Anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, gumawa ng beauty vlog

lead image

Bibong-bibo na nag-demonstrate ng beauty tutorial si Luna Agoncillo na parang professional beauty vlogger.

Isang nakatutuwang video na magpapasaya ng ating mga araw ang ginawa kamakailan ng 3-taong gulang na si Luna Agoncillo, bunsong anak ng aktres na si Judy Ann Santos at TV host na si Ryan Agoncillo.

Makeup tutorial ni Luna

Sa Instagram post ni Judy Ann, bibong-bibo na ipinakita ni Luna ang kaniyang sariling makeup tutorial ng paglalagay ng liquid lipstick. Tila isang professional beauty vlogger na ipinaliwanag ng bata sa video ang kaniyang gagawin.

"Hi everyone! Because we are going to put this [liquid lipstick] for the lips so we could get a nice, beautiful Luna," cute na cute na introduction ni Luna Agoncillo sa kanyang video.

Binuksan ni Luna ang tube ng liquid lipstick at dahan-dahang inilagay ang wand nito sa kanyang mga labi. Natapos ang kanyang beauty tutorial sa pamamagitan ng nakatutuwang smooch.

Maging ang kanyang ina na si Judy Ann ay natuwa rin sa ginawang video ng kanyang anak. "Our little vlogger ? featuring @blkcosmeticsph ? hay luna... nakakabaliw ka anak! ???" caption niya sa Instagram post.

Narito ang video ni Luna Agoncillo:

 

View this post on Instagram

 

Our little vlogger ? featuring @blkcosmeticsph ? hay luna... nakakabaliw ka anak! ???

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

Mga nakatutuwang videos ni Luna Agoncillo

Ang beauty tutorial video na ito ay isa lamang sa maraming 'cuteness overload' videos ni Luna.

Sa isang video na ipinost ni Judy Ann, mapapanood ang gym bonding nilang mag-ina. Katabi ang kanyang ina, game na game na ginaya ni Luna ang exercise routine ni Judy Ann.

Sa sumunod na video, makikita naman ang aktres na tumatakbo habang pasan sa kanyang balikat si Luna.

 

View this post on Instagram

 

Today’s gym buddy. ❤️❤️ #lunniebunny

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

Sa Instagram post naman ng kaniyang daddy na si Ryan Agoncillo, isang cooking vlog naman ang ginawa ni Luna kasama ang kanyang mommy.

"Hi everyone, welcome to Luna's kitchen!" introduction ni Luna sa video.

Ipinakita ni Luna ang mga ingredients ng kanyang recipe at sa tulong ng kanyang mommy ay kanilang iniluto ito.

 

View this post on Instagram

 

Welcome to Luna’s Kitchen?#lunniebunny

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Sa isa pang video makikita si Luna na sinusubukang gumamit ng chopsticks sa pagkain ng gyoza.

 

View this post on Instagram

 

luna vs gyoza #lunniebunny

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Si Luna ay bunso sa tatlong anak nina Judy Ann at Ryan. Ang kanyang mga nakatatandang kapatid ay sina Yohan at Lucho.

Congratulations sa iyong mga videos, Luna!

 

Source: ABS-CBN

Images and videos: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo Instagram

BASAHIN: WATCH: Cute celebrity baby moments that will make you smile!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner