Markus Paterson kay Janella Salvador: “She's the best relationship that I had. She gave me the best gift of my life.”

Si Markus ibinahagi rin ang ingredient sa maayos na co-parenting relationship nila ni Janella.

Markus Paterson pinuri ang ex-girlfriend na si Janella Salvador. Ayon sa aktor, ito daw ang “best relationship” na naranasan niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Relasyon ni Markus Paterson sa ex niyang si Janella Salvador.
  • Realizations ni Markus Paterson sa hiwalayan nila ni Janella.

Relasyon ni Markus Paterson sa ex niyang si Janella Salvador

Markus Paterson at Janella Salvador

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Sa isang panayam, nagbigay detalye si Markus Paterson sa estado ng relasyon nila ngayon ni Janella Salvador. Ayon kay Markus, maayos ang co-parenting relationship nila ni Janella. Pagdating naman sa intimacy sa pagitan nila, sabi ni Markus, si Janella ang the best na nakarelasyon niya.

“She’s amazing, she’s the best relationship that I had. She gave me the best gift of my life.”

Ito ang pagsasalarawan pa ni Markus kay Janella.

“Jude is for sure my biggest blessing and the fact that she’s the one that gave him to me, I will never not love her. Maybe not romantically anymore but she will always be a huge part of my heart.”

Ito ang sabi pa ng aktor tungkol kay Janella sa hiwalay na panayam.

janella salvador kasama ang anak na si Jude

Larawan mula sa Instagram ni Janella Salvador

Sa ngayon daw ay consistent rin ang communication nila ni Janella. Dahil naniniwala siya na ito ang pinakamahalagang requirement para magkaroon sila ng maayos na co-parenting relationship.

“That’s the main bridge of co-parenting, communication. It’s good, it’s important that we work as a team naman, that’s what we are doing.”

Realizations ni Markus Paterson sa hiwalayan nila ni Janella

Pagdating naman daw sa pakikipagrelasyon, ito ang realizations at natutunan ni Markus Paterson.

“If I decide to date one day, it’s gonna be with someone not in this industry.”

“It’s just hard, it’s hard to maintain a relationship in such a competitive business. That’s it, it’s that simple.”

Ito ang sabi pa ni Markus.

Sa isa pang pahayag ay sinabi rin ni Markus na hindi issue sa kaniya kung magkaroon rin ng bagong ka-relasyon na si Janella. Lalo na daw kung ito ang magpapasaya sa aktres.

Markus Paterson kasama ang anak na si Jude

Larawan mula sa Instagram ni Markus Paterson

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!