Marian Rivera: "Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal."

lead image

Nanganak na nga si Marian Rivera noong ika-16 ng Abril sa kanyang pangalawang supling na pinangalanan nila ni Dingdong Dantes na Jose Sixto G. Dantes IV, kung saan kasunod sa buong pangalan ni Dingdong na Jose Sixto G. Dantes III.

Una ngang nag-post si Dong mismo sa kanyang Instagram account sa mismong araw ng kapanganakan ng kanilang baby boy ni Yan.

The long wait is over...

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya. Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa supporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat. Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa. Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay. ??❤️ (Photo taken when he was 2 days old) #JoseSixto #Six #Ziggy

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 

Syempre naghihintay din ang kanilang mga tagahanga at ilang pang kaibigan na mag-post na rin si Marian sa kanyang Instagram account at sa wakas nga'y nakapag-post na rin ang aktres sa kanyang account ngayong Easter Sunday, kung saan itinaon niya ang pag-post sa pagkabuhay muli ni Hesus. Masayang nagpasalamat si Marian sa lahat ng sumuporta sa kanila at nagbigay sa kanila ng pagmamahal.

Pahayag nga ng aktres, "Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya."

Dagdag pa ni Marian, "Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa supporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat."

Batid pa niya, "Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa."

Pagbati ngayong Easter

Itinaon nga ng aktres ang pag-post ngayong Easter Sunday, kung saan bumati pa ito sa kanyang mga kaibigan at mga taga-suporta sa kanyang post.

Aniya nga, "Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila—si Dong, si Letizia, at si Sixto— sila ang aking buhay."

 

Isinaad din ni Marian na kinuhanan niya ang litratong kanyang ipinost noong 2-days old palang ang kanilang baby boy. Kakabit din sa kanyang post ang hashtags ng pangalan at palayaw na ibinigay nila sa anak na, "#JoseSixto #Six #Ziggy."

 

Source: Marian Rivera

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!