Marian Rivera emosyonal sa performance ng anak na si Zia
Di mapigilang maluha ni Marian Rivera dahil proud na proud ito sa anak na si Zia. Bakit nga ba mahalaga ang suporta ng magulang sa talento ng anak? Alamin dito!
Trending sa Tiktok ang video ni Zia Dantes habang kumakanta ng “Rise Up” ni Andra Day. Proud momma naman ang aktres na si Marian Rivera.
Mababasa sa artikulong ito:
- Marian Rivera emosyonal sa pagkanta ng anak na si Zia
- Bakit mahalaga ang pagsuporta sa talento ng iyong anak
Marian Rivera emosyonal sa pagkanta ng anak na si Zia
Isang outstanding performance mula kay Zia Dantes ang mapapanood sa Tiktok video na ibinahagi ni Marian Rivera.
Hinangaan ng mga netizen ang magandang boses ni Zia. Ayon pa nga sa ilang fans, parang Olivia Rodrigo ng Pilipinas si Zia dahil kahawig daw ito ng international singer at pareho pang mahusay na mang-aawit.
Samantala, naging emosyonal naman ang celebrity mom na si Marian Rivera sa performance ng anak.
Aniya, “Pumatak ang luha ko habang pinapanood kang nagre-rehearse. Ito ang unang pagkakataon mong tumuntong sa entablado para kumanta. Proud na proud si Mama sa’yo!”
Habang sa kahiwalay na Instagram post naman ay ganito ang caption ng aktres, “Firsts are always special, especially with Daddy, Mommy, and Sixto in the front row—eyes wide, ears tuned, and hearts full. Witnessing it live is pure magic.”
View this post on Instagram
Bakit mahalaga ang pagsuporta sa talento ng anak
Ang pagsuporta sa talento ng anak ay mahalaga dahil nakakatulong ito sa pagpapalakas ng kanilang kumpiyansa at pagtitiwala sa sarili. Kapag alam ng bata na naniniwala ang kanilang magulang sa kanilang kakayahan, nagiging mas malakas ang loob nila na ipakita at paunlarin ang kanilang talento.
Ang reaksyon ni Marian Rivera sa unang performance ni Zia ay magandang halimbawa ng halaga ng suporta ng magulang. Ang papuri at pagmamahal ng isang magulang ay nagbibigay-inspirasyon sa anak na patuloy na magpursige at magtagumpay.
Kapag nasusuportahan ang isang bata, mas nagiging motivated sila na abutin ang kanilang mga pangarap. Lumalaki silang masaya at handang harapin ang anumang hamon. Ang pagmamahal at suporta ng magulang ay pundasyon ng kanilang tagumpay at pag-unlad sa buhay.