X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Normal lang ba ang pananakit ng singit kapag buntis?

5 min read

Masakit na singit ng buntis, narito ang mga dahilan. Pati na ang mga maaring gawin upang ito ay maibsan o malunasan.

Pananakit ng singit kapag buntis

Ayon sa Royal College of Obstetricians and Gynaecologists ang pananakit ng singit kapag buntis ay normal lang. Ito nga ay nararanasan umano ng isa sa kada 5 babaeng nagbubuntis na madalas na nagsisimula sa kanilang 2nd trimester. Maraming posibleng dahilan kung bakit nananakit ang singit ng buntis. Ang mga ito ay ang sumunod:

Masakit na singit ng buntis

Image from Freepik

Dahilan ng masakit na singit ng buntis

Symphysis pubis dysfunction

Isa sa mga dahilan ng pananakit ng singit kapag buntis ay ang kondisyon na kung tawagin ay symphysis pubis dysfunction. Ang pubic symphasis ay ang joint sa magkabilang pubic bones o sa parteng singit. Kapag nagbubuntis ang isang babae, ang litid sa joint na ito ay nag-rerelax at nag-istretch para ma-accommodate ang lumalaking fetus sa sinapupunan. Ang pagrerelax at stretching rin na ito ng litid ang dahilan kung bakit ito nananakit at nag-reresulta sa symphysis pubis dysfunction o SPD.

Maliban sa masakit na singit ng buntis, ang iba pang sintomas ng SPD ay ang sumusunod:

  • Clicking o paglagatok sa bewang o pelvis
  • Pamamanhid o shooting pains sa pelvic area o bandang puson
  • Pakiramdam ng pangunguryente sa vagina o singit
  • Sakit na nagmumula sa isang bahagi ng pelvic area papunta sa kabila

Ang mga sintomas na ito ay mas mararamdaman o mas lalala pa sa 2nd hanggang 3rd trimester ng pagbubuntis. Lalo na kapag nagbubuhat ng mabigat, biglang tatayo o aakyat sa hagdan ang buntis. Ito naman ay hindi seryosong kondisyon at kusang nawawala matapos makapanganak ng babaeng nakakaranas nito. Pero makakatulong ang mga sumusunod upang maibsan ang pananakit ng singit na idinudulot nito.

  • Acupuncture
  • Chiropractic massage
  • Paglalagay ng hot o cold compress sa pubic region

Round ligament pain

Ang masakit na singit ng buntis ay tinatawag ring round ligament pain. Ito ang band ng connective tissue na sumusuporta sa uterus. Halos magkatulad ang sintomas ng SPD at round ligament pain. Ang kaibahan lang ay umaakyat ang pananakit na dulot ng round ligament pain hanggang sa tiyan ng buntis. At minsan ito ay biglang umaatake at napakasakit na tumatagal ng ilang segundo. Ayon sa ibang buntis, mas tumitindi nga daw ang pananakit na dulot ng round ligament pain kapag sila ay nagpapalit ng posisyon sa pagtulog. O kaya naman ay sa tuwing sila ay biglang tatayo o uupo.

Ang round ligament pain ay kusa ring nawawala matapos makapanganak ang buntis. Ngunit para maibsan ang pananakit ay may ilang bagay siyang maaring gawin. Ito ay ang sumusunod:

  • Pag-bebend o pag-flex sa balakang bago gumawa ng mga bagay na magdudulot ng round ligament pain.
  • Paghawak o pagsuporta sa tiyan gamit ang kamay kapag tatayo, uupo at uubo.
  • Dahan-dahanin ang pagpapalit ng pwesto.
  • Paglalagay ng heat pad sa masakit na bahagi.
Masakit na singit ng buntis

Image from Freepik

Vaginal infections

Ang masakit na singit ng buntis ay maaring dulot rin ng vaginal infections. Ito ay nararanasan ng buntis kapag nagkaroon ng overgrowth o labis na pagdami ng yeast at bacteria sa vagina.

Madalas sa pagbubuntis, ito ay idinudulot ng hormone changes na nakakapekto sa pH level ng vagina. Dahilan upang mas dumami ang yeast at bacteria dito.

Maliban sa pananakit ng singit, ang iba pang sintomas nito ay ang sumusunod:

  • Hapdi at pangangati sa vagina. Pati na sa pagitan ng vagina at anus
  • Makapal at kulay puting vaginal discharge na madalas ay walang amoy.
  • Sakit sa tuwing umiihi o nakikipagtalik.

Ang pangunahing paraan upang malunasan ang vaginal infection ay sa pamamagitan ng mga antifungal medications. Pero bago gumamit nito ay kailangan mo munang magpakonsulta sa doktor upang makasigurado.

Vaginal dryness

Ang vaginal dryness ay maaring magdulot rin ng masakit na singit kapag buntis. Maliban rito ang vaginal dryness ay may sumusunod pang sintomas:

  • Pamamaga o pangangati sa paligid ng vagina.
  • Mas madalas na pag-ihi.
  • Pabalik-balik na UTI o urinary tract infection.

Malulunasan ang vaginal dryness sa tulong ng mga vaginal moisturizers. Habang makakatulong naman ang water-based sexual lubricants para maibsan ang vaginal dryness kung makikipagtalik. Pero bago gumamit ng mga ito mas mabuting makipag-usap o komunsulta muna sa iyong doktor. Ito ay upang makasigurong ligtas ito sa pagbubuntis mo.

Iba pang maaring gawin upang maibsan ang masakit na singit ng buntis

Masakit na singit ng buntis

Image from Freepik

Sa kabuuan, wala namang dapat ipag-alala ang isang babaeng buntis sa masakit na singit dahil sa ito ay normal. Ngunit kung ito ay mas lumalala pa at nagdudulot ng labis na discomfort sa buntis ay mabuting ipagbigay alam na ito sa doktor. Lalo na kung ang sakit ay mas tumitindi at nararamdaman narin sa buong tiyan.

Payo pa ng mga ekspero maliban sa mga nabanggit na lunas sa bawat kondisyon, ang mga sumusunod ay makakatulong rin upang maiwasan ang masakit na singit kapag buntis:

  • Manatiling active para maging open at flexible ang iyong joints. Mag-cardio exercise, weight training at stretching.
  • Ang swimming ay isang magandang exercise at activity rin para sa mga buntis.
  • Magbago ng iyong workload. Kung ang iyong trabaho ay nagdudulot ng pananakit sa iyong tiyan, makiusap at magpalipat muna sa mas magaan na trabaho.
  • Gumamit ng support brace para sa iyong tiyan. Ito ay upang hindi masyadong mabigatan o ma-pressure ang iyong pelvic muscles at maiwasan ang pananakit sa bahaging ito ng iyong katawan.

 

Source:

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

WebMD, Medical News Today, Healthline

BASAHIN:

Safe ba uminom ng Gatorade habang buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Normal lang ba ang pananakit ng singit kapag buntis?
Share:
  • Pampaputi ng Singit: Mga Produkto at Home Remedies Para sa Flawless na Singit

    Pampaputi ng Singit: Mga Produkto at Home Remedies Para sa Flawless na Singit

  • Pelvic Pain: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?

    Pelvic Pain: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Pampaputi ng Singit: Mga Produkto at Home Remedies Para sa Flawless na Singit

    Pampaputi ng Singit: Mga Produkto at Home Remedies Para sa Flawless na Singit

  • Pelvic Pain: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?

    Pelvic Pain: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.