Hindi ka ba nagsusuot ng facemask? Naku! Alam mo bang maaring makulong na ang hindi magsusuot ng mask ngayon? Ang pagkakulong ay maaaring umabot ng 30 days.
Hindi pagsusuot ng facemask, may karampatang parusa na
Hindi pa nagsisimula ang quarantine sa buong Pilipinas, kasama na sa safety protocol ang pagsusuot ng face mask. Sa paraan na ito, maiiwasan natin ang pagkakaroon ng nakakahawang virus na COVID-19.
Ngunit kahit mahigpit na pinagbabawal ang hindi pagsusuot ng mask kapag nasa labas, marami pa rin ang hindi sumusunod dito. Kaya naman nitong umaga lang ng July 22, inanunsyo na maaaring makulong ng 10 days hanggang 30 days ang lahat ng mahuhuling hindi nagsusuot ng facemask.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, maaring makulong na ang hindi magsusuot ng mask. Habang ang paglabag sa physical distancing ay mayroon na ring karampatang parusa na pagkakulong mula 10 days hanggang 30 days.
“Magkakaroon na kami ng uniform implementation kung papaano ipapatupad ‘yung health standards… number of days in prison kapag nag-violate ka ng hindi pagsuot ng mask. We suggest 10 to 30 days, physical distancing also 10 to 30 days imprisonment.”
Maaari namang mag piyansa ang mga mahuhuling lumabag sa safety protocol. Ito mula 1,000 pesos hanggang 5,000 pesos.
Samantala, ayon naman kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangang hintayin muna ng publiko ang ibibigay na ordinansa. Sa ngayon, ang pinakamahalaga ay ugaliin ang sarili na magsuot ng facemask bilang parte ng mahigpit na ipinapatupad na safety protocol para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.
“The police can tell individuals to wear masks. They can ask the individuals to go home and get their masks and put it on. Pero sa ngayon po it is just to encourage people to wear masks.”
As of 4 PM today, July 22, 2020, patuloy pa rin ang mabilis na pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Naitala ang 1,594 na bagong kaso ngayong araw. At ito umaabot na sa 72,269 ang positibong kaso sa Pilipinas. Habang 23,623 naman ang naka-recover at 1,843 ang mga nasawi.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA