Lovi Poe: “If there’s one thing I would like to do perfectly, it’s to be a good mother.”

Aktres ituturing daw na isang napakalaking blessing ang siya ay mabubuntis ngayon at magkaanak na.

Lovi Poe on being a mother, gusto niya daw magampanan ito ng maayos sa abot ng kaniyang makakaya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Relasyon ni Lovi at mister na si Monty Blencowe

lovi poe and husband monty blencowe

Larawan mula sa Instagram account ni Lovi Poe Blencowe

Ilang buwan narin ang nakalipas ng maikasal ang aktres na si Lovi Poe sa mister na si Monty Blencowe. Pero ang dalawa bihira kung magkasama dahil sa magkalayo ang trabaho nila. Si Lovi patuloy sa paggawa ng mga proyekto dito sa bansa. Habang si Monty ay patuloy rin sa pagpoproduce ng mga pelikula sa ibang bansa.

Sa isang panayam ay nagbigay update si Lovi sa estado ng relasyon nila ng mister na si Monti. Ayon sa kaniya, sa kabila ng kanilang distansya ay nananatiling matatag ang relasyon nila. At pagdating naman daw sa pagkakaroon ng anak, kung mabibiyayaan daw sa ngayon ay isang napakalaking blessing daw ito para kay Lovi.

“To be honest, I still have so many projects lined up, but if having a baby happens, it happens. I will welcome it completely. It’s going to be a blessing. Right now, I’m still enjoying this time of my life.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Lovi Poe on being a mother

lovi poe on being a mother

Larawan mula sa Instagram account ni Lovi Poe

Ayon sa aktres, nakikinita niya na kung anong klaseng ina siya sa oras na siya ay magkaanak na. Tulad nga daw ng pagganap niya sa mga roles niya sa TV at pelikula, sisiguraduhin niya daw na ibibigay niya rin ang kaniyang best sa pagiging ina.

“I’m such a perfectionist when it comes to the characters I play, what more in real life? If there’s one thing I would like to do perfectly, it’s to be a good mother. When that time comes, if God blesses me with that opportunity. I just want to be a great mother.”

Ito ang sabi pa ni Lovi.

lovi poe and monty blencowe

Larawan mula sa Instagram account ni Lovi Poe

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!