Low Lying + Subchorionic Hemorrhage

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hello mga mommies! Meet my bebe boy, we named him Khairo. Still preggy ako as of now (team November here) and first-time mommy din ako.

Nasa third trimester na ko ng preggy journey ko and all I can say is excited na ko makita ang baby ko. My preggy journey is not that easy. I know some of you mga mommies and soon to be mommies is naka-experience din ng na-experience ko.

I was 20 weeks pregnant nung first ultrasound ko and dun ko lang nalaman na preggy ako at may low lying with subchorionic hemorrhage pa.

During those weeks before ako nakapagpa-ultrasound, dinudugo ako so I thought menstruation ko lang yon although 1-2days lang ako may dugo unlike sa regular mens ko na 5-7 days.

In short, in-ignore ko yung pagbabago ng regla ko, habang tumatagal nakakaramdam din ako ng kirot sa tagiliran ko pababa sa puson. For the 2nd time I ignored it.

Then one midnight, bigla na lang sumakit ng tuloy-tuloy ‘yong tagiliran ko papuntang puson. ‘Yong feeling niya is parang cramps ‘pag may regla ka pero mas double ‘yong kirot so I sat for an hour, pinapakiramdaman ko yung sarili ko kung mas sasakit pa ba siya, titigil ba ‘yong sakit, need ko na ba ng help.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minutes din kasi ‘yong kirot niya tapos mag-stop, then kikirot siya ulit. Nakahiga lang ako para matulog nung hindi na siya kumirot ulit. The next day I decided na magpa-check up. Habang naglalakad ako papuntang hospital nahihirapan akong maglakad, hinihingal ako at kumikirot din tagiliran ko.

Tapos parang may something na malalaglag galing sa loob ko. Kada hakbang ko ay may umaalog na feeling tapos sumusundot siya ng kirot sa puson ko. I was in panic na that time.

Pagdating sa hospital, sabi baka daw UTI but pinag-PT din ako and nag-positive kaya nilipat ako ng OB.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating sa OB. ni-request na ako na mag-ultrasound then boom, they saw na 19 weeks and 6days na kong preggy and ‘yong kirot na nararamdaman ko, labor na. Kung hindi ko siya naagapan, duduguin ako ulit at makukunan,  mixed emotion ako that time.

Preggy ako, muntik ako malaglagan. May namumuong dugo sa loob ko, iniisip ko din paano ko sasabihin sa bahay. Hindi naman sila magagalit, its just that 20 weeks na kong preggy bago ko nalaman.

My OB advised na mag-full bed rest ako for a month and babalik ako para ma-check ulit. Niresetahan din ako ng vitamins, folic at pampakapit. For a whole month, nakahiga lang ako, tiis for my baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglalagay ako ng unan sa gilid ko, dahan-dahan din ako bumangon, Kapag nakahiga ako, naglalagay ako ng unan sa balakang ko para medyo elevated ‘yong puson ko. Tine-take ko ‘yong gamot ko sa tamang oras , more water and healthy na pagkain pero may cheat day pa rin syempre.

Sa awa naman ni Lord tsaka sa pagtatiyaga ko na mag-bedrest kahit ang sakit na sa likod, now i’m 8 months preggy. Cephalic na siya, kumakapit at healthy ang baby boy ko and finally, high lying na ko so pwede na ko mag-normal delivery.

Kaya mga mommies, soon to be and sa mga young adult, please don’t ignore those signs if you feel or saw something na not normal, pa-check up na tayo agad. It’s for your own good din. I’m still bless na si baby ko ay kumapit at hindi ako iniwan kahit naging pabaya ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

I learned my lesson and sa inyo guys, maging aware pa tayo sa mga body natin.

Written by

ariza abellana