Marian, ibinahagi kung sino ang mas kamukha ng kanilang baby boy ni Dingdong

lead image

Ayon sa aktres na si Marian Rivera, marami raw siyang natutunan mula sa pag-aalaga kay Baby Zia, kaya't ready na daw siyang manganak muli.

Ngayon ay pitong buwan nang nagbubuntis ang aktres na si Marian Rivera. Ibig sabihin nito, ilang buwan na lamang ang kailangan hintayin bago dumating ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Bukod kay Marian at Dingdong ay lubos din ang excitement ng anak nilang si Baby Zia. Sa isang panayam ng theAsianParent Philippines sa event ng Nido 3+ nakwento ni Marian na minsan daw ay si Zia pa ang nagsasabi ng “good night” sa kaniyang bunsong kapatid.

Dagdag pa ni Marian, simula pa lamang ng kaniyang pagbubuntis ay sinasama na raw nila si Baby Zia. Ito raw ay dahil gusto nilang maging involved ang anak sa kaniyang magiging kapatid.

Sino nga ba ang mas kamukha ng kanilang magiging anak?

Sinabi ni Marian na nakahanda na raw ang lahat ng kaniyang kailangan para manganak. Dagdag pa niya, nakatipid rin daw siya, dahil marami siyang na-recycle na mga lumang gamit ni Baby Zia.

Hindi rin daw gaanong nabago ang kaniyang pagbubuntis kumpara sa pagbubuntis niya kay Zia. Ngunit ngayon daw ay mas disiplinado na siya, at nagiging mas maingat sa kaniyang mga kinakain.

Nang tanungin kung CS daw ba o normal ang kaniyang magiging panganganak, inamin ni Marian na hindi pa raw siya sigurado. Ito ay dahil pangalawa na niya itong anak, at siyempre posibleng magbago na ang kaniyang katawan.

Nagbiro pa si Marian at sinabing “outcast pa rin ako” nang siya ay tanungin kung sino raw ang kamukha ng kanilang sunod na anak. Ang pinagbubuntis daw niya ngayon ay kamukhang-kamukha daw talaga ni Dingdong, lalo na raw sa panga ng kaniyang baby.

Noong bagong panganak si Baby Zia ay maraming nagsasabing kamukha raw siya ni Dingdong. Ngunit habang tumatanda, ay kapansin-pansin na nakukuha na ni Zia ang hawig ng kaniyang ina.

Marian Rivera

Ang mag-inang si Baby Zia at Marian Rivera.

“Priority ko ang pamilya ko”

Nakwento din ni Marian na hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang ilang mga taping at endorsements na ginagawa. Ngunit kapag malapit na raw siyang manganak ay titigil na muna siya katulad ng ginawa kay Baby Zia.

Nagpapasalamat rin daw siya sa GMA dahil nabibigyan pa rin siya ng mga proyekto kahit na matagal siyang nawala. Aniya, naiintindihan daw nila nag priority niya ang kaniyang pamilya, at gusto niyang alagaan muna ang kaniyang mga anak.

Sabi pa ni Marian na pagkatapos raw niyang ipanganak ang kaniyang pangalawang anak, ay nais pa niya itong sundan ng pangatlong anak. Gusto raw ni Marian ng malaking pamilya dahil only child daw siya.

“Lahat ng mabuti para sa kaniya, ibibigay mo talaga”

Ayon kay Marian, lahat daw ay ginagawa nila ni Dingdong upang mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak. Ang mga kinikita raw ni Baby Zia sa mga endorsements ay nakatago sa bangko, at plano nilang ibigay kay Zia kapag nag-18 na ito.

Bilang ina, natutunan raw ni Marian Rivera na ibigay ang lahat sa kaniyang anak. Mula nang magsimula sila ng pamilya ni Dingdong ay talagang nagbago na ang focus sa buhay ni Marian, at ito ay nakabaling na sa kaniyang pamilya at mga anak.

 

Basahin: LOOK: Marian Rivera ipinakita ang kaniyang baby bump nang naka-bikini

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner