Sumbong ni Misis: "Araw-araw akong pinipilit mag-sex ng mister ko."

lead image

"Sa matagal na panahon, hindi ko inakala na ang nangyayari sa amin ng aking asawa ay maituturing na marital rape." Basahin ang kuwento ng isang misis.

Bilang panimula, gusto kong sabihin nasa matagal na panahon, hindi ko inisip na marital rape kung maituturing ang ginagawa sa akin ng mister ko.

Simula kong naisip na baka biktima nga ako ng marital rape nang lumabas ang ilang balita sa telebisyon na maaaring magkaroon ng insidente ng rape sa pagitan ng mag-asawa.

Isa lamang akong “small town girl” at kahit kilala ang pamilya kong konektado sa akademya—ang aking ama ay isang guro sa isang local school. Ako naman, nakapagtapos sa pamamagitan ng correspondence dahil ang pinakamalapit na unibersidad sa aming bayan ay nasa 50 kilometro ang layo.

Ang mga babae sa aming komunidad ay lukob ang pamumuhay...

Ang mga babae sa aming komunidad ay maituturing na “sheltered” o lukob ang pamumuhay kaya madalas ay hindi namin naiisip ang makipag-date sa lalaki. Lumaki rin kami nang may pag-iimpit kaya ang ideya namin ng pagpapakasal ay pagkakaroon ng ka-partner na makakasamang matulog. Madalas ay kinikilabutan pa kami noon sa tuwing naiisip ito.

Sa katunayan, wala pang sinumang lalaki ang nakahipo sa aming anim na magkakaibigan. Kaya naman nang akong magpakasal, agad akong tinawagan ng aking mga kaibigan at may kilig na pinag-usapan ang tungkol sa unang gabi naming mag-asawa.

Tawang-tawa sila nang sabihin ko na tila mas desperado ang aking asawa dahil halos apat na beses kaming nag-sex noong gabing iyon. Sabi naman ng mga kaibigan ko, pinagpala raw ako dahil sa matindi ang hilig ng aking asawa sa sex.

Ngunit nang lumipas na ang ilang buwan, bigla na akong napaisip kung mapalad nga ba akong talaga.

Totoo na sobrang hilig ng aking asawa sa sex. Sa katunayan, pinipilit niya akong makipagtalik sa kanya araw-araw. Minsan, kahit sa umaga, kahit gahol na sa oras at kailangan pang pakainin ang anim na buwang gulang naming anak.

Ayaw din niya gumamit ng proteksiyon tuwing makikipagtalik...

Hindi lang yun, ayaw din niyang gumagamit ng proteksyon sa tuwing kami ay magtatalik, mas gusto niyang masira ang aking katawan sa madalas na pag-inom ng birth control pills. Sa mga araw na sobrang pagod ako at walang gana makipa g-sex, sasabihan ako ng asawa ko na ipikit ko lamang ang aking mga mata habang kami ay nagse-sex.

Sa tuwing buwanang dalaw ko naman, kitang-kita ang sobrang galit niya. Minsan ipipilit pa rin niya ang magtalik kaming dalawa, ngunit maiinis dahil makalat ito.

Wala rin siyang pakialam sa aking kalusugan. Noong isilang ko ang anak namin, anim na buwan na ang nakararaan, sinabihan ako ng doktor na iwasan muna ang pakikipagtalik dahil sa tahi sa aking sugat.

Ngunit dalawang araw pa lamang ang nakalilipas matapos akong manganak, pinilit na niya akong magtalik kami kahit na sobra akong nasasaktan at matindi ang pagdudurugo ng sugat. Sa buong buwang ito, galit ang aking asawa dahil hindi ko napupunuan ang pangangailangan niya dala ng aking postpartum bleeding.

Kinausap ko na ang isang doktor sa local health center dahil madalas na ang aking panghihina at minsan ay naiiyak na sa tuwing magse-sex kami ng aking asawa.

Sinabi sa akin ng doktor na uminom ng calcium tablets para mabawasan ang sakit sa aking mga kasu-kasuan sa tuwing magtatalik kami ng aking asawa. Sinabihan din niya ako na kumain ng honey na may coconut water bago matulog para magkaroon ako ng gana sa pakikipagtalik.

Nagpatuloy ang ganitong sitwasyon sa loob ng dalawang taon. Sa tuwing iniisip ko ang sex ay
nadidismaya na ako. Madalas ko nang nasabi sa aking asawa na masama ang sobrang kalabisan sa isang bagay, ngunit sinasagot niya ako na dapat ay i-enjoy ko lang ang aming pagtatalik. Sabi pa niya, maraming ibang kasal na lalaki ang naghahanap ng ganitong kaligayahan sa ibang babae.

Kailangan ko bang tiisin na lang ang sitwasyong ito upang hindi na maghanap ng iba ang aking asawa? Sa tingin n'yo ba ito ay isang uri na ng marital rape? Ano ang kailangan kong gawin?

Humihingi ako ng inyong tulong.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles galing sa artikulong
https://ph.theasianparent.com/my-husband-has-forcible-sex-marital-rape

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!