Marian Rivera, nanganak na!

lead image

Natutuwang ibinalita ni Dingdong Dantes sa kanyang mga tagahanga at pamilya sa Instagram na isinilang na ni Marian Rivera ang kanilang healthy baby boy.

Masayang ibinalita ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account na isinilang na ni Marian Rivera ang kanilang baby boy.

Jose Sixto G. Dantes IV ang pangalan ng anak ni Marian at Dingdong 

Ipinangalan ni Dingdong at Marian ang kanilang baby boy na Jose Sixto G. Dantes IV, kung saan kasunod sa buong pangalan ni Dingdong na Jose Sixto G. Dantes III.

Kwento ni Dingdong sa kanyang Instagram, "Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35pm today."

Dagdag pa niya, " Thank you very much for praying with us. Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35pm today. ? Thank you very much for praying with us. ?? Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV!

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Kung matatandaan ibinahagi ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account na sila'y muling biniyayaan ng Panginoon ng pangalawang anak noong ika-25 ng Setyembre noong nakaraang taon at magiging ate na nga raw ang kanilang panganay na babae na si Maria Letizia na mas kilala bilang Zia.

Pagbati ng mga ilang malalapit na kaibigan

Sa recent post ni Dingdong hindi napigilan ng ilang malalapit na mga kaibigan nila sa industriya na batiin sila ni Marian at i-welcome din ang kanilang baby boy.

Komento ni Ryan Agoncillo, "Congratulations Papa! Good job Mama."

Sabi naman ni Angelica Panganiban na nakasama ni Dong sa pelikulang One More Try at The Unmarried Wife, "Congratulations Yan and Dong!"

Nagkomento rin si Kuya Kim na nakakasama ni Dong sa mga run, "My inaaanak! Rest well guys. Love you both."

Ang kapwa Momma ni Marian na si Chynna Ortaleza-Cipriano ang bumati rin, " Congratulations!!! @dongdantes & @marianrivera God bless your lovely family!!!"

Syempre binati rin sila ng kanilang Kapuso network, "Congratulations @marianrivera, @dongdantes, and Zia!"

 

Source: Dingdong Dantes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!