Madam Kilay, nagsalita na kaugnay ng hiwalayan nila ng kaniyang asawa

lead image

Ikinagulat ng kanyang mga fans ang pag-amin ni Madam Kilay sa kanyang vlog na naghiwalay na sila ng kanyang banyagang asawa. Ano ang nangyari?

Isang malungkot na video ang inilabas kamakailan ng internet sensation na si Jinky Anderson o mas kilala ng lahat bilang si “Madam Kilay” matapos niyang ibinunyag na naghiwalay na sila ng kaniyang Amerikanong asawa na si Paul o kilala naman sa palayaw na “Afam”.

Nakilala si Jinky sa kaniyang mga comedy vlogs at nakakakilig na love story ng kaniyang banyagang asawa. Naipalabas na rin sa telebisyon ang kaniyang talambuhay at nagkaroon na rin ng mga interview sa iba’t-ibang talk show.

madam kilay

Umiiyak na nagpaliwanag sa pinagdadaanan nila ng kaniyang asawa

Paglilinaw ni Madam Kilay sa issue ng hiwalayan

Sa kanyang inilabas na video, sinabi niyang may 10 buwan na silang hiwalay ng kanyang asawa. Napagpasyahan niyang sabihin ang sitwasyon nila sa kaniyang mga followers matapos magkaroon ng intriga ukol sa pagiging “unfaithful” diumano ni Madam Kilay.

“Hindi ko alam kung saan ko ito uumpisahan. Hiwalay na kami ng asawa ko, hindi ko lang ma-explain sa inyo ang totoo dahil ayokong ma-upset kayo. Alam kong marami kaming na-inspire sa relasyon namin ng asawa ko,” umiiyak na sabi niya.

Ipinaliwanag rin niyang ang kaniyang asawa ang nagpasyang makipaghiwalay sa kaniya.

“Matagal na kaming hiwalay. Hiwalay kami pero hindi pa kami divorced siguro mga sampung buwan na. Siya ‘yong nakipaghiwalay, hindi po ako. ‘Yong asawa ko ‘yong bumitaw, ‘yong asawa ko ‘yong nag-give up hindi po ako,” dagdag ni Madam Kilay.

madam kilay

Dahilan ng hiwalayan nila ni Afam

Ipinakita ni Jinky sa video ang ilang screenshots ng kanilang pag-uusap ng kanilang asawa.

“Meron kaming naging conflict ng asawa ko nung umalis siya. Ang hirap ng hindi niyo alam pero please ‘wag niyo na akong i-bash kasi hindi po ako nagloko,” saad ni Jinky.

madam kilay

madam kilay

Nakiusap siya sa lahat na tigilan na ang pamba-bash sa kanya sa online dahil sa hirap na kaniyang pinagdaraanan ngayon. Nagpasalamat naman siya sa kaniyang mga fans sa walang-sawang pagsuporta sa kaniya at sa relasyon nila ng kaniyang asawa.

Panooring ang video:

🙁

HANGGANG DITO NA LANG 😞 Yung Madam Kilay Na nagpapasaya satin behind the camera may pinag dadaanan pala.Sa mga HINDI NAKAPANUOD MG LIVE KAHAPON ETO YUN.#NOBASH -AdminZel

Posted by MadamKilay on Wednesday, 30 January 2019

“Lahat ng nakikita niyo sa social media, hindi scripted ‘yon,” pahayag ni Jinky sa bago niyang vlog na inilabas kahapon. “Iyong pagmamahalan namin ng asawa ko, sobrang wagas.”

Ipinaliwanag niya na nang na-deploy si Paul, isang sundalo sa U.S., noong September 2017, labis na nalungkot si Jinky dahil first time daw na ma-experience na ma-deploy ang asawa niya sa ibang lugar. Ngunit kahit long-distance ang kanilang relationship, patuloy pa rin silang nag-uusap at madalas mag video call.

Ngunit sa hindi hayag na kadahilanan, biglang nagbago daw si Afam bandang Nobyembre. Naging malamig daw ang pakikitungo nito sa kaniya at hindi na sinasagot ang mga text o tawag. Nagdadahilan daw ang mister na pagod daw ito.

Sinubukang intindihin ni Jinky ang kalagayan ng asawa bilang nasa war zone ito. Ngunit “bilang babae,” hindi niya mapigilan magtanong nang magtanong sa asawa kung anong ginagawa, sino ang kasama, at kung anu-ano pa. In short, naging “nagger” daw siya.

Dahil sa kawalan ng komunikasyon, madalas ay tinitignan niya ang Facebook ni Afam—dahil alam niya ang password nito. Dito ay may nakita siyang pag-uusap ng kaniyang asawa at ng kaniyang mother-in-law.

Base sa conversation, nalaman niyang against pala sa kaniya ang kaniyang biyenan. Nang tanungin niya ang kaniyang asawa tungkol sa isyu na iyon, ilag ang kaniyang mister sa pagsagot. Parati lang sinasabi ni Afam na mag-uusap sila sa takdang panahon.

Pagdating ng Disyembre, nagsabi na daw si Afam kay Madam Kilay na gusto na nitong makipaghiwalay. Sinubukan daw ni Jinky na hikayatin ang asawa na mag-undergo sila sa couple’s therapy at ayusin ang lahat pagkabalik niya. Ngunit, hindi daw ito sinasagot.

“Ayaw nang makipag-usap sa akin ng asawa ko,” ang sabi nito.

Nakatanggap din daw ng balita si Jinky na nakikipag-flirt ang asawa niya sa ibang babae.

“Nag-give up na ako,” pag-amin niya. “Hindi ko na siguro kailangan maging martir. Kasi gising na gising na ako. Wala na talagang pag-asa. Kasi ang tagal ko ng naghihirap. Ang tagal ko ng nagmamaka-awa.”

14 months daw niyang sinubukan na kausapin ang asawa at i-work out ang kanilang mga problema. Ngunit wala itong kinahinatnan.

Bagong boyfriend

Nitong August 2018, may nakilala siyang ibang lalaki. Ngunit kahit nasa “getting to know each other” stage na sila ng bagong tao sa buhay niya ay sinusubukan pa rin niyang makipag-ayos kay Afam.

Itinago rin daw niya ito sa kaniyang followers dahil ayaw daw niyang mag-drama. Gusto raw niya na puro masasayang videos lang ang iuupload niya.

Dahil matagal-tagal na rin silang nagde-date ng kaniyang bagong boyfriend, na isa ring Amerikano, nagseselos na raw ang huli dahil “itinatago” siya ni Madam Kilay at prinoprotektahan ang dating asawa.

Ayon sa pahayag ni Jinky, nagalit ang kaniyang bagong boyfriend at ipinost ang kanilang photos online—tila dahilan na rin para ipaliwanag ang nangyari at ang sitwasyon.

Panoorin ang kaniyang vlog dito:

 

Source: GMA News Online, Madam Kilay Facebook Page
Images: Madam Kilay Facebook Page

BASAHIN: 11 na sensyales ng namumuong problema ng mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner