustela

product imageBumili sa Lazada

Mustela Soothing Moisturizing Body Lotion

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Ito ay ginawa para sa super sensitive skin ng isang tao. Ito rin ay hypoallergenic, fragrance free, at no paraven kaya safe itong gamitin ng mga nagbubuntis. Nagbibigay ito ng long lasting moisturizing effect sa balat at pinipigilan ang skin dryness sa bawat paggamit.

Ingredients

Gawa ito sa 97% plant-based ingredients kaya naman safe itong gamitin ng newborn, pregnant, breastfeeding mom, at may sensitive skin.

Mayroon itong avocado extract para sa added moisture ng balat. Nagtataglay rin ito ng Schizandra para naman sa sensitive skin, glycerin at iba pa na suitable sa sensitive skin.

Paano ito gamitin?

Maglagay sa buong katawan pagkatapos maligo. Gumamit ng dalawang beses sa isang araw para sa soft skin na katulad sa baby.

Mustela Soothing Moisturizing Body Lotion - ₱740.00

by Mustela

product imageBumili sa Lazada

Morrison Stretch Mark Cream + Collagen Whitening Body Lotion

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Maganda ito sa skin ng isang nagbubuntis dahil sa sa taglay nitong anti-stretchmark at whitening formula.

Sinisigurado ng mga  produktong ito na safe ang kanilang lotion sa buntis gamit ang natural ingredients. Ito rin ay paraben free, hypoallergenic, at dermatologist tested na safe at very effective.

Ingredients

Mayroon itong Collagen na maganda sa pag-restore ng skin cells at nagbibigay ng smooth skin. Ang collagen din may anti-aging properties para maiwasan ang wrinkles sa balat na dala ng sun damage.

Formulated din ito with Nutrisilk Moisture kay naman masisigurong bawat paggamit ay nagbibigay ng sapat na moisture para maiwasan ang skin dryness at irritation.

Paano ito gamitin?

Gamitin ito araw-araw para maibsan ang stretchmarks sa balat habang lumalaki ang tiyan habang nagbubuntis.

Morrison Stretch Mark Cream + Collagen Whitening Body Lotion - ₱403.75

by Morrison

product imageBumili sa Lazada

Cetaphil Brightening Lotion

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Bukod sa moisture na binibigay ng produktong ito. Nagpapakinis at nagpapaputi rin ito. Ang Cetaphil Brightening Lotion ay nagbibigay ng pantay na kulay na balat.

Nagbibigay rin ito ng glow sa skin kaya naman prefer itong gamitin ng ibang mommy maski sila ay nagbubuntis. May gentle bright technology ito na nagpapaputi at nagbibigay ng 24 hours na moisture sa balat.

Ingredients

Gawa ito sa sea daffodil extract na tumutulong para alisin ang dark spots ng balat. Ito ay hypoallergenic, fragrance free, at non greasy. Safe itong gamitin maski ng buntis na may super sensitive skin. Clinically proven na rin ito kaya recommended ito ng mga Dermatologist.

Paano ito gamitin?

Maglagay ng sapat na amount sa buong katawan para sa pantay na resulta ng balat. Gamitin everyday para sa mas mabilis na resulta.

Cetaphil Brightening Lotion - ₱990.00

by Cetaphil

product imageBumili sa Lazada

Cetaphil Daily Advance Ultra Hydrating Lotion

LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage

Bakit ito maganda?

Ang Cetaphil Daily advance Ultra Hydrating Lotion ay may Advanced 5 ingredients na nagbibigay ng instant na hydration sa balat.

Ito rin ay nagbibigay ng moisture para maiwasan ang dryness at skin irritation. Proven na nag-iiwan ng moisture sa loob ng 24 hours sa balat sa single application lamang nito. Safe gamitin sa araw araw ng mga buntis. Ito rin ay non-greasy, fragrance free, at non-comedogenic.

Ingredients

Ito ay may glycerin, macadamia seed oil, dimethicone, at marami pang iba na  nagpoprovide ng  instant relief sa skin, nagpapagaling ng skin dryness, at nagpapakinis.

Paano ito gamitin?

Mag-apply pagkatapos maligo para manatili ang moisture sa balat. Maglagay kung kinakailangan. Gamitin sa araw-araw para sa magandang resulta.

Cetaphil Daily Advance Ultra Hydrating Lotion - ₱779.00

by Cetaphil

product imageBumili sa Lazada

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Written by

Marisol Villanueva

Share this article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • 5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

    5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

  • Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

    Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

  • #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

    #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

  • 5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

    5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

  • Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

    Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

  • #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

    #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.