Hospital bill ng isang COVID-19 patient umabot ng 3.8M
Paano nga ba at magkano magpagamot kung sakaling mag-positibo sa COVID-19 ang isang Pilipino? Narito ang sagot ng gobyerno.
Hospital bill COVID 19 patient umabot na ng P3.8M bago ito tuluyang nasawi. Kaya pangamba ng publiko paano at magkano maging COVID-19 patient sa Metro Manila? At ano ang tulong na maiaabot ng gobyerno sa pagpapagamot ng mga COVID-19 patients.
Hospital bill COVID 19 patient umabot ng P3.8M
Umaapela ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng isang COVID-19 patient sa Muntinlupa. Dahil ayon sa pamilya, hospital bill COVID 19 patient umabot na ng P3.8million sa loob lang ng dalawang linggo. Sila ang pamilya ng 60-anyos na si Lito Mercado na lumabas na positibo sa sakit na COVID-19 nitong March 25. At tuluyang namayapa dahil rito kamakailan lang.
Kwento ng 28-anyos na anak ni Lito na si Joseph Mercado, March 16 ng unang magpakita ng sintomas ng sakit ang kaniyang ama. Ganoon rin ang 32-anyos na nakakatanda nitong kapatid na lalaki. Dalawang araw ang lumipas, March 18, ay saka lang silang nagdesisyon na dumaan sa COVID-testing. Doon nila natuklasan na may pneumonia umano ang kaniyang ama at ito ay binigyan ng medikasyon upang ito ay malunasan. Pero makalipas ang isang linggo, ay hindi bumubuti ang kondisyon nito. Kaya naman nagdesisyon silang dalhin ulit ito sa ospital na kung saan nalaman nilang kailangan na itong i-intubate. Ang unang ospital na kanilang napuntahan ay wala umanong kakayahan na gawin ang nasabing procedure. Kaya naman naghanap sila ng iba pang ospital na maaring mapag-admitan ito.
Puno at limitado ang ospital na kayang maggamot sa COVID-19 patients
“Naghanap na kami ng mga ospital. Naikot na namin Laguna, Batangas, at lahat ng ospital dito sa Muntinlupa kaso wala na talaga mag-accept. Nag walk-in kami sa Asian Hospital tapos na-admit agad ang father ko”, pagkukuwento ni Joseph.
Sa parehong araw ay nai-admit sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa ang kanilang ama. Ito ay matapos tanggihan siya ng iba pang mga ospital na kanilang napuntahan sa kadahilanang sila ay puno na. Kinabukasan, March 25 ay lumabas ang resulta ng COVID-testing ng kaniyang ama at kapatid. Sila ay parehong lumabas na positibo sa sakit.
Naging malakas ang katawan ng kapatid ni Jerome sa paglaban sa sakit at ito ay agad na naka-recover. Pero ang kaniyang ama ay inabot ng 16 araw na naka-confine sa ospital bago ito tuluyang masawi. Ang iniwan nitong hospital bill umabot ng P3.8M.
Paano at magkano maging COVID-19 patient sa Metro Manila
Samantala, noong March 26 sa pamamagitan ng isang televised briefing ay inanunsyo ni PhilHealth President Ricardo Morales na sasagutin ng ahensya ang medical expenses ng lahat ng COVID-19 patients sa bansa.
“Babayaran ng PhilHealth and lahat ng medical expenses ng mga taong magkakaroon ng COVID-19, especially ‘yung ating mga public health workers. Gusto nating bigyan sila ng confidence saka peace of mind para sila ay makapagfocus sa trabaho.”
Ito ang pahayag ni Morales sa isang public briefing na umere sa government channel na PTV. Pero dagdag pa niya tanging ang mga naka-confine lang sa ospital ang kanilang matutulungan. Hindi kasama rito ang mga piniling magpagamot o ginagamot sa kanilang bahay.
“Lahat ng hospitalized sasagutin yan. Yun lang mga nako-confine, iyon lang ang masasagot ng PhilHealth. Wala silang aalalahanin kung sila po ay magkakasakit sasagutin ng PhilHealth lahat ng kanilang medical expenses.”
“Meron naman tayong mga naka confine sa bahay— nagka-quarantine sa bahay…. hindi natin masasagot iyon dahil unang-una hindi naman natin alam kung ano yung mga ginamit nilang mga gamot o ginamit na process.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Morales.
Pagpapaliwanag niya ang hakbang na ito ay parte ng P30billion na kinakasa ng Philhealth para maka-preposition ng pondo sa mga ospital bilang sagot sa coronavirus outbreak. Dagdag pa niya sasagutin rin daw ng Philhealth ang free COVID-19 testing basta ito ay inireseta o ni-request ng isang health professional. Bagamat sa ngayon ay hindi pa tukoy kung hanggang saan ang benepisyong kayang ibigay ng ahensya sa mga biktima ng sakit lalo pa’t iba-iba ang patakaran ng bawat ospital. Ngunit, ayon sa kaniya, lahat ay gagawin ng ahensya upang matulungan ang mga biktima ng sakit.
Hindi umano sasagutin ng Philhealth ang lahat ng gastos?
Dahil sa anunsyong ito ay minabuting makipag-ugnayan ng pamilya Mercado sa PhilHealth. Pero ayon kay Joseph, tanging P42,000 lang ng bill ng kaniyang ama ang i-cocover ng ahensya.
“Nag-reach ako through PhilHealth sa hospital. Wala pa rin daw ding talagang direction sa kanila. P46,000 pa rin: P32,000 for pneumonia and 14,000 for the isolation room.”
Ito ang pagkukuwento ni Joseph.
Sinuportahan naman ang claim na ito ng pamilya Mercado ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon. Ayon sa kaniya nakasaad sa Section 4(b) ng pinirmahang Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” ni Pangulong Duterte noong March 24 na sasagutin ng Philhealth ang gastos ng pagpapagamot o hospital bill COVID-19 patient.
“This is provided by the government as a means of assisting those who are stricken by the illness. Being a new infectious disease, it is understandable that specialized treatment is needed and that as part of government’s obligation to protect the people from public health threats, assisting those who acquire the infectious disease becomes part of the government’s duty to address the threat. Therefore, helping the patients bear the cost of treatment is justifiable.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Rep. Biazon.
Bagong PhilHealth policy ukol sa COVID-19 case
Nitong April 3, muling naglabas ng direktiba ang PhilHealth tungkol sa kung magkano ang kanilang maitutulong sa mga naging pasyente ng sakit na COVID-19. Ayon sa kanila, babayaran ng ahensya ang lahat ng gastos ng mga COVID-19 patients. Ngunit ito ay hanggang April 14 lang, mula April 15 lahat ng biktima ng sakit ay susunod na sa bagong case rate package na itinalaga ng PhilHealth sa bawat miyembro nito. Kaya naman, dahil sa ang kaso ng ama ni Jerome ay pasok sa April 14 deadline, sasagutin ng PhilHealth ang lahat ng gastos nito.
Samantala ang bagong case rate ng PhilHealth para sa COVID-19 ay naka-depende sa lala nito. Ang COVID-19 case rate package ay ang sumusunod na nagsimulang maging epektibo nitong April 15.
- Mild Pneumonia P43,997
- Moderate Pneumonia P143,267
- Severe Pneumonia P333,519
- Critical Pneumonia P786,384
Ito lamang ang sasagutin ng PhilHealth sa mga magagastos sa pagpapagamot ng mga COVID-19 patients. Pero ayon naman kay PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo hindi natatapos rito ang pagtulong ng ahensya sa mga naging biktima ng sakit.
“They can appeal, write a letter to the president namin and request for additional assistance doon sa remaining bill and then, ia-assess natin ‘yan, case-to-case basis.”
Ito ang pahayag ni Domingo.
Source:
Manila Bulletin, Rappler, GMA News
BASAHIN: Importanteng maalagaan ang iyong mental health sa panahon ng COVID-19
- COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?
- Sa 5,223 na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 11 ang sanggol at 1 na ang patay
- Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."