5 sex positions na puwedeng gawin... nang hindi naghuhubad!

lead image

Maraming paraan para magkaroon ng masarap na pagtatalik. Isa na rito ang pagsubok ng iba't ibang posisyon at paraan—tulad ng sex with clothes on! | PHOTO: Shutterstock

Kapag nagtatalik ang mag-asawa, mas nararamdaman nito ang pagiging malapit lalo sa isa't isa dahil kitang-kita nang isa't isa ang kabuoan ng katawan ng kanilang asawa. Bawat kurba, bawat parte ng katawan, pati na rin ang mga imperfections. Walang nang mas intimate pa siguro sa skin-to-skin. Ngunit suhestiyon ng isang sex therapist, mayroon ding naidudulot ang misteryo para magkaroon ng masarap na pagtatalik kaysa sa nakagawian.

Ayon kay Stephen Snyder MD, manunulat ng Love Worth Making: How to Have Ridiculously Great Sex in a Long-Lasting Relationship, ang pagtatalik habang may suot pang damit ay nagbibigay ng ibang klaseng thrill para sa mag-asawa dahil hindi lahat ng parte ng katawan ay nakikita. Kaya naman ang mga parte na naka-expose ay biglang nagiging focus ng atensyon at mas umiigting ang sensation sa mga parteng ito.

Dagdag pa niya na kapag naka-damit pa si mister at misis, nagpapataas ito ng likas karnal na pagnanasa lalo sa isa't isa. "Nagiging simbolo ito ng pagiging spontaneous, karnal, at matinding pagnanasa sa iyong partner."

Kaya subukan ang 5 posisyon na ito (nang hindi tinatanggal ang mga damit) para sa masarap na pagtatalik ngayong gabi:

1. Si misis ang kumander

Umupo sa isang upuan at hayaan muna si misis ang nasa itaas. Sa ganitong posisyon, madali niyang maitataas ang kaniyang palda at maitatabi ang kaniyang underwear para maipasok ang ari ni mister. Huwag kalimutang panatilihing suot ang pang-itaas ni misis. Habang nagse-sex, puwedeng hawakan at imasahe ni mister ang boobs ni misis.

 

2. Sa pader

Iposisyon si misis sa may pader nang nakatayo. Iakyat ang palda ni misis at itabi ang panty. Huwag tuluyang tanggalin ang pantalon ni mister, ilabas lamang ang ari sa pantalon.

Misis, iangat ang isang hita habang sinusuportahan naman ng kabilang paa ang bigat ng katawan. Sa ganitong posisyon makakapasok na si mister. Kumapit kay mister para hindi mahulog.

 

3. Doggy

Sikat ang posisyon na ito dahil ito ang pinakamabilis na paraan upang makapagtalik nang madalian. Kaya naman maganda rin ang posisyon na ito kahit na nakasuot pa ang damit. Kailangan lang tumuwad ni misis at puwede nang pumasok si mister. Puwede itong gawin sa sofa o habang nakatungkod sa lamesa.

 

4. L

Humiga sa kama o lamesa, o kahit anong surface na puwedeng humiga at nakasampay ang mga hita ni misis. Iangat ang palda o ibaba ang pantalon ni misis, ngunit huwag tuluyang tanggalin. Sapat na puwang lang para makapasok si mister habang nakatayo siya sa edge ng kung saan man nakahiga si misis.

Maaaring ibuka ni misis ang legs pero mas masarap na pagtatalik kung pananatilihing nakasara ang mga hita.

 

5. Oral sex

Habang naka-higa si mister, pumosisyon sa taas niya. Iangat ang palda o di kaya'y ibaba ang pantalon. Mag-squat sa tapat ng mukha niya at hayaan siyang bigyan si misis ng oral sex. Maaaring gamitin ang mga kamay bilang tungkod para magkaroon ng suporta.

 

SOURCE: Health.com