5 paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media

lead image

Narito ang ilang tips upang maprotektahan ang iyong pamilya at sarili laban sa masamang epekto ng social media sa ating mental health.

Nakakaramdam ka ba minsan ng kalungkutan, pagkadismaya o inggit sa tuwing binubuksan ang iyong personal account sa Facebook, Instagram, at iba pang social media accounts? Hindi ka nag-iisa. Lumabas sa isang pag-aaral mula sa Journal of Social and Clinical Psychology na nakakaapekto sa mental health ng mga tao ang masamang epekto ng social media.

masamang epekto ng social media

Masamang epekto ng social media sa mental health

Ang mga tao ay may kakayahang gumaya sa mga nakikita nila sa kanilang paligid at kapwa kaya hindi nakakapagtaka na ang mga tao ay may tendensiya ring makaramdam ng inggit at ikinukumpara ang sarili sa iba.

Dahil dito, naapektuhan ng pagkukumpara ng sarili ang mental health ng mga tao. Mabilis silang nakakaramdam ng lungkot, pagkamuhi, inggit at iba pang negatibong pag-iisip. Nagbubunsod din ito sa pagkakaroon ng depression para sa iba.

“When you look at other people's lives, particularly on Instagram, it's easy to conclude that everyone else's life is cooler or better than yours,” sabi ni Dr. Melissa Hunt, psychologist at may-akda ng pag-aaral.

Ipinapayo ng mga eksperto ang social media detox o ang pagtigil sa paggamit ng anumang social media accounts, pansamantala o pangmatagalan depende sa tindi ng epekto ng social media sa mental health ng isang tao. Ito ay upang makapagpahinga ang kaisipan ng tao at magkaroon ito ng kapanatagan sa sarili.

Mga paraan upang maprotektahan ang mental health

masamang epekto ng social media

1. Subaybayan ang paggamit ng social media

Ang unang hakbang upang maprotektahan ang mental health ay ang subaybayan ang paggamit nito.

“Keep track of your social media use and mood, with particular focus on feelings of self-esteem, eight or 12 times per day,” sabi ni Sonja Lyubomirsky, psychology professor sa UC Riverside at may-akda ng librong The Myth of Happiness.

Sa paraang ito nababantayan ang oras ng paggamit ng social media at mga bagay na nakikita sa newsfeed at wall ng personal account.

2. Sanayin ang pagkamahinahon

Mabisang pamamaraan ang pagkamahinahon sa paggamit ng social media. Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagkaramdam ng mga negative vibes mula sa iba't-ibang balita at post na nakikita sa newsfeed ng iyong personal account.

Mindfulness is a great technique for putting things into perspective and helping us counteract the negative effects of social media,”sabi ni Erin Vogel, postdoctoral fellow sa Department of Psychiatry ng University of California.

Subukang obserbahan ang iyong sarili sa tuwing nakakakita ng mga post na tumatalakay sa iba't-ibang balita. Nakakaramdam ka ba ng inis? Nalulungkot ka ba? Natutuwa? Sa pamamagitan ng pagkilala sa iyong iba't-ibang reaksyon, madedetermina mo ang mga bagay na maaaring makaapekto sa iyong mental health.

3. Subukang mag-reality check

Ang mga tao sa social media ay madalas na ibinabahagi ang anumang nangyayari sa kanilang buhay araw-araw, at maging tayo ay ginagawa din ito.

“People tend to present the ‘highlights’ of their lives. So, when we compare ourselves to others on social media, it's not a fair comparison," sabi ni Vogel.

Upang maiwasan ang pagkaramdam ng inggit, subukang mag-reality check sa iyong sarili.

Ang mga post mo ba ay sumasalamin sa tunay mong buhay? Kung nagpo-post ka ng mga bagay na hindi sumasalamin sa tunay na nangyayari sa buhay mo para lamang makasabay sa uso, baka kailangan mong magmuni-muni muna.

"If your posts don’t represent a completely accurate picture of your own struggles, odds are other people’s feeds don’t either.

Dagdag niya: "Remembering that we all curate our social media with personal highlight reels — not our bloopers or blunders — may help give you perspective when you’re feeling subpar next to someone else’s seemingly fabulous life."

4. Baguhin ang pananaw sa buhay

Isa rin sa masamang epekto ng social media ay ang unti-unting pagbago ng pananaw ng mga tao. Ginagamit din ang social media sa pagpapalaganap ng iba't-ibang propaganda at fake news kaya kadalasang nagkakaroon ng mga pagtatalo at hindi pag-uunawaan ang mga tao sa bawat post at balita na nakikita nila.

“For instance, if you're feeling bad that your toddler is throwing non-stop tantrums when everyone else's kid seems angelic on social media, you can cognitively reframe how you feel about it by recognizing that it's developmentally appropriate for your toddler to assert their independence,” sabi ni Vogel.

Palawakin ang kamalayan at subukang baguhin ang pananaw sa buhay upang maiwasan ang panghuhusga sa kapwa at makita ang ibang side sa bawat isyu o usapin na nakikita natin sa social media. Paganahin din ang critical thinking upang makilala ang pagkakaiba ng reyalidad sa peke.

5. Mag-focus sa mabubuting bagay sa iyong buhay

Mainam na laging isaisip ang lahat ng mabubuting bagay na nangyayari sa iyong buhay at iwasan ang mainggit sa lahat ng nakikita sa social media.

Sa katunayan, isang pag-aaral noong 2017 ang nagpatunay na malaki ang nagagawa ng gratitude sa pagbawas ng stress at depression ng tao. Sa ganitong paraan naiiwasan ang masamang epekto ng social media at napapataas naman nito ang motivation at well-being natin.

Tulad ng nasa kasabihan, "count your blessings and appreciate everything what you have in life" upang hindi maapektuhan ng mga negatibong bagay ang iyong pag-iisip at buhay.

 

Source: Livestrong, Journal of Social and Clinical Psychology

Images: Shutterstock

BASAHIN: Poor mental health linked to late-night phone use, says study

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!