8 na rason kung bakit nakakaramdam ng sakit ang babae kapag nakikipag-sex

lead image

Ayon sa isang pag-aaral, tatlo sa bawat apat na babae ang nakakaramdam ng masakit na sex. Anu-ano kaya ang dahilan kung bakit nangyayari ito? | Photo by Vladislav Muslakov on Unsplash

Hindi lamang si mister ang dapat nage-enjoy sa sex, pati na rin si misis! Ngunit ayon sa isang pag-aaral ng American College of Obstetricians and Gynecologists tatlo sa bawat apat na babae ang nakakaramdam ng masakit na sex. May iba na nakakaramdam ng sakit ngunit panandalian lang, ang iba naman nakakaramdam nito tuwing nakikipagtalik.

Madalas man o paminsan-minsan, nakakasagabal ito sa pag-lovemaking ng mag-asawa. Ang masaklap pa dito, karamihan ng mga babae, iniinda na lang ang sakit. Hindi raw dapat ito ang kaso, ayon kay Dr. Tami M. Prince, isang OB GYN.

"Kung nakakaramdam ng sakit, dapat ipaalam ito sa inyong duktor," aniya. "Hindi dapat tinitiis ang sakit."

Hindi dapat na ipinapagsawalang bahala na lang ang mga karamdaman na ganito dahil baka mamaya, may mas malalim na ugat pala kung bakit nakakaramdam ng masakit na sex imbis na pleasure.

Heto ang mga posibleng dahilan, ayon sa Women's Health magazine:

1. May problema sa kalusugan

Kadalasan sintomas ng ibang problema sa kalusugan kapag nakakaranas ng sakit habang nagtatalik. Ang mga karaniwang sakit ay ang vaginitis o ang pamamaga sa vagina dahil sa yeast infection o di kaya'y sexually transmitted disease (STD). Maaari ring may sakit na endometriosis, impeksiyon sa bladder, cyst sa obaryo o di kaya'y uterine fibroids.

Mayroon ding ibang kababaihan na sadyang hindi maganda ang pagka-porma ng kanilang reproductive system. Ayon kay Dr. Prince, may iba na mayroong titled uterus na kinakailangan ng operasyon upang maisaayos.

Importante na kumonsulta sa duktor upang malaman kung may problema ba sa kalusugan.

2. May problema sa hormones

Ayon sa mga duktor, nakakaranas ng vaginal dryness kapag mababa ang estrogen hormones dahil sa stress, epekto ng pag-inom ng gamot, o di kaya'y menopause. Importante ang estrogen dahil tinutulungan nito ang mga babae na maging naturally lubricated.

Kapag dry ang vagina, nagkakaroon ng friction kapag ipinapasok ang penis kaya nagiging nakakaramdam ng masakit na sex.

3. Kulang sa lubricant

Kahit na may natural na lubricant na napro-produce ang vagina, minsan hindi ito sapat mas lalo na kung nakakaranas ng vaginal dryness katulad ng nasabi sa itaas. Maaaring gumamit ng lubricant. Siguraduhin lang na hiyang ka dito bago ito gamitin.

4. Hindi kumportableng posisyon

Minsan kaya nagiging masakit ang sex dahil sa posisyon ninyong mag-asawa, ayon kay Dr. Prince. Dagdag pa niya na kung medyo naka-kurba ang penis ni mister, nagiging hindi ito kumportable sa iyo. Kaya maige na sumubok ng iba't ibang posisyon para mahanap niyong mag-asawa kung ano ang pinaka-kumportable sa inyong dalawa.

Ang karaniwan daw na pinaka-kumportableng posisyon ay ang missionary at ang spooning.

5. Masyadong malaki si mister

Hindi totoo na kapag mas malaki, mas magiging masarap ang pagtatalik. May mga ibang babae na nahihirapan mag-adjust kung masyadong malaki ang penis ng partner nila, ayon kay Dr. Prince. May mga posisyon na maaaring ninyong subukan upang mas maging kumportable sa penis ni mister—katulad ng reverse cowgirl, seated straddle, at reverse spoon.

6. May naranasan kang trauma

May mga babae na hindi kumportable sa sex matapos ang isang traumatic experience katulad ng sexual assault. Dahil sa trauma na naranasan, nagkakaroon ng involuntary spasm ang vagina muscles tuwing nagtatalik kaya hindi nagiging kumportable ang sex.

Payo ni Dr. Prince, magpa-konsulta sa isang psychiatrist para mabigyan ng kaukulang pansin ang trauma na pinagdaanan.

7. Hindi okey ang relasyon

Para sa karamihan ng babae, nagsisimula ang libog sa utak. Kapag hindi masaya ang relasyon ninyong mag-asawa o di kaya'y may problema sa pagsasama, nagiging sanhi ito ng hindi enjoyable na sex. Mabuting ayusin ang kung ano mang problema na maaaring nakaka-apekto sa sex life ninyo.

8. Kapag gumagamit ng maraming feminine products

May mga iba-ibang produkto na ginagamit na maaaring nagiging sanhi ng pagkakaroon ng bacterial vaginosis o ang inflammation na sanhi ng bad bacteria. May mga produkto kasi na akala natin ay nililinis vagina pero mas nakakasama pala ito. Maige na kumonsulta sa iyong duktor para alamin kung ano ang mga produkto ang puwedeng gamitin.

 

SOURCE: Women's Health