Think you're pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

Gusto mo bang malaman kung ikaw ay buntis? Siguraduhing pumili ng magandang brand ng pregnancy test. Ito ang aming choices. Read on.

Para sa mga nagpaplanong magbuntis, isa sa mga must-haves ang pregnancy test. Madaming iba’t ibang uri ng test packs na ito na makikita sa iyong nearby drugstores or pharmacies. Pero dahil ang pagbubuntis ay isa sa mga pinaka-aabangang yugto ng buhay ng isang nais magdalang-tao, mahalagang makakuha ng most trusted at accurate na test pack.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano pumili ng pregnancy test
  • 5 brand ng pregnancy test
  • Bakit magugustuhan mo ito

Ano nga ba ang magandang brand ng pregnancy test? Hayaan niyong tulungan namin kayo sa pagpili.

Paano pumili ng pregnancy test kit

Para siguradong tama ang resulta ng iyong pregnancy test, siguraduhing ang pinakamainam na uri ng test kit ang iyong mabibili. Ito ang mga pointers sa pagpili:

magandang brand ng pregnancy test

Magandang brand ng pregnancy test | Image form Freepik

Kailan pwede gamitin?

Mayroong dalawang uri ng pregnancy test kit. Ang una at mas pangkaraniwan ay ginagamit isang linggo matapos ma-delay ang menstruation. Ang isa naman ay maaaring gamitin bago dumating ang menstruation. Inirerekomenda namin ang paggamit ng pangkaraniwang type ng pregnancy test dahil mas accurate ang resulta nito.

Clear test visibility results

Karamihan ng pregnancy test kits ay nagpapakita ng line colors para i-indicate ang resulta ng test. Pero mayroong mga digital products na nagpapakita ng resulta gamit ang + at – signs para madaling maintindihan. Ito ang ang aming inirerekomenda.

Ilan ang laman bawat package

Para sa mga nagpaplanong magbuntis at sumasailalim ng program para makapagdalang-tao, mabuting bumili ng test pack na ibinebenta bilang isang set. Madalas mo itong gagamitin kaya mabuti na ring makatipid. Ang isang test pack ay karaniwang merong 2-3 pregnancy. Mas matipid kumpara sa pagbili nang paisa-isa.

magandang brand ng pregnancy test

Magandang brand ng pregnancy test | Image form Freepik

5 na Magandang Brand ng Pregnancy Test

Ngayong alam mo na kung ano ang dapat tandaan sa pagpili ng pregnancy test, time na para malaman kung ano ang best brands na mayroon dito sa Pilipinas.

Clearblue Digital Pregnancy Test
Kumpara sa ibang bansa, hindi pangkaraniwan ang digital pregnancy test dito sa Pilipinas. Ito ang dahilan kaya top agad sa listahan namin ang brand na ito.

Bakit magugustuhan mo ito?

Ito ang nag-iisang pregnancy test na may Smart Countdown para panatilihin kang panatag na gumagana ang test habang iniintay mo ang results.

Kailan pwede gamitin?

Sensitive ang test na ito kaya pwede mo na itong gamitin ng 5 days na mas maaga kaysa sa intayin mong hindi ka magka-period. Sinasabing over 99% itong accurate sa pag-detect kung ikaw ay buntis mula sa araw na inaasahan mong ikaw ay magkaka-menstruation na.

Clear test visibility results

Nakasulat ang words na ‘pregnant’ o ‘not pregnant’ kapag ipinakita nito ang results kaya hindi ka malilito.

Laman bawat package

Meron itong 3 tests sa isang package.

Presyo: P1,776.15 para sa isang package na may 3 tests na laman.

Pink Check Early Pregnancy Test Kit
Isa ito sa mga pinakamurang test kits sa market ngayon.

Bakit magugustuhan mo ito

Isa ito sa mga pinakamurang test kits sa market ngayon. Available din ito sa iba’t bang drugstores kaya madaling hanapin. Mabilis din nitong pinapakita ang results sa loob ng 3 minuto.

Kailan pwede gamitin

Nade-detect na nito ang pregnancy hormone as early as 10 days after ng intimacy.

Clear test visibility results

Linya din ang ginagamit ng test na ito para ipakita kung buntis ka o hindi. Dalawang linya para sa positive at isang linya para sa negative.

Laman bawat package

Meron itong isang test bawat package.

Presyo: P116.50 para sa isang test kit.

Indoplas HCG Pregnancy Test
Suki ito sa ating mga moms madaling gamitin at murang-mura lang.

Bakit magugustuhan mo ito

Isa na ata sa kilalang brand ng pregnancy test ang Indoplas. Suki ito sa ating mga moms madaling gamitin at murang-mura lang.

Kailan pwede gamitin

Pwede itong gamitin kahit anong oras ng araw sa unang araw ng missed period mo. Alalahanin lang na kung ikaw nga ay buntis, ang unang ihi sa umaga ang naglalaman ng pinakamadaming hCG. Ito ang ginagamit ng test na ito para ma-detect kung ikaw ay buntis.

Clear test visibility results

Linya din ang ginagamit ng test na ito para ipakita kung buntis ka o hindi. Dalawang linya para sa positive at isang linya para sa negative.

Laman ng bawat package

Ang isang pack ay may lamang isang tests. 99.6% ang accuracy rate ng Indoplas pregnancy test.

Presyo: P49 para sa isang package na may isang test.

BASAHIN:

21 best toys para kay baby, according sa kanilang month

LIST: Mosquito repellant na safe para sa baby at bata

5 best baby wash brands for newborns, according to Pinoy moms

Partners Pregnancy Test
Madali lang itong gamitin at mabibili rin online!

Bakit magugustuhan mo ito?

Mabilis at madaling gamitin ang test kit na ito kaya nabibilang ito sa aming listahan ng magandang brand ng pregnancy test. Bawat test strip din nito ay naka-seal sa isang foil pouch. 

Kailan pwede gamitin

Ang test na ito ay nagde-detect ng HCG o human chrorionic gonadotropin na makikita sa ihi. Lumalabas na ito kahit maagang stage palang ng pregnancy.

Clear test visibility results

Isa itong test cassette kaya malalaman ang resulta sa pamamagitan ng linya. Ibig sabihin ng dalawang linya ay positive ang test at ang isang linya naman ay negative.

Laman bawat package

Maaari itong bilhin individually. Bawat isang foil ay may isang test na laman.

Medic one-step pregnancy test

Think you're pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

Magandang brand ng pregnancy test | Image from Medic One Step Pregnancy Test

Bakit magugustuhan mo ito

Isa ito sa mga pinakakilalang brand ng pregnancy test sapagkat madali itong makita sa mga drugstore. Kailangan lang ng 3 drops ng ihi at 3 minuto para malaman mo kung ikaw nga ba ay buntis gamit ang pregnancy test na ito.

Kailan pwede gamitin

Ayon sa Medic Facebook page, mainam itong gamitin kapag late ang period mo para maiwasan ang false positives. Pero maaaring nitong ma-detect kung ikaw ay buntis matapos ang isang araw na ma-late ang menstruation mo.

Clear test visibility results

Gaya ng ibang mga pregnancy tests, gumagamit ito ng linya para ipakita kung ikaw ay buntis. Dalawang linya sa positive at isang linya para sa negative.

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Sinulat ni

Contributor

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!