Hindi, hindi ko kailangang palitan ang aking asawa dahil lamang namatay siya

They had a father who loved them, even if they won't remember him welI, I have no desire to have another man step in and play "daddy."

Kung paano sinabi kay Lauren Gordon ng isang anonymous na ina na maagang nabiyuda.

Nagkakilala kami ng asawa ko online dahil sa pareho naming pagmamahal sa mga hindi kilalang writers. Sa tatlong taon ay nakipag-date kami sa ibang tao, nagcha-chat maya’t maya tungkol sa mga libro at mga nakakatawang pangyayari sa buhay  namin na magkahiwalay. 19 taong gulang, anim na buwan nang hiwalay sa karelasyon, nagdrive ako nang 2 oras para makita siya sa unang pagkakataon. Sa loob ng dalawang linggo ay nakatira na kami sa iisang bahay.

Matagal na niyang nilalabanan ang depression, ngunit bata pa ako nun at akala ko ay kaya kong pagalangin yun.

Akala ko ay kailangan niya lang tumayo at itigil ang pagiging malungkot, na hindi ganon kahirap ang kanyang buhay at phase lamang ito. Pinakasalan ko siya sa edad na 20 taong gulang, iniisip na tatanda kaming magkasama.

21 taong gulang, nagdalang tao ako sa kambal.

Kinakaya naming mabuhay sa nga minimum wage na trabaho ngunit nagdesisyon na makitira sa pamilya ko para makapagtipid para sa dalawang baby. Manginginom siya simula pa nang nagkasama kami at sinabi kong hindi ito pwede habang nakikitira kami sa mga magulang ko, at sumang-ayon siya. Sa loob ng dalawang buwan patago siyang umiinom ng beer. Hindi ko ito pinansin, hindi siya maingay o magulo o nananakit na lasing. Umiinom lang siya hanggang makatulog, at akala ko marami pang masmasama dito. Nakakita na ko ng di magagandang malasing; mild lang siya kung ikukumpara. Parang phase parin. Naisip kong magbabago ito kapag napanganak na ang mga bata.

Nang dumating sila tumigal siya nang panandalian.Nakakapagod ang bagong silang na kambal na sapat na itong magpatulog ng kahit sino man nang mabilisan. Nang nag-isang taong gulang sila lumipat ulit kami, ngayon sa kanyang pamilya, nagaalaga ng kanyang ina. Dito ko natutunan na ang pag-inom hanggang makatulog ay isang bagay sa pamilya: ginagawa din ito ng kanyang mga kapatid at magulang. Ganunpaman, hindi parin siya katulad ng ibang malalalang lasenggero. Ngunit nagsimula kong mapansin ang pag-iba kapag lumalabas siya. At lumala ang depression.

Image source: Shutterstock

Kami nalang ulit, sa wakas, may 2 taong gulang na kambal, lumipat siya sa pag-inom ng alak.

Nag stay-at-home mom ako, at kahit nako-kontrol ko ang pag-inom niya ng beer, natutunan niyang sumimple ng pag-inom ng pint na bote ng alak. Aantayin niya lang akong makatulog bago simulan ang matinding pag-inom. Ang dalawang taon namin sa apartment na iyon ay hindi madali. Makakakita ako ng nakatagong bote at kokomprontohin siya, aayos panandalian ang mga bagay, at uulit nanaman sa dati. Patuloy ang paglala ng depression at nagdevelop narin ako sa akin; ang kawalan ng kakayahan na hindi siya painumin ay nagparamdam sakin na wala akong kwentang asawa. Mahirap kami, ngunit akala ko kami ay masaya. Bakit kinailangan niya uminom? Ano ang sobrang sama?

Ang huling taon ang pinakamahirap.

Biglaan siyang tumigil at nakaranas ng delirium tremens (DTs). Akala ko ito ang malinaw na rock-bottom wake-up call na kinailangan niya. Nagkamali ako. Isang gabi ng Agusto 2018 inalalayan ko siya papuntang kama, natrain na hindi matulog bago siya sa takot na kung saan siya makatulog, at lumabas ako para manigarilyo. Pagbalik ko hindi siya humihinga, kulay asul ang kanyang mga labi. Walang malay, tumigil siya sa paghinga dala ng sleep apnea at hindi na nagawang gumising pa.

Siya ay malambing, nakakatawa, mahinhin at matalinong tao.Siya rin ay nakaranas ng long-term depression at alcoholism. Masipag siya, mahal niya ang kanyang mga anak, ngunit hindi niya nagawang iligtas ang sarili mula sa kanyang sarili at hindi ko rin kinaya.

Anim na buwan matapos siyang mawala, ilang pag-uusap ang may kunwaring “supportive” na komento

“May mahahanap ka rin sa lalong madaling panahon.”

“Bata at maganda ka. May lalaki diyan na magugustuhan ka kahit may anak ka na.”

May ilan din na hindi gaanong supportive.

“Baka gusto mong magsimulang magdate ulit. Packaged goods ka.”

“Kailangan mo ng lalaki sa bahay. Ayaw mong lumaki ang mga anak mo na walang kinikilalang ama.”

“Kailangan mo ng isang tao na mag-aalaga sa iyo.”

Mula sa mga matatanda, nakakababa ang dating ng mga komentong ito, kahit pa hindi ito ang intensyon.Mula sa mga lalaki, ang dating ay sexist at medyo mapoot, na parang mababa ang tingin at kaawa-awa ang single moms. Kapag mula sa mga kaibigan, ang dating ay awa. Na parang pumili ako ng loser at kailangan kong subukan ulit. Sana ay malaman nila na marami mang ups at downs sa aming pagsasama, minahal ko siya.

HIndi ko hinahangad na mapalitan siya. Walang makakapalit sa kanya. Kahit hindi ako naniniwala sa konsepto ng one true love, may mga bagay na hindi ko na mararanasan sa iba pa. Inside jokes. Pagkapanganak ng mga anak ko. Road trip. Mga kanta, palabas at sining na pareho naming minahal. Hindi mapapalitan ang mga ito, at ayaw ko rin.

Image source: File photo

Marami akong natutunan sa pagsasama namin.

Tungkol sa mental illness, tungkol sa addiction, tungkol sa ebolusyon ng pagsasama, tungkol sa dalamhati. Ang pagkawala niya ay parang pagkawala ng bahagi ng utak ko, sa dami ng ginawa naming magkasama. Hindi na pareho ang pakiramdam sa paggawa ng maliliit na bagay tulad ng grocery shopping o panonood ng TV. Ano pa man ang isipin ng iba na sapat na oras na ang lumipas; hindi nila alam at malalaman na hindi pa sapat.

Hindi ko pa naiiyak ang lahat ng luha ko. Ako rin ay hindi pa handang gumawa ng mga bagong alaala.

Hindi rin kailangan ng mga anak ko ng bagong ama.Nagkaroon sila ng ama na minahal sila, kahit pa hindi nila siya masyadong naaalala. (6 na taong gulang lamang sila nuon.) Wala akong kagustuhang magkaroon ng ibang lalaki na magiging “daddy.” Naaalagaan sila, napapakain, at minamahal. Ang pagpuno ng isang slot na minarkahang “tatay” ng isang tao ay tila pagbubugaw. Na parang hindi nila kayang lumaki nang matiwasay na may ina lamang.

Hindi ako nagda-date ulit. Kung kailan ko gagawin (at na-iimagine kong gagawin ko rin balang araw) ay hindi pa napagdedesisyunan. Sa ngayon, ang pagpapanatili ng buhay namin at ng sense ng pagiging normal para sa mga anak ko ang aking pangunahing prayoridad.

Tingin ko ay wala akong napapalampas sa paggawa nito.

Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at na-republish sa  theAsianparent nang may pahintulot.

Basahin: A mother’s wish comes true: Baby born 2 years after father’s death!