Marjorie Barretto may babala sa mga naninira sa anak niya, "You better know when to stop!"

undefined

Marjorie nagbahagi rin ng reaskyon niya tungkol sa relasyon niya sa mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Bilang isang ina, narito ang mga aral na itinuro ni Marjorie Barretto sa mga anak niya. May iniwan ring babala ang dating aktres sa mga taong patuloy na naninira sa anak niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang pagiging isang ina ni Marjorie Barretto sa mga anak niya.
  • Reaksyon ni Marjorie sa relasyon ng mga anak niya at dating asawa nito na si Dennis Padilla.
  • Komento niya tungkol sa estado ng relasyon niya sa mga kapatid na si Claudine at Gretchen Barretto.

Marjorie Barretto as a loving caring mother

Marjorie Barretto may babala sa mga naninira sa anak niya, You better know when to stop!

 

Sa pinaka-bagong vlog entry ng kilalang host na si Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube channel ay ini-interview niya ang dating aktres at inang si Marjorie Barretto.

Dito ay tinanong ni Toni si Marjorie kung paano ang naging pagpapalaki niya sa mga anak bilang isang single mother. Pag-amin ni Marjorie, ito ay hindi naging madali. Pero masaya siya sa ngayon dahil lumaking maayos ang mga anak niya.

“I realized they are strong on their own. They are so strong na. So parang nakita ko na kung anong strength ‘yong nakita nila sa akin na-pick-up na rin nila iyon.” “I think that’s my reward, God gave me all these kids. And alam ko iyong mga anak ko all I really want is to equip them for the outside world. And I think they are more than equipped.” pahayag ni Marjorie.

Marjorie as a protective mother

Marjorie Barretto

Image screenshot from Marjorie Barretto’s Instagram account

Pero sa kabila nito, lalo na pagdating sa anak niyang si Julia na humaharap sa napakaraming issues sa ngayon, hindi pa rin napipigilan ni Marjorie na maging protective sa mga anak niya. May babala ngang iniwan ang dating aktres sa mga taong patuloy na sinisiraan ang imahe ni Julia.

“But sometimes it is so frustrating when you know the truth. You know the struggle of not talking. Meron akong mga moments, I tell you and I always tell my kids. I wanna remind that person who always hits on my daughter na “buhay pa nanay niya ha!  Buhay na buhay ako. You better know when to stop.” “It is when these people who continues and tries to paint out a really ugly picture of my daughter. I think that they just have to be reminded that there is, may hangganganan. I can be nice and I can be quiet. But when I do talk I tell the truth.”

Ito ang matapang na pahayag ni Marjorie Barretto.

Kaugnay ng mga ito, lagi rin umanong may ipinapaalala ang dating aktres sa anak niyang si Julia. Ito ay kung may isang tao na tunay na nagmamalasakit sa kaniya at hindi siya ipapahamak, ito ay walang iba kung hindi siya.

“I told Julia before, there will.be so many people who will pretend to care for you or have concern for you. But if its than one person na never kang ipapahamak, who will give you the best advice, it’s the mom. Hindi ka niya tratraydorin,” sabi pa ni Marjorie.

On being self-less and a good example to her kids

Marjorie Barretto

Image screenshot from Marjorie Barretto’s Instagram account

Matapang man pagdating sa mga anak niya, pagdating sa kaniyang sarili at sa mga isyung ibinabato sa kaniya, ayon kay Marjorie mananahimik nalang siya. Dahil para umano sa kaniya hindi mahalaga ang iniisip ng iba. Basta napapasaya niya at proud sa kaniya ang mga anak niya.

“I know myself more, I know my children more and I know they all have good hearts.” “I just want to live a life that I get my children’s approval. As long as I make them happy and I make them proud it really doesn’t matter what other people will think about me.”

Ito ang masayang pahayag ni Marjorie. Ang saya niya ngang ito ay mas nadagdagan pa sa ngayon dahil maayos na ang relasyon ng mga anak niya sa ama ng mga ito na si Dennis Padilla. Isang bagay umano na matagal ng hinihiling ni Marjorie.

Reaksyon niya sa relasyon ng mga anak sa ama nilang Dennis Padilla

 

“First of all I am happy that they are in that kind of relationship already. People misjudged me thinking na I was encouraging my kids not to have a good relationship with their father as a matter of fact even Dennis thought for a long time that I was the one preventing him from seeing my kids. No.” “I want my kids to have peace with both parents. Kasi I don’t want them to harbor hatred or forgiveness in their hearts. Kasi mabigat iyon lalo na kung magulang mo iyong kaaway mo.”

Dagdag pa niya, natuwa rin siya sa ginawang pag-amin ng dating asawang si Dennis Padilla na may naging pagkakamali rin ito sa naging hiwalayan nila. Hinihiling niya na sana ipagpatuloy niya ito para mas maraming masasayang oras pa ang magawa nilang magkakasama ng mga anak niya.

“He and I were separated for more than 14 years. I never thought that the day will come and he would say na may kasalanan din siya sa breakup namin, sa breakdown ng marriage namin.” “I would like for him to continue his journey as a less angry person para ma-enjoy nila the remaining years of his life na his part of his children’s life.”

BASAHIN:

Julia Barretto asks dad Dennis Padilla kung ano ang biggest regret niya

Coleen Garcia on postpartum anxiety: “No matter how much I try, I wasn’t doing good enough…”

Mom shares her Unica Hija’s quarantine birthday party

Pahayag ng aktres tungkol sa relasyon niya sa mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barretto

Pero kung may mga tao daw sa ngayon na hindi pang handang makipag-ayos si Marjorie, ito ay sa mga kapatid niyang si Claudine at Gretchen Barretto.

Ngunit hindi umano ibig sabihin nito na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa kanila. Sadya lang umanong mas mabuti at peaceful ang kanilang sitwasyon sa ngayon kaysa pipiliting magbati sila.

“It is not out of hate; it is out of peace muna. Parang there is just more peace when in that space. Parang there’s so much pain na it is just gonna be more peaceful kung hindi bati. But it doesn’t mean na karga-karga ko araw-araw na nagigising ako na galit sa kanila hindi, hindi ganoon.”

Ito ang pahayag ni Marjorie Barretto tungkol sa relasyon niya sa mga kapatid niya.

Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!