Ayon sa pag-aaral, ito ang ginagawa ng masasayang couples

lead image

Ayon sa isang pag-aaral, kapag ginagawa ito ng mag-asawa, isa daw itong pahiwatig na masaya ang kanilang pagsasama. Ginagawa niyo ba ito?

Ayon sa isang pag-aaral mula sa University of California, napag-alaman nila na ang mga mag asawa na gumagawa nito ay may mas matatag na relasyon kaysa sa mga couples na hindi ginagawa ito. Ano ito?

Relasyon ng mag asawa

Sa pananaliksik, inaral ng mga eksperto ang may 5,300 na tao, kalahati nito ay mga mag asawa. Sa pag-aaral ng mga participants ng study, in-analyze nila ang ilang factors na nakaka-apekto sa pagiging masaya ng isang relasyon katulad ng tagal ng pagsasama, pag-uugali, mental health, physical health, at health behaviors.

Kinumpara nila ang mga mag asawa at couples na gumagamit ng mga salitang "we" at "us" versus sa mga magka-relasyon na hindi ginagamit ang mga katagang ito tuwing napapag-usapan ang mga buhay-buhay. Dito napag-alaman na ang mga magka-relasyon na gumagamit ng "kami" ay indikasyon ng pagkakaroon ng mas masaya at mas matatag na relasyon.

Ipinaliwanag ni Alexander Karan, co-author ng pag-aaral, na ang pag-gamit ng "we" at "us" ay indikasyon ng pagiging dependent ng magka-relasyon sa isa't isa at pagkakaroon ng positibong pananaw sa kanilang pagsasama.

Dagdag naman ni Megan Robbins, isang psychologist, na nakakapagpabago at nakakapagpaganda ng relasyon ang pag gamit ng mga katagang ito.

Aniya, kapag naririnig mo ang sarili mo o ang partner mo na nagsasabi ng "tayo" imbis na "ako" o "ikaw," mas nagiging interdependent kayo ng partner mo sa isa't isa.

"Tayo" at "Kami"

Tunay naman na magandang pakinggan kapag sinasabi ng mahal natin sa buhay ang mga katagang "tayo" imbis na "ako" o "ikaw." Halimbawa, kapag napapag-usapan ang kinabukasan. Hindi ba't mas masarap pakinggan kapag sinasabi ni mister na, "Balang araw gusto kong makapag-travel tayo around the world!" kaysa "Balang araw gusto kong malibot ang buong mundo!"

Kapag gumagamit ng salitang "tayo" sa pananalita, nagbibigay ito ng pahiwatig na magkasama kayong dalawa sa lahat ng bagay—sa pagtupad ng pangarap, pag-solve ng problema, o pag-plano ng hinaharap. Pinapatatag nito ang sinumpaang pangako ng pagsasama for better or for worse.

Ginagamit niyo ba parati ang mga katagang ito?

Source: New York Post, Science Daily

Basahin:

Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa

Here's the reason why having a happy marriage is good for your kids